Epilogue

2.3K 25 0
                                    

BUMUKAS ang dalawang pinto. Tatlong pigura nang tao ang iniluwa dito pero sa babaeng nasa gitna ako nakatitig.

Kahit hindi ko masyadong kita ang kanyang mukha dahil sa suot na belo, alam ko, nararamdaman kung nakatingin din siya sakin. At ang ganda niya. Noon pa man maganda na siya, pero mas lalo siyang gumanda at lalo na sa a suot niya ngayon. Bagay na bagay sakanya.

Matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to. I can't wait to call her my wife. Urgh! Hindi na ako makapaghintay na makasama siyang bubuo sa pamilyang pinangarap ko. I can't wait to be with her. Kung pwedi ko lang siyang sunduin, buhatin at dalhin sa harap nang altar para makasal na kami.

Jesus! I'm so inlove with this woman!

Ngumiti ako kasabay nang pagtulo ng luha ko. Tinapik ako ni Jairus.

Naalala ko noon. Sumama ako kay Nana papuntang Davao, para makaiwas kay Daddy, at para ihanda ang sarili ko. Bumaba ako noon sa isang tricycle.

Isang babaing nakasuot nang tshirt na may malaking hello kitty ang kausap ni Nana. Nakangiti siya. Hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Maganda siya pero may kakaiba sa kanya na hindi ko alam kung ano! Basta ang alam ko, I can't take my eyes off her!

Ipinakilala siya sakin ni Nana. Iah. Iah ang pangalan niya.

Nagkakasama kami. Tuwing nakikita ko ang ngiti niya... gumagaan ang pakiramdam ko. Tuwing kasama ko siya... nakakalimutan ko ang bigat na dinadala ko dahil sa'king pamilya. Sa loob ng mga araw na kasama ko siya, I felt normal. Nakahinga ako ng maluwag. Nagagawa ko lahat nang gusto, at nakakakuha ako ng  suporta mula sa kanya.

Madami siyang naituro sakin. And most especially, tinuruan niya ako kung paano sumaya. 'Yung totoong masaya. 'Yung hindi panandaliang, saya. Saya na kahit pagtulog ko, nakangiti pa rin ako.

It was the first time I felt that towards a girl. For the first in my life, I chose what my heart wants. Pinili ko ang isang bagay na alam kung makakapagpasaya sakin, hindi inisip kung sasang-ayunan ito nang magulang ko. 

Inamin kung gusto ko siya.

Masakit ang ginawa kung pang-iwan sakanya noon. Hindi ko nagawang marinig ang sagot niya. Hindi ako nakapunta sa birthday niya. Gustuhin ko mang wag umalis, hindi pwedi. Dahil kung pinili kung mag-stay... baka hindi ko na nakita sa huling pagkakataon ang lolo ko.

Bumalik ako sa dati. Ang panandaliang saya'y bumalik.

Hinanap-hanap ko siya. Nang puso ko. Nang buong sistema ko. Hindi mapakali ang puso kong hindi ko siya kasama. Na hindi siya makita. Years had past. Ganoon pa rin. Siya pa rin. Sinubukan kung buksan ang puso ko sa iba... wala. Dahil siya... Siya lang ang gusto nitong puso ko.

Noon hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang makasama. Kung bakit gusto ko siyang makita. Pero noong araw na umalis ako... doon ko nalaman kung bakit. Dahil siya ang source nang kaligayan ko. Ang tanging babaing nagparamdam sakin na pwedi din akung sumaya nang totoo.

Pinangako ko sa sarili ko nababalikan ko siya. Hahanapin. Kahit nasa abroad ako noon, sinubukan ko pa rin siyang hanapin through internet. But I found nothing. Hindi ata mahilig sa social media.

Nang makabalik kami nang pinas... una kung hinanap ay siya. Lumipad ako nang Davao agad--hindi na nagpahinga. Pero wala na siya. Wala na siya kung saan ko siya iniwan.

Hindi ako nawalan nang pag-asa. Kahit ilang taon ang lumipas. Ganoon pa rin... siya pa rin. Siya pa rin ang hanap ko.

Kaya noong nakita ko na siya ulit... at hindi pa huli ang lahat para sa'min, pinangako ko sa sarili ko na kahit na anong mangyari... hinding hindi na kami magkakalayo. Hindi na siya mawawala sakin. Hindi na ako aalis, at hinding-hindi ko na siya iiwan.

When I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon