Kabanata 7

1.7K 29 1
                                    

Kabanata 7: That's why

KINABUKASAN ng hapon na 'yon nagwawalis ako sa bakuran namin. Minsan, napapahinto ako at napapatingin sa katabing bahay. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Di ko pa siya nakikita mula pa kanina.

"Beeeeesssss!"

Napatalon ako at napahawak sa dibdib. "Ano ba, Reymark! Palaka ka talaga." Bulyaw ko.

"Nemen. Sarry! Eh kasi nagmamadali ako." Nagmamadali niyang sinabi habang nagmamartsa sa harapan ko. Atat naman nang 'sang 'to. Anyaree?

"Oh? Na pano ka? Naiihi?"

"Gaga!" Binatukan niya ako at hinila palabas nang bakuran namin. "Kyaaaa..."

"Hoy! Bakla! Saan mo ako dadalhin? Bat ka nang hihil--hoy! May ginagawa pa ako!" Sigaw ko habang tumatakbong kasunod niya. Hawak niya yung kamay ko kaya hindi ako makapalag.

"Basta! Just run with me. Bwahahaha. Kyaaaaa Oh My God! We need to running man faster, you know!!" Sigaw niya at mas lalo akong kinaladtad. Ghad!

Habol-habol ko ang hininga ko nang tumigil kami. Andito kami sa likod nang simbahan kung saan may mga puno nang niyog at kung saan may naglalaro nang basketball sa may bakanteng lupa kung saan may isang ring na nakapako sa puno nang niyog. Dito naglalaro ang iba kung gusto nilang maglibang.

Pinasadahan ko nang tingin ang paligid nang pamansing hindi lang kami ang andito. Madami. Madaming taong nanonood. Anong merun?

"Anong mer--"

"Kyaaah! Doon tayo beeess!" At sa pangalawang pagkakataon hinila niya ulit ako palapit doon.

Literal na nanlalaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang naglalaro.

"Ivan?" Bulong ko.

Naagaw niya ang bolang isho-shoot na sana ni Boboy. Inikutan niya si boboy, ni-drible niya ang bola at bago niya ito in-shoot ay lumingon siya sa---kin?

"Kyaaaahh!!!! Ang galing galing mo papa Ivaaan!!!! Kyaaaa!" Sigaw nitong baklang katabi ko ng in-shoot niya ang bola habang nasa direksyon namin ang mata niya.

Kinabahan ako bigla. Luh? Bakit kaya?

Nagpatuloy ang laro nila habang seryusong-seryuso si Boboy. Ano kaya ang problema niya? Pawisan si Ivan pero mahahalata mong hindi pa siya masyadong pagod. Sa laro niya ngayon mukhang hindi niya pa binibigay lahat. Parang wala lang ito sa kanya. Bawat shoot at agaw niya nang bola ay effortless.

Magkasama sina Boboy, Leo, Anton at Dino. Samantalang magkakasama naman sina Miko, Alex, at Ivan. Tatlo lang sila, pero lamang na lamang na ang grupo nina Ivan. At sa huli ang grupo nina Ivan ang nanalo.

Agad na nagsigawan ang mga babaing nanonood kasama na tong katabi ko. Nanatili ang tingin ko kay Ivan na ngayo'y kausap si Dino habang pinupunasan ang kanyang buhok. Muntik na akong mapatalon nang bigla siyang lumingon sakin. Shit!

"Te-teka Macky. Anong merun?" Baling ko kay Reymark na nakatingin sa kanyang cellphone habang kilig na kilig.

"Nagpapraktis sila para sa championship. Kyaaa! Ang hot niya dito." Sagot niya.

Napailing ako. "So ibig sabihin? Sasali siya sa championship?"

"Oo bes! Pinakiusapan siya nina Dino kasi hindi pa gumagaling si Jun." Nag-angat nang tingin si Reymark sakin at may tinuro. "Pero kita mo 'yan? Yang mukha ni Boboy na busangot? HAHAHA" natatawa niyang sinabi.

"Bakit?"

"Hindi niya matanggap na natalo siya at may mas magaling na sa kanya."

Napailing nalang ako. Magaling naman si Boboy sa basketball pero wala talaga siyang laban kay Ivan. Varsity yan at praktisado pa.

Kumaway ako kay Boboy at nginitian siya nang mapatingin siya sakin. Agad sumilay ang ngiti sa kanyang mukha at tumakbo palapit sakin. At sa kanyang likod ay nakita ko ang mga mata ni Ivan na nakatingin sa gawi ko.

O---kay? Sakin nga ba? O baka feeler lang talaga ako? Bakit ba ako kinakabahan? Anlabo!

"Iah Maylaabs!" Sigaw ni boboy nang makalapit siya sa'min.

"Congrats boboy."

Bumusangot siya at nagkamot ng ulo. "Sana di ka nalang nanood. Talo kami Maylabs. Nakakahiya."

"Ano ka ba. Okay lang 'yan. Praktis lang naman 'to." Nakangiti kung sagot.

"Kahit na Maylaabs. Kung alam ko lang na manonood ka edi sana ginalingan ko na." Napakamot siya sa kanyang batok.

"Oh? Shattap boboy!" Singit ni Reymark. "Sa seryuso at effort mo na 'yun? Di mo pa ginalingan?" Tumawa siya. "..Talk to my hand Boboy!" Dagdag niya.

"Tsk! Basag trip ka naman, Macky eh!" Ani Boboy na naiinis.

"What Ev---Oh May Ghad. H-hi Ivan. Congrats!" Eh? Nakalapit na pala sila ni Dino.

"Hi Iah." Bati sakin ni Dino. "Bat may dala kang walis?" Nagulat ako sa sinabi niya at napatingin sa hawak kong walis na na wala na sa isip ko. Shit!

"Pfft.. Yan kasi yung sinakyan niya papunta dito." Sinabi ni Macky at humalakhak.

Tinignan ko siya nang masama. "Nagwawalis ako kanina nang hilahin ako ni Macky dito." Sagot ko.

"Ang bait talaga nang maylaabs ko." Sambit ni Boboy.

"Kilabutan ka nga jan sa Maylaabs mo Boboy. Chucky!"

"Naiingit ka ba macky?"

"Hell no! Why would I? Kung ikaw nalang din."

"Aba ang arte kala mo naman maganda!"

"Aba! Maganda talaga ako!"

"Wee? Saa--"

"Okay guys! Tama na 'yan." Pigil ko sa dalawa bago pa magsabunutan.

Tinawagan si Macky nang kanyang mama kaya nauna na siyang umalis. Umalis na din si Dino at si Boboy na sinundo nang kanyang mama kaya naiwan kaming dalawa ni Ivan. Naglalakad kami nang sabay pauwi. Kinakabahan ako na iwan. Ang weird ng pakiramdam ko.

Nilingon ko siya. Tahimik lang siyang naglalakad habang deritsu ang tingin sa unahan. Mula sa deriksyon ko makikita kong gaano ka tangos ang kanyang ilong. Nakakainggit ang kanyang mahahabang pilik-mata. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng lingunin niya ako. Awkward akong ngumiti at agad nag-iwas nang tingin.

"What do you feel when someone told you that he likes you?" Napakurap ako ng ilang beses dahil sa kanyang tanung. Bukod sa english ito ay nakakamangha at nakakagulat kasi minsanan lang 'tong magsalita. At nakakagulat talaga.

Hindi agad ako nakasagot.

"I can see...madaming nagkakagusto sa'yo dito." Lumakas ang kabog nang dibdib ko. Bakit niya ba 'to tinatanung? Nakakahiya.

Napayuko ako. "Lahat kami dito sa barangay maligaya ay pamilya ang turingan." Nag-angat ako nang tingin. "...Pamilya ang turingan naming lahat nang nakatira dito." Sagot ko.

"But Boboy really do likes you. He likes you as a girl."

Napanguso ako. "Hindi ko naman 'yun sineseryuso. Kaibigan ko si Boboy at....'yun na 'yun." Napakagat ako sa labi ko. Paano niya ba nalaman yung tungkol kay Boboy?

"Hindi na ako magtataka kung bakit madaming nagkakagusto sa'yo. You're nice. Easy to go with and.... beautiful....that's why." Kumalabog ang dibdib ko. Nag-wawala ang kung anong nasa tyan ko. Napahinto ako sa paglalakad at tinignan ang kanyang likod. Deritsu lang siyang naglalakad na para bang wala siyang sinabi na nagpagulo sa aking sistema. Uminit ang mukha ko nang maalala ang sinabi niya.

You're nice. Easy to go with and.... beautiful....that's why.

Err.. Lamunin na sana ako nang lupa.

When I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon