Kabanata 16: Almost
Madaming nangyari sa loob nang labing-tatlong taon. Natanggap kami ni Macky sa inaplayan naming skolarship. Nakapasok kami sa isang International School, at kumuha nang kursong medisina. It wasn't easy. Talagang mahirap ang kursong aming pinili. May kaya sila Macky, pero mas pinili niyang maging skolar. Nagtrabaho kami sa opisina nang school tuwing umaga at sa gabi naman ang aming pasok. Nakakapagod pero dapat kayanin. Pagkatapos nang isa't kalahating taon, nabigyan kami nang skolarship na makagpag-aral abroad. Isang napakagandang oportunidad. At masaya ako kasi kasama ko pa rin si Macky.
Halos dalawang linggo ko iyong pinag-isipan nang mabuti. Malalayo ako sa pamilya ko kung sakali. Pero sa kabilang banda, makakatulong din ako sa kanila. Iskolar ako sa iskwelahang pinapasukan ko ngayon pero kinailangan ko pa ring bayaran ang miscellaneous na may kalakihan din. At kung tatanggapin ko naman ang offer nila, wala na kaming poproblemahin. Sagot na nila lahat, mula tuition fee, allowance at ang matitirhan. At bukod doon, napakaganda talagang oportunidad ito na hindi lahat ay nakakatanggap.
Naisip ko din si Ivan nang mga panahon na 'yun. Hahanapin niya ako. 'Yun yung sabi niya. Paano kung bumalik siya? Dito niya ako hahanapin, sa amin. Pero naisip ko ang pamilya ko. Pamilya muna. Sa huli tinanggap namin ang offer. Hindi 'yun naging madali sa mga magulang namin, at sa'min. Unang taon namin sa New York ay sobra-sobrang adjustment ang aming ginawa. Malungkot. Sobra. Being away to your family is death. Pero lumaban kami. Kinaya namin para sa aming pamilya. Kinaya ko para balang araw, may ipagmalaki na ako. Para kung sakali, hindi na magiging hadlang ang istado nang buhay namin. Oo. Sa mga panahon 'yon iniisip ko pa rin siya. At naging parti siya sa bawat naging desisyon ko.
Sampung taon ang inalay ko para makatapos sa kursong aking pinili. And finally, after those years, after all the hardship...I can finally called myself a Doctor. Yeah. I reach my dream. Pero kahit kunti wala pa rin akong balita tungkol sa kanya. Sinabi ko nalang sa sarili ko, 'Of course, Iah. Hindi niya alam na lumuwas ka nang ibang bansa. How on earth he could find you ?'.
Sa New York, madami kaming nakilala ni Macky. May naging kaibigan, at may nanligaw. 'Nung una wala akong pinansin. Im loyal to someone. Piling ko committed na ako sa iba. Pero pagkalipas nang limang taon, sinubukan ko. Five years is a long time. Nawawalan na ako nang pag-asa, kaya sinubukan kung buksan ang puso ko sa iba. But, everything didn't work out. Mahal ko talaga Siya. At Siya lang.
Sa sumunod na araw ay maaga akong bumisita sa mga pasyente ko para kumustahin at bisitahin sila. Nakasabit ang stethoscope sa aking leeg habang nasa bulsa nang suot kung white gown ang aking dalawang kamay.
"Good Morning, Lola." Masaya kung bati kay Lola Nenita. Nakahiga siya sa hospital bed habang nakangiti. Si Lola Nenita ay naputulan nang paa. Diabetic kasi siya, kaya kinailangan para hindi na lumala ang sugat na patuloy na dumadami sa kanyang paa.
"Magandang Umaga, Doc." Sagot ni Lola.
Lumapit ako kay Lola at maingat na hinaplos ang kanyang buhok. "Kamusta na po ang pakiramdam niyo?"
Huminga nang malalim si lola at binalingan ang kanyang paa. Nilingon niya ako na may ngiti. "Mabuti. Kasi ang ganda at ang bait nang doktor ko."
Nahiya ako sa naging sagot ni lola. "Ayee. Wag ka pong ganyan lola. Kinikilig ako." Natatawa kung sagot. "Basta po, patuloy po kayong magpagaling, okay po? Wag na wag niyo pong kalimutan ang mga gamot niyo." Ani ko habang sinusuri ang card board na may lamang detalye tungkol sa kalagayan ni Lola.
Nagpaalam ako kay Lola matapos. Binisita ko rin ang iba, at naabutan ang isa kung pasyenting bata na umiiyak. Ayaw uminom nang gamot.
"Sege na, Kristel. Tignan mo, andyan si Doc ganda, oh." Sinabi nang kanyang mama nang makita ako.
BINABASA MO ANG
When I See You Again
General FictionIs it possible to love someone you didn't see more than a decade and no communications at all?