Kabanata 3

2.5K 32 2
                                    

Kabanata 3: Bahala na

RAMDAM na ramdam ko na talaga ang nalalapit naming fiesta. Nagkalat na ang mga makukukay na bandaritas, at ang arkong gawa sa kawayan ay naipatayo narin sa bukana nang aming baranggay. Ramdam mo sa bawat tao dito ang excitement nila sa nalalapit na kapyestahan. Ang maganda dito sa'amin ay binibigyan namin nang oras at importansya ang mahalagang araw na ito. Tulong-tulong ang lahat para maging masaya at maging sucessful at effective ito.

Tuwing gabi ay may liga. At mamayang gabi, sina Boboy ang maglalaro.

"Sege na kasi bes. Yayain natin si Fafa Ivan na sumama." Pangungulit sakin ni Macky.

Macky ang palayaw ni Reymark. Pero mas gusto ko siyang tawaging Reymark, para tunog lalaki at para narin...asarin siya. Bwahahaha xD

"Bes! Kung gusto mo bakit hindi mo siya yayain?" Tanung ko, habang nakatutok sa Tv.

"Eh nahihiya ako."

Nilingon ko siya. "Merun ka pala niyan, bes?" Nakangisi kung tanung.

"Bes! Merun! Ano ba naman 'to! Dalagang Filipina here, bes. Duh?" Umirap siya.

Mula nang dumating kami dito sa bahay ay hindi na ako tinantanan nang baklang 'to. Bakit hindi niya mag-isang yayain 'yun? eh andyan lang ang bahay ni Aling Tina sa gilid. Haaaay naku!

"Hoy Iah!" Muntikan na akong mapatalon dahil sa gulat. Nilingon ko muna saglit si Reymark at kita ko ang pag-ismid niya. "Po ate?" Sagot ko nang lingunin ko ang aking nakakatandang kapated.

"Bilhan mo nga ako nang napkin, naubusan ako. Bilis!" Utas nito sabay akyat sa taas.

"Aba! Ang malditang walang ganda!" Nilingon ko si Reymark at hindi mapigilang matawa sa kanyang sinabi.

"Tara na nga. Samahan mo 'ko!"

"Tsk! Ako na bibili. Bibilhan ko siya nang band aid! Napaka talaga nang kapated mong 'yan Iah! Kala mo naman maganda. Saan kaya 'yan nagmana ano? Yung mukha? Ang sama men! Lalo na 'yung ugali. Duh! Double kill" Inis na sambit nitong katabi ko.

"Hayaan mo na. PMS eh!" Sagot kung natatawa. Palabas na kami nang bahay.

"Bes! Kahit hindi yan PMS, ganyan na talaga itsura niyan---esti ugali niyan."

"Tama na! Kapatid ko pa rin 'yun. Ano ka ba, Macky."

"Kapated? Itsura niyo palang ang layo na, bes!"

Si Ate Rose ay ang nag-iisa kung kapated. Matanda siya sakin nang dalawang taon. Madaming nagsasabi na malayong-malayo daw 'yung itura naming dal'wa pero hindi ko na 'yun binibigyan pansin. Masungit si Ate at suplada kaya siguro 'yun ang nasasabi nang iba.

"Oh shit na malagkit!" Napalingon ako kay Reymark. Napakunot ang noo ko nang makitang umaliwalas bigla ang kanyang mukha. Sinundan ko nang tingin kung saan siya nakatingin at nakitang nakatingin siya sa kalalabas lang na si Aling Tina na may hawak na walis. Magwawalis ata siya sa bakuran nila.

Alam ko na ang nasa isip nitong baklang 'to!

"Hi Aling Tina!" Masayang-masayang bati nitong kasama ko. Napailing nalang ako.

Lumingon si Aling Tina samin at tumayo nang maayos. "Oh..Reymark...Iah, kayo pala." Nakangiti nitong sambit samin.

Lumapit kami sa kanya. Ang kamay ko ay nasa magkabilang bulsa nang aking suot na jogging pants. At kay Reymark naman ay nasa likod. Halatang nagpapakyut.

"Nga pala reymark. Bakit tumakbo ka kahapon? Nakalimutan mo tuloy 'yung mangkok niyo." Ani Aling Tina.

Nilingon ko si Reymark at tinaasan nang kilay. Napakamot naman siya sa ulo niya. "May nakalimutan po kasi ako, kaya po ako nagmadaling umalis." Ani Reymark.

When I See You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon