Kabanata 8: Fiesta
Nang dumating ang araw nang aming fiesta ay mas naging busy kami. 'Yung iba, madaling araw pa lang ay gising na para maghanda. May iba naman na wala na talagang tulog dahil sa magdamagang paghahanda; pagkakatay, pag-e-slice nang mga sangkap at iba pa.
Maaga akong nagising para makatulong. Hindi kami pinayagan ni Mama at Papa na gumising nang madaling araw kasi kaya na daw nila. Dumating rin kasi 'yung mga kamag-anakan namin para tumulong at makifiesta na rin. Nang sumapit ang alas otso ay naghanda na kami para sa misa. Nakasuot ako nang simpleng puting dress na hanggang tuhod. Ni-braid ni Mama ang buhok ko. Naglagay lang ako nang kunting pulbo at boom! Ready na ako.
"Ang ganda nang anak ko." Puna ni Papa nang pumasok siya sa kwarto ko.
Lumaki ang ngiti ko at nilingon si Papa. "Ay suuus... Syempre, mana sa'yo, pa." Nagtawanan kami ni Papa.
"Nagbulahan pa kayo 'jan." Nakangiting sinabi ni Mama saka kumapit sa braso ni papa.
"Sege na, Iah, tawagin mo na ang ate mo. Baka mahuli pa tayo." Ani Mama at lumabas nang kwarto ko.Napangiti ako. "Opo, Ma!" Sinulyapan ko muna nang isang beses ang itsura ko sa salamin saka lumabas sa kwarto ko at tinawag si Ate.
Napatingin ako sa mga taong papasok nang simbahan. Bumaba ako nang tricyle kasunod ni Ate. Ang saya tignan nang simbahan. Madaming bandaritas na nakasabit at halos lahat nang tao ay may ngiti habang papasok, at halos buong magkakasama ay ang magkakapamilya.
Niligon ko si Mama na nagbabayad ng pamasahe at nakuha nang pansin ko ang isa pang tricyle na huminto sa likod nang tricyle na aming sinakyan. Bumaba dito ang isang may katandaan na babae na may bilugang katawan at maiksing buhok. Agad sumilay ang ngiti sa aking labi nang makilala ko siya.
"Aling Tina!" Tawag ko.
Tumingin si Aling Tina sakin at ngumiti. "Iah!" Binalingan niya ang driver at nagbayad.
Napunta ang tingin ko sa taong palabas nang tricyle. Tumayo siya sa tabi ni Aling Tina saka inayos ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng itim na pantalon. Puting long-sleeve na tinupi hanggang siko at isang puting sapatos. Nakatitig lang ako sa kanya nang hindi ko alam kung gaano katagal.
Dug dug dug
A--anong nangyari?
Muntik na akong mapatalon nang bigla siyang lumingon sakin. Nanlaki ang mata ko at mabilis na nag-iwas. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. Er.
"Aling Tina, Happy Fiesta!" Ani Mama sa ngayo'y nakalapit na na si Aling Tina.
"Happy Fiesta. Tayo na? Sabay na tayong pumasok." Nagkatawanan sina Mama, Papa at Aling Tina habang papasok nang simbahan kasunod si Ate na panay ang tipa sa kanyang cellphone.
Binalingan ko si Ivan na ngayo'y nakapamulsang nakatayo sa tabi ko. "Tara na?" Tanung ko.
"Geh."
Hindi pa masyadong puno ang simbahan nang makapasok kami. Pumwesto sila Mama sa may bandang gitna. Si Papa, Ate, Mama, Aling Tina at dahil nahuli kami ni Ivan, kami ang magkatabi sa dulo. Una niya akong pinaupo kaya siya ang umupo sa pinakadulo. Hindi na nagtagal ay nagsimula na rin ang misa. Halos di na mahulugan nang karayom dahil sa dami nang nagsimba.
Habang nagbibigay nang Homily ang pari ay tahimik na nakikinig ang lahat. Kahit itong katabi ko, di ko tuloy maiwasang lingunin siya. Bahagyang kumunot ang noo ko nang maabutan ko siyang nakahalukipkip habang nakapikit. Nakikinig kaya 'to o natutulog?
Lihim kung pinagmasdan ang kanyang mukha. Nakakainggit talaga 'yung ilong niya. Ang tangos. Nakakainis! Mas mataas pa 'yung pilik-mata niya kaysa sakin. Mas mapula pa 'yung labi niya kaysa sak--shit!
BINABASA MO ANG
When I See You Again
Fiction généraleIs it possible to love someone you didn't see more than a decade and no communications at all?