TRES

40 9 3
                                    

"Pre, muka pang bata pre. Baka first year palang yan eh." Wika ni Tim nang makita nila ang natipuhan ni Jordan na babae. Yun ang babaeng nakasabay niya sa bus kahapon. Nasa cafeteria sila at palihim na pinagmamasdang kumain mag isa ang girl.

"Oo nga pre, maawa ka naman. Makakasuhan ka ng child abuse niyan." Dagdag pa ni Brax.

"Okay lang basta makuha ko siya okay na ko dun." Sagot naman niya.

"Sige pre. Wala namang tumatanggi sayo eh. Paniguradong makukuha mo yan." Pagpapalakas ni Sky.

"Sige bet tayo. Bukas kayo na." Sabi ni Josh at naglapag ng limang daang piso sa mesa.

"Huh! Bata pa yan kaya hindi yan madaling mauuto ni Jordan, after 2 days pa yan." Naglapag naman si Tim ng 1k sa mesa.

"After 3 days." 1k din ang inilapag ni Brax sa mesa. "Inosente pa yan."

"Hindi yan mapapasagot ni Jordan." Napatingin naman sila kay Sky na nakacross arms pa habang nakasandal sa upuan niya. "O mapapasagot man niya pero hindi mo maangkin ang katawang lupa niyan." Naglagay siya ng 500 sa mesa. "I bet!"

"Okay, pupusta ko ngayon." 500 din ang inilapag ni Jordan. "Mapapasagot ko yan bago magtapos ang araw na ito."

Nagtinginan ang apat. Mukang confident talaga si Jordan.

Nakangiti si Jordan nang sya ay tumayo dala ang tray niya na may foods at lumapit sa babaeng malapit ng matapos kumain.

Walang anu anong umupo sya sa tapat nito. Nabigla ata si girl kaya muntik nang mabulunan at napainom agad ng tubig.

"Ah.. sorry. Hindi ko sinasadyang ano.. ahm.. gulatin ka." Bakit siya nangangatal? Iba na to.

"Its okay." Sagot naman nito. "Teka, ikaw yung nakasabay ko sa bus kahapon diba?" Tumango siya. "Nice. Dito ka rin pala pumapasok."

"Oo nga eh, naamaze din ako nung nakita kita dito. Ahmm.. by the way, may I know your name?" Tanong niya.

"Im Asha." Tugon nito.

Napapatango nalang siya. "Asha.." wika niya, "no wonder taga Philippines ka."

Nakangiti lang sakanya ang babae. "Ikaw? Whats your name?" Tanong nito.

"Huh? Hindi mo ko kilala? Siryoso ka?" Nagulat din siya. Halos lahat naman kasi ng estudyante dito ay kilala na talaga sya.

"Transferee kasi ako." Sagot niya.

"Aah.. kaya pala. Okay, now I know." Wika niya. "Im Jordan." Inabot niya sa babae ang kamay for a shakehands pero mabilis na tumayo si Asha at dinala ang tray sa counter saka na nagpaalam sakanya. "Sorry I have to go. Nice to meet you." At iniwan siya doon ng babae na nakalahad ang palad sa ere. Napatingin nalang siya sa palad niya na hindi makapaniwalang hindi iyon hinawakan ng isang babaeng nabigyan na ng chance.

Narinig niya ang mga tumatawang kaibigan na lumapit sakanya.

"Pano ba yan pre, ni hindi mo nga mahawakan ang kamay eh." Nang aasar na wika ni Brax habang ipinapakita sakanya ang 500 pesos na bet nya.

Tumayo na sya at inagaw kay Brax ang pera. "Hindi pa tapos ang araw na to!" Wika niya. "I assure you guys, mahahawakan ko din ang kamay niya bago lumubog ang araw. At for sure hindi lang kamay ang mahahawakan ko." At saka na ito umalis ng canteen. Iniwan sila na nakatanaw nalang sa pag alis niya.














"Hi." Wika niya kay Asha na naglalakad sa hallway patungo sa library. Sinabayan niya ito sa paglalakad.

"Oh hello. Jordan?" Parang sinisiguro pa nito kung tama ba ang pagkakaalala niya sa pangalan.

Sikat na sikat ako sa university tapos hindi niya parin sure kung tama ba name ko? Hayst. "Yes. Jordan." Malawak ang ngiti niya nang sumagot. "Are you going to the library?"

"Yes. Ikaw?"

"Well we're the same. I have to research something." Pero sa katunayan wala na syang ireresearch pa dahil tapos na niya lahat ng assignments and projects niya. Ganon sya kasipag sa school works.

Nakarating na sila sa library. Nagsimula nang maghanap ng libro si Asha. "Ano bang ireresearch mo?" Tanong niya.

"Ahmm.. psychology?" Bakit parang lagi nalang siyang hindi sigurado sa mga sagot niya at may question mark palagi.

"Ah. Sige Ill help you with it." Aniya. Nang matagpuan niya ang librong hinahanap ay kinuha nya agad ito. "Here it is Asha."

"Thanks." Kinuha naman ng babae mula sa kanya ang aklat at dumiretso na sa pinakasulok na parte para magbasa.

Kumuha din si Jordan ng libro na kunwari ay isisearch niya.

Habang tahimik ang dalawa sa pagbabasa at pagsusulat ay pasimple ang pagsilay ni Jordan sa kaharap na dyosa. Napakaganda niya talaga kung tutuusin. Simpleng babae lang sya at mukang inosente. Parang mahirap paglaruan ang damdamin ng ganitong klaseng babae.

Aba, nag aalinlangan ba sya sa plano? Mukang iba to.

Napatigil si Asha nang mahuli niya si Jordan na halos hindi na kumurap habang nakatitig sakanya. "Bakit?" Basag niya sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Huh?!" Nakataas ang dalawang kilay. Nabigla din siya sa biglang pagtatanong nito.

"Bakit ka nakatitig? May sasabihin ka ba?" Usisa nito. Mukang napansin na rin niya.

"Ah yun?" This is it. Sasabihin na niya ang magic word. "Ah ano eh.." pero bakit sya nauutal?

"Meron nga." Nakangiti si Asha na isinara ang hawak na libro at hinintay ang sasabihin nito.

Pero bakit ganito ang tumatakbo sa isip ni Jordan. Whats wrong with him? Hindi niya masabi sabi ang magic word na madalas naman niyang ginagamit sa mga chicks niya. Bakit parang may kakaiba sa babaeng to?

"Ahmm.. Asha.." dapat nagpapacute na sya ngayon dito eh.

"Im listening.." lalo na kapag tumititig sakanya si Asha. Parang nabaligtad ata ang mundo. Siya ang natutulala sa kagandahan ng kaharap niyang babae. "Jordan?"

"Ah!" Nabigla nanaman sya. "Ano.. Asha.. Can we go out tonight?" Yun! Nahugot din niya ang confidence. Nakangiti narin siya ng tuwid sa babae. Siguradong mahuhulog na ang panty nito sa ngiti niya.

"You mean, you're asking me for a date?"

"Exactly." Confident na siya. Keri na. "Are you available tonight?"

Bahagyang nag-isip si Asha. Bakit nag-iisip pa to? Kung ibang girls to, o-oo na agad kahit hindi ko pa tapos ang tanong. "Ah.. No." Sagot nito.

Na siyang kinalaglag ng panga ni Jordan. Nanlaki ang mga mata niya sa isinagot ni Asha.





At nakaharap na nga niya ang kanyang katapat.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now