Mahina ang boses ni Jordan pero pilit yung iniintindi ni Asha. Kailangan niyang marinig ang binata. Hindi niya alam kung nagtatago ba ito o palihim lang na tumawag sakanya. Wala siyang pakialam. Kailangan niyang malaman ang lokasyon nito.
"Asha.." Tawag nito.
"Jordan, tell me where you are. Pupuntahan ka namin.." Natataranta man siya pero pinipilit niyang ikalma ang sarili. Kahit ang mga kasama niya sa bahay ay hindi na mapakali.
"Asha.." Isa pang tawag nito sakanya. Rinig na rinig niya ang timbre ng boses ni Jordan. Hindi maganda. Yun lang ang sigurado siya.
Mahina ang boses ng binata. Parang nahihirapan ito na hindi niya maunawaan. Parang naghahabol ito ng hininga.
"Asha.."
"Ba..bakit ganyan ang boses mo? Anong.. Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" Sunod sunod na tanong niya dito. Nararamdaman niyang nanginginig na rin ang mga kamay niyang may hawak sa cellphone niya. Ang isang kamay niya ay hindi na rin mapakali. Dama niyang nagpapawis rin na ito dulot ng kaba niya.
"Kapag.. sina...sabi ko sa...yo na ma..mahal ki..ta," umubo pa ito pero pinilit ding ituloy ang sasabihin, "hi..hindi ka sum..suma..sagot sa..aki.n.."
"Ano bang pinagsasabi mo? Sabihin mo nalang kung nasaan ka para mapuntahan ka na namin dyan!!" Hindi na niya napigilang magtaas ng boses sa inip. Kailangang unahin muna ni Jordan na sabihin kung nasan sya. Huli na dapat ang pagdadrama.
"Ngayon..." Tugon nito, na parang hindi napansin ang pagtaas niya ng boses, "ngayon Asha.." Malalim na paghinga bago muling nakapagsalita, "sabihin mo.. sa..akin ang s..ag..ot mo."
"Hindi ko sasabihin sayo hangga't hindi mo sinasabi sakin kung nasan ka?!!" Sigaw niya. "Nasan ka Jordan??? Nasan ka!!"
"Hindi ko alam.." Halos pabulong nalang ang pagkakasagot ni Jordan.
"Tumingin ka sa paligid mo. Sabihin mo kung anong nakikita mo? Pupuntahan namin anuman ang sasabihin mo.." Utos niya dito.
Naririnig niya ang bawat pag-ungol nito. Ramdam niyang nahihirapan si Jordan at sa bawat pag-ungol nito ay parang sya din ang nahihirapan. "San..dali.."
"Kaya mo yan Jordan. Kaya mo yan.." Pagpapalakas naman niya dito.
Mula sa kabilang linya, narinig pa niya ang pagbagsak ng katawan ni Jordan sa semento. At ang bawat aargh! nito. Pero pinipilit niya.. Kahit nahihirapan din siya sa naririnig, pinipilit niyang maging mas malakas para narin kay binata.
"Megaline station.." Bulong ni Jordan. "Megaline..st..ati..on.."
"Megaline station." Wika naman niya sa mga kasama. "Nandoon siya ngayon."
"Yung lumang istasyon ng tren." Bulalas ni Brax nang maalala kung saan ang lugar na iyon.
Nagmadali na ang bawat isa. Sumakay na si Asha sa kotse na minamaneho ni Brax. Nasa likod nila si Josh. Si Sky naman ay ginamit ang motor ni Brax at iniangkas doon si Jessica.
Nagpaiwan naman si Tim para ireport sa mga pulis ang lokasyon at makapagpadala na rin ng back up kung saka sakaling hawak pa si Jordan ng mga Xinix.
Mabilis ang patakbo ni Brax ng sasakyan. Nasa passenger seat si Asha at nananatiling kausap si Jordan sa telepono. Kinakabahan parin siya at damang dama niya ang panginginig ng mga kamay niya. Hinahawakan nalang niya ang suot na damit at kinukumos iyon ng kanyang kamao. Kailangan niyanh pigilan ang nararamdaman niyang takot. Hindi siya dapat matakot ngayon.
"Jordan, wag kang bibitaw.. Just stay on the line okay? Wag mong ibababa ang phone mo." Utos ni Asha sakanya. Hindi na kasi halos nagsasalita ang binata at tanging mabibigat na hininga nalang nito ang naririnig niya.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?