TRESE

14 6 1
                                    

"Hayst. Nakakabobo ang huling lesson. Kainis!" Ani Josh nang matapos ang klase nila.

"OT pa si sir ng 5 minutes." Reklamo din ni Tim.

"Grabe ka, 5 minutes lang eh. Patawarin mo na." Saad ni Brax.

Nag aayos na sila ng mga gamit 6:05 na sila dinismiss ng huli nilang professor at kanya kanya na ng uwi ang mga kaklase nila.

"Gusto kong magbabad sa alak!" Wika ni Brax.

"Brod." Napalingon naman sila kay Sky na may kinakalikot sa cellphone niya. "Nakarecieve ba kayo ng text mula sa unknown number?"

"Yung tungkol kay Asha?" Tugon ni Josh. "Mukang marami nang gumagamit sa pangalan ngayon ni Asha para makuha ang mga matatamis nating oo. Bumaliktad na ang mundo brod."

"This is serious." Nagchicheck narin si Brax ng phone niya.

"Jordan even texted us." Pati si Tim nagcheck na rin.

"Huh? Dont tell me, nagoyo na rin siya." Kinuha na rin naman ni Josh ang phone niya at tiningnan ang mga mesages. Totoo ngang nakarecieve siya ng mesage mula sa unknown number telling an address of the Mineyard theatre. Maging ang text ni Jordan ay confusing din saying that Asha is in need of help so as him.

"Is this fvcking serious?" Tanong ni Josh sa mga kaibigang confused din.

Itinago na ni Sky ang phone sa bulsa at sinukbit na ang bag sa balikat niya. "Prepare yourself bros. Matagal tagal na din nang huli tayong nakipagriot." Nakangiting wika nito.

Umiiling iling naman si Josh na sumunod sa tatlo. "Ayoko na ngang madungisan ang malinis kong kamao eh." Bulong niya.





















Duguan na si Jordan. Hawak hawak sya ng dalawang brusko at nakakalat sa paligid ang iba pa nilang kasamahan. Nandoon ang leader nila, nakatayo sa tapat niya at nakaakbay kay Asha na hawak hawak din ng dalawa pang brusko.

"Pumayag ka nalang kasi sa gusto ni Alex para wala nang madamay pang inosente." Nakangisi nitong sabi sakanya. Hinawakan nito ang baba ni Asha at pinatingin sakanya ang dalaga. Pinagmasdan pa nito ang kutis niyang napakakinis. "Pero mukang masarap din to." Saka na nito binitawan si Asha.

"Fvck you!" Sigaw niya sa lalaki. Sumama pa ang iilang dugo nang magsalita siya. Nakuha niya yun sa pambubugbog ng mga brusko.

Ayon sa nakita niya, wala namang kahit na anong galos si Asha. Mukang hindi pa naman nila nagagalaw ang babae niya. Syempre, hindi rin siya papayag.

Maya maya pa, out of nowhere, lumabas naman ang bida ng kasamaan, si Alexa. Nakangiti ito sakanya ng nakakapang insulto. Tumayo ito sa tapat ni Asha.

"Hi Jordan." Bati nito sakanya.

"Fvck you Alexa!" Halos pabulong nalang din yung pagsigaw niya.

"Akala mo ba kaya mo ang frat ni kuya ng ikaw lang? No one defeats the Xinix, Jordan. Alam mo yun." Wika ni Alexa. "Now tell me youll come back to me para hindi na madamay pa ang noon ay dinamay mo nang si Asha. Napakainosente para sa ganitong klase ng kaganapan. Muka pa naman siyang birhen?"

"Fvck you Alexa! Fvck you!" Gigil na gigil na si Jordan sa mga pinagsasabi nito. Kapag nakawala lang sya sa mga bruskong nakahawak sa braso niya, sisiguraduhin niyang malalagutan ng hininga ang babaeng ito sa mga kamay niya.

"Yan lang ang sasabihin mo?" Wika ni Alexa. "Say you love me."

Hindi siya nagsalita.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now