KINSE

17 6 3
                                    

"Bitawan nyo ko!! Bitawan niyo ko!!!" Nagsisisgaw ang isang lalaki na hawak hawak ng dalawang pulis. Ipinasok siya sa loob ng piitan at doon na walang tigil na nag ingay. "Pakawalan nyo ko dito mga hayop kayo!!! Wala kayong matibay na ebidensya sa ibinibintang ninyo sakin!!! Kaya kong patunayan ang sarili ko sa korte!!!!"

"Edi patunayan mo." Natigil ang lalaki nang may sumagot sakanya. Nakatayo sa harapan niya si Jordan. Nakapamulsa at walang ngiting nakatingin sakanya sa likod ng mga rehas.

Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa bakal na namamagitan sa kanilang dalawa. "Walang hiya ka Jordan.. pano mo naatim na pagtaksilan ang sarili mong kaibigan? Sa lahat ng tao sa mundo ikaw pa ang gagawa nito? Ikaw pa??" Nanlalaki ang mga mata nito sa galit. Halos umusok na rin ang ilong nito.

"Bakit, sino pa bang aasahan mong gagawa nito maliban sakin, Lexus?" Humakbang palapit sakanya si Jordan. "Ikaw ang nagsimula nito. Wala naman talaga kong balak na mangialam sa Xinix pero dahil to sa kapangahasan mo." Wika niya.

"Anong pinagsasabi mo? Sumusunod ako sa kasunduan natin! Hindi ko pinapakialam ang kahit na sinong konektado sayo!"

"Hindi?!" Nanlalaki na rin ang mga mata ni Jordan sa inis. Sa twing naaalala niya na Xinix ang may kagagawan nito kay Asha, hindi niya mapigilan ang sarili sa galit. Gusto niyang pumatay ng tao. Lumapit siya ng tuluyan kay Lexus at mula sa likod ng mga rehas ay inabot niya ang lalaki at hinawakan ng mahigpit ang leeg nito. Mapapatay niya ang kaibigan anumang oras. "Ikaw ang nagbaba ng utos kay Alexa para pakialaman ang girlfriend ko! Ikaw ang nag utos kay Alexa para kidnapin si Asha at pagsamantalahan! Anong sinasabi mong sumusunod ka sa kasunduan?!" Nangngingitngit na rin ang mga ngipin ni Jordan. Mas humihigpit pa ang pagkakasakal niya sa leeg nito. Nakatingin at nanunuod lang naman sa kanila ang mga presong nandoon.

"Hi..hindi.. k..o in..nutoss.. ka..y A..lex..xa an..g sin..asa..bi m..o.." Hindi na rin makapagsalita si Lexus sa ginagawa niya.

"Kung ganon, ginagamit ng kapatid mo ang babae ko laban sakin. Gagamitin ko ang kuya niya laban sakanya. Hindi ba patas yun?" Para na siyang sinasaniban ng demonyo at walang balak na bitawan ang leeg ni Lexus. Hindi na rin makahinga si Lexus sa ginagawa niya at mahina nalang na hinahampas ang malalaking braso niya na nakapasok sa mga rehas.

Saka naman dumating ang mga pulis na nandon para pigilan siya sa ginagawa. Next thing he knew, he saw Lexus on the floor, looking at him intensely while choking.





















"WHAT THE HELL!!" Napatingin kay Alexa ang mga estudyanteng nasa paligid dahil sa pagsigaw niya. Nasa field sila at gumagawa ng isang activity pero hindi ata sya nakikicooperate dahil panay cellphone lang sya.

"Ano bang sinisigaw sigaw mo dyan Alexa?" Tanong naman ng bestfriend niya.

"Look!" Ibinigay nito ang cellphone sa kaibigan at pinabasa ang kaninang binabasa niya. "Thats the latest news. Nahuli na ng mga pulis ang leader ng Xinix!"

"Ang kuya mo?"

Tumango siya. "Bwisit!"

"Panong nangyari yun?"

"Wala namang ibang makakagawa nito sakin eh." Matalim ang tingin niya sa Engineering building na tanaw sa field at walang pasabing tumayo at naglakad patungo sa building.

"Ms. Alexa san ka pupunta?? Ms Alexa?!?!?" Sigaw ng prof nila.

Tuloy tuloy ang lakad ni Alexa patungo sa Engineering building. Wala syang pagdududang si Jordan ang may kagagawan nito. Si Jordan lang naman ang nakakaalam ng pinagtataguan ni Lexus at sya lang ang may kakayahang malaman ang mga pinaglilipatan nitong lugar. Siya lang ang nakakaalam non na pwedeng magturo sa mga pulis.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now