Magsisimula na ang service sa church. Ilang minuto nalang. Marami parin ang mga patuloy na pumapasok sa loob ng simbahan. Walang ganap ngayon si Asha. Makikinig lang siya ng sermon ng pastor nila.
Tinitingnan niya rin ang mga patuloy na pumapasok sa simbahan. Kahit wala siyang gagawin ngayon sa worship ministry, sya naman ang naasign sa attendance. Kaya kailangan niyang makuha ang mga pangalan ng dumalo kahit pa hindi niya kilala ang mga yun.
Nagsimula na siyang mag ikot ikot para magsulat ng mga attendee. Para wala na siyang iisipin pa kapag nagsimula na ang programa.
And yes, the service had started. Nagworship, nagpray, nakinig ng word of God. At sa kalagitnaan ng sermon ni pastor, nakatingin sa labas si Asha pero nakay pastor ang pandinig niya. Maganda ang tinuturo ng pastor nila ngayon, about CHANGES.
May mga pailan ilan parin kasing dumadating at pumapasok sa simbahan eh. Kaya nag aabang parin siya para makuha ang attendance nila.
At sa hindi inaasahang pagkakataon, halos hindi makakilos si Asha sa kinauupuan nang makita niyang pumasok sa templo ang pamilyar na tao.
Si Jordan.
Muka itong inosenteng tumuloy sa loob ng simbahan matapos siyang iassist ng isa sa mga ushers. Umupo ito sa last row ng upuan. Pagkatapos ay hindi na niya alam ang nangyari sa paligid niya.
Para na syang nabingi sa sermon ng pastor. Para na syang bulag sa iba pang attendee na humahabol at pumapasok sa simbahan. Tanging kay Jordan lang sya nakatingin.
Nakatingin ito sa nagsasalita sa harapan at walang bahid ng ngiti ang mga labi nito. Pero sa kabila ng kasiryosohan nito ngayon, lantad parin ang kagwapuhan ng binata. At yun ang nangingibabaw sa paningin niya.
"Asha!" Nagising siya sa kalabit ng katabi niya. Si Tiffany. "Bakit hindi ka pa nag aattendance? Ang dami nang pumapasok. Baka malimutan mo yan."
"Ah. Sorry." Aniya.
Tumayo na siya at dahan dahang lumakad. Palapit kay Jordan.
Iniabot niya sa binata ang hawak na papel at ballpen. Tinanggap naman yun ni Jordan at tahimik na isinulat ang pangalan niya.
"Miss?" Tawag niya kay Asha nang iabot niya dito ang papel. Nabigla pa siya ng lumingon si Asha at kunin ang papel.
Waring natulala din si Jordan sa nakita. Ngumiti naman sakanya ang dalaga saka na umalis.
At patuloy na sermon ng pastor ang narinig sa loob ng gusali.
Matapos ang service, nag uwian na ang mga taong nanduon. Nag aawitan naman ang music team habang nag uusap ang iilang mga kasapi. Ang pastor, mga assistant mga leader at iba pa.
Nananatiling nakaupo sa pwesto niya si Jordan. At sa pagitan ng mga taong paroot parito, hinahanap ng mga mata niya ang iisang babae.
Si Asha.
Pero hindi niya makita ang pakay. "Siguro umuwi na siya." Bulong niya at saka na naisipang tumayo.
"Thank you sa pagpunta sir. Mabuti po at nakabalik kayo." Wika sakanya ng isang babae nang makalabas na siya ng building. Sa pagkakaalala niya, ito ang huling nag assist sakanya nang pumunta sya dito, si Rhian.
Ngumiti lang sya dito at saka na umalis.
Mula naman sa likod ng simbahan ay tahimik na tinanaw nalang ni Asha ang lalaking tahimik na umalis ng simbahan.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?