"Wala po yung nakatira dito?" Tanong niya sa matandang babaeng nagsabi sakanyang walang tao sa bahay na kaharap niya. Mukang kapitbahay ni Asha ang babaeng yun.
"Oo, iho. Hindi mo mahuhuli yung babaeng yun dyan sa bahay niya. Umaalis yun kahit weekend." Paliwanag naman nito.
"Ah.. san po sya nagpupunta?"
"Hindi ko alam eh."
Kahit naiinis na si Jordan ay hindi parin siya susuko. Hindi pwedeng hindi niya makuha ang gusto niya dahil ang motto niya, if there's a will, there's a way. Kahit pa sapilitan ang paraan.
This is the very first time na siya ang naghahabol sa babae para idate sya. At ang buong tropa niya palang ang nakakaalam. Well, alam naman niyang safe ang bagay na yun sa tropa. Kapag kasi nalaman ng lahat na may babaeng tumanggi sakanya, malamang sa malamang ay sira ang image niya. At hindi niya papayagang mangyari yun.
Sikat si Jordan. Madali sakanya ang lahat ng bagay dahil sa kasikatang tinataglay niya. Wala syang ginusto na hindi niya nakukuha. Lahat, naibibigay ng Maykapal sakanya. At ipinagmamayabang niya yun.
Kaya ngayon,isang freshman lang ang tatanggi sakanya? Hindi siya papayag. Kung kinakailangang pwersahin niya ito ay gagawin niya.
Nagpunta sya sa 7/11 na nasa malapit lang ng bahay ni Asha. Don siya nagstay ng ilang oras hanggang sa inabot sya ng gabi. Alasyete na ng matanaw niya ang isang babaeng maliit na nakatayo sa tapat ng gate ng bahay ni Asha.
Mabilis siyang tumayo't tumakbo palabas, patungo sa babae. Alam niyang si Asha yun.
"Asha!" Tawag niya dito.
Pero laking gulat niya nang lumingon ang babae dahil hindi ito si Asha! Anak ng--!
"Asha's not living here." Sabi nito. Matanda na ang babae kahit maliit ito. Kulubot na ang mga balat nito pero tadtad parin ng makukulay na make up ang muka. "She's living on the 5th road. Blk 166."
"But this is the blk 166." Yun kasi ang nakalagay sa gate ng bahay nito.
"Ah.. Im sorry. This is actually 199. Sira lang to. Umikot yung dalawang nine." Matawa tawang sabi ng babae na aktong inaayos pa ang sirang number.
Hindi rin niya napansing hindi aligned yung dalawang six sa one. Kung tutuusin sa unang tingin, mapapansin mo agad na sira nga yun. No choice nanaman. Ang tagal na niyang naghintay tapos mali pala ang napuntahan niyang bahay.
Kahit pagod na siya, tinakbo niya parin ang 5th road patungo sa blk 166. Gusto niyang mainis sa babaeng yun pero hindi niya rin maunawaan kung bakit hindi niya magawa. May something kay Asha. At yun ang nagpapaintriga sa kanya kaya ayaw niyang tigilan ang babae. Maliban narin sa motto niya.
Parang may magnet ang babaeng yun. Hindi niya magawang maalis sa isip niya. Iniisip niya kung anong buhay ba ang meron ito? Kung ano ang pinagkakaabalahan nito? At bakit parang walang talab ang karisma niya dito.
Di bale na, sya ang main character kaya dapat mapalapit talaga sya sa leading lady niya diba?
Nang malapit na siya sa blk 166, ay sakto naman ang paghinto ng isang tricycle sa tapat non. Lumabas mula doon si Asha. "Sakto!" Tatakbo na sana sya sa dereksyon ng babae nang napatigil siya dahil may sumunod pang lumabas sa tricycle.
Isang matandang babae.
Inalalayan ni Asha ang matanda at saka na nagbayad sa tricycle. Hindi siya nakagalaw sa kinatatayuan niya. Hindi niya rin alam mung bakit. Bastang tiningnan niya lang si Asha at kung paano nito alalayan ang matandang babae sa pagpasok sa loob.
Nang tuluyan nang makapasok si Asha at ang matanda, saka lang nagbalik ang kaisipan niya. Para syang nahipnotize.
Naglakad na sya papalapit sa bahay ng babae. Sarado na ang gate. Bukas ang ilaw sa loob. Pero hindi niya maintindihan ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya magawang pindutin ang doorbell. Nakatingin lang sya sa bahay.
Mga ilang minuto din siyang nakatayo doon.
Nang makita niyang bumukas ang bintana sa ikalawang palapag ng bahay at dumungaw doon ang matanda. Nakita siya nito at maya maya pa ay dumungaw din si Asha.
May sinabi si Asha sa matanda saka umalis. Lumabas na siya sa pintuan ng bahay at dumiretso sa gate saka pinagbuksan ang binatang kanina pa nakatayo don.
"Jordan?" Tawag niya sa nakatulalang lalaki. Nabigla si Jordan sa bigla niyang pagtawag. Nahalata yun ni Asha. "Bakit hindi ka nagdoorbell?"
"Ah.." wika niya. Anong sasabihin niya? Anong idadahilan niya? Hindi siya makapag-isip. "Ah.. kasi.."
"Kanina ka pa ba dito? Gusto mo bang pumasok?" Tanong nito. Bakit iba ang pananalita ni Asha? Ibang iba sa mga nilalandi niyang babae. Kapag pinakinggan ang babaeng magsalita, inosenteng inosente ang tono nito at halatang walang interes sa pakikipaglandian.
"Ah.. Hindi na.. du.dumaan lang ako.. uuwi na rin ako." Wika niya.
"Pero gabi na. Kumain ka na ba? Tamang tama, nagluluto ako. Sumabay ka na samin." Alok nito.
"Ah.. hindi na." Tugon niya.
"Pero, anong ginagawa mo dito? May sasabihin ka ba?" Usisa ni Asha. Totoo naman kasi. Kahit siguro siya nagtataka kung bakit sya pupunta sa lugar na ito nang walang dahilan. Honestly, malayu layo ito sa school nila.
Hindi niya masabi ang pakay. Para syang nauutal.. "Ah. Wa..wala naman. Sige, see you tomorrow at school." Yun na ang huli niyang sinabi sa babae at walang anu anong iniwan na ito. Walang lingon siyang naglakad palayo sa bahay, palabas sa subdivision na iyon.
Nakatanaw lang naman sa kanya si Asha hanggang sa mawala na siya sa paningin nito.
Habang naglalakad, halos murahin niya ang sarili sa ginawa.
"Tanga mo Jordan! Bakit ka tumanggi?! Chance mo na yun eh! Chance mo na yung tanga ka! Hayst talaga naman oh!!" Inis na inis na sigaw niya sa sarili.
Saka lang niya naisipang buksan ang cellphone niya. Siguro naman hindi na tatawag pa sakanya ulit si Alexa. Hinanap niya sa contacts ang number ni Tim at tinawagan yun. 10:50 pm na rin ng makita niya ang oras.
Matapos ang ilang ring, sinagot din nito ang tawag niya. At hindi niya ipapahalatang disappointed ang boses niya.
"Oh, Dan!" Anito ng sagutin ang telepono.
"Ihanda mo na ang 1k mo Tim." Wika niya.
"Anong? Bakit? Wag mong sabihing?" Mukang alam na nito ang ibig sabihin ng sinabi niya. Dapat lang alam na nito. Hindi naman shunga si Tim eh.
"Oo, ihanda mo na rin ang pulutan at maraming bote ng alak. Mag-iinom tayo." Yun lang ang sinagot niya sa mga tanong nito at ibinaba na ang cellphone. Saka na sya sumakay ng bus patungo sa bahay ni Tim.
Sigurado nandun na ang apat pagdating niya sa bahay.
Unti nalang talaga, mapipikon na siya.
"Para sa pang-aakit ni Jordan kay Asha, 3rd failure!" Sigaw ni Brax na nakataas ang bote ng alak niya.
Itinaas din ng apat ang sa kanila at sabay sabay na sumigaw,
"CHEEEERSSS!!"
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?