ONSE

27 6 3
                                    

"Pre, siryoso ako. Gusto ko talaga si Asha pre." Wika ni Jordan. Kasama niya si Sky sa starbucks. Nagkakape malamang. "Pero ayaw niya sakin."

"Libog lang yan Dan. Alam mo kasing birhen pa si bebe." Sagot nito sakanya.

"Bakit ba bebe ang tawag nyo sakanya? Kadiri kayo ha! Ako lang ang pwedeng tumawag sakanya non. Baby KO sya okay?" Iritadong sabi niya kay Sky.

"Okay. Okay. Chill brod." Tugon naman ni Sky. "Okay, sayo na nga. Hindi naman namin inaagaw sayo pero bilib lang talaga kami kay Asha pre. Bakit kaya hindi nahuhulog ang panty niya sa mga ngiti mo? Hindi kaya, hindi siya nagpapanty?"

"Sira ulo!" Tugon niya. Kung ano anong pinag iisip ni Sky. Abnormal talaga tong kaibigan niya na to. "Basta, siryoso ako sakanya. Kapag nakuha ko siya, magbabago na talaga ko brod."

"Nagbago ka na nga eh." Napatingin siya kay Sky. At tinapunan niya ng nagtatanong na mga tingin ito. "Hindi ka na nga sumasama sa inuman namin eh. Ayaw mo na ring magbasketball. Pati yosi inaayawan mo narin. Lagi ka nalang nakasilay don sa college of education. Pre, ang dami nang nagbago sayo."

Hindi siya nakasagot. Talaga bang nagbago siya?

"Hindi mo narin pinapansin yung dating sabi mong next target mo after Alexa. Yung babaeng mukang bakla pero malaki boobs saka pwet. Yun na nga yung nagpapacute sayo pero dedma brod. Anyare?" Dagdag pa nito, "talaga bang inlove kana kay Asha?"

"Magsisiryoso ba ko ng ganto at mafufrustrate kung hindi?!"

"Pero brod, alam mo ba talaga ang pakiramdam ng inlove?" Tanong nito sakanya. Siryoso na ngayon ang muka niya. "O baka naman, nafufrustrate ka lang kasi sya palang ang kauna-unahang tumanggi sayo?"

"Hindi. Mas nachallenge nga ko eh. Mas tumindi nga yung gusto ko sakanya dahil sa rejection na yun." Paliwanag niya.

"Okay. I-rate natin yan. Ill ask you questions. Let me see kung talaga bang inlove ka nga." Wika nito. Tumango si Jordan at nagsimula na siyang magtanong. "Iniisip mo siya gabi gabi?"

"Oo."

"Boobs ba niya iniisip mo? Saka yung pwet niya? Iniimagine mo ba na naggaganon kayo?"

"Hindi."

"Paggising mo sa umaga, naiisip mo ba sya agad?"

"Oo."

"Gustong gusto mo marinig ang boses niya?"

"Oo."

"Proud ka sakanya?"

"Oo."

"Masaya ka kapag masaya sya?"

"Oo naman."

"Okay brod. Inlove ka nga." Confirmed ni Sky. Napatigil sya. Talaga bang inlove sya? First time to. "I cant believe it. Dapat malaman to ng buong tropa."

"Wait lang brod," pigil niya dito. Alam niya kasing tatawagan nito ang barkada. "Anong gagawin ko? Mababaliw na ata ako."

Natawa naman si Sky. "Ahahaha!" Si Sky kasi sa kanilang lahat ang may girlfriend na 3 yrs na. Kaya naman niya binibili ang mga condom ay para syempre hindi niya mabuntis si gf at sa tinagal tagal na rin nila, keri naman na niya kahit hindi na siya magcondom. Sadyang ginagawa niya lang raket ang pagbebenta ng condom sa mga kakilala niyang hindi pa handang maging ama. "Just be yourself. Yun lang advise ko."

"Be myself?" Wika niya. "Eh playboy nga ko at ayaw niya sa playboy panong sinasabi mong be myself?"

"Edi prove her wrong." Wika nito. Tumingin sakanya si Sky at pinakitaan ito ng simpatiya. "Pre, magbago ka na kasi. Presidente na si Duterte oh. Change is coming na sa bansa. Sayo nalang hindi. Hayst!"

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now