After 6 years. . . .
"Girl, bat ba ayaw mong sagutin si Chris? Okay naman siya. Masipag sa trabaho. Maalaga. Walang bisyo." Wika ni Mica sa kanya habang kumakain sila sa isang restaurant.
Magkaiba man sila ng school na pinagtuturuan ng bestfriend ay madalas parin silang magkita nito. Public teacher na sila parehas ni Mica at sobrang proud siya dahil sa kabila ng mga naganap, nakagraduate parin silang parehas ng bestfriend niya.
Madalas niya kasing nababanggit kay Mica si Chris na manliligaw niya. Minsan na rin nitong nakilala ang binata at pasado agad sa panlasa ng kaibigan. Pero hindi niya alam kung pasado ba sa panlasa niya.
"Bakit? Hindi ka pa ba move on kay Jordan? Matagal na siyang patay Ash.." paalala pa nito sakanya.
"Pero para sakin hindi pa siya deads." Sagot niya. At lumapit ng bahagya sa kaibigan para bumulong, "deads na deads lang sakin." Sabay tawa.
"Loka loka!" Natawa na lang din si Mica sa biro ng kaibigan.
"Sama ka?" Tanong niya sa kaibigan habang pinagpapatuloy ang pagkain.
"Hmm? San?" Ngumunguya pa ito ng magtanong.
"Dadalaw ako kay Jordan bukas. 6th death anniversary niya bukas." Nahalata man ni Mica na bahagyang nalungkot si Asha ay pinilit parin niyang ngumiti sa harap nito.
"Oo ba! Namimiss ko na rin ang playboy eh." Nakangising sagot niya.
Mula sa siryosong muka ay unti unting kumurba ang ngiti sa mga labi ni Asha at maya maya pa ay hindi na napigilan ang pagtawa.
"Oh? Bat, anong nakakatawa?" Wika ni Mica.
"Yung tinga mo!" Matawa tawang sagot ni Asha sa kanya.
"Ayts! Sumabit?" Aniya at saka na kinalikot ang ngipin niya na may braces. Ginawa pang salamin ang cellphone ng kaibigan.
~ HWAP ~
Maagang nag ayos si Asha ng sarili niya. Dumaan muna siya sa flower shop na palagi niyang pinagbibilhan ng bulaklak kapag dumadalaw siya kay Jordan at pumili na ng pinakamainam na bulaklak."Para po sa kanya mam?" Tanong ng may ari ng shop. Kilala na siya nito kaya halos alam na nito ang tanging rason ng pagpunta niya sa shop.
"Oo. Death anniversary niya ngayon." Sagot naman niya.
"White rose po ulit?" Yun din kasi ang palagi niyang binibili dito. Simbulo ng malinis na pagmamahal niya para kay Jordan.
Tumango siya sa babae. "Bigyan mo ko ng isang boquet." Tugon niya.
"Okay po."
Nang mabili na niya ang bulaklak ay hinintay nalang niya si Mica. Buti naman at hindi last 2 minutes ang bestfriend niya. On time parin ito kahit pa siya na ang nalate sa usapan.
Nang magkita sila ay sabay na silang dumiretso sa puntod ni Jordan. Bumili na rin si Mica ng bulaklak para sa yumao. Minsan lang kasi siya nakakadalaw dito kaya marapat lang na magbigay na rin siya ng bulaklak.
Marahang inilapag ni Asha ang white roses sa puntod ni Jordan. Gayun din si Mica. Matapos ay nagdasal silang pareha.
"Kaya ba ayaw mo kay Chris dahil kay Jordan?" Tanong ni Mica sa kanya.
"Hmm.. Oo?" Sagot niya habang nakatingin sa puntod ng binata.
"Tss! Ash, pwede ka rin namang magmove on! Ayaw din naman ata ni Jordan na tumanda kang dalaga?"
Bahagya syang natawa sa sinabi ng bestfriend. Nilingon niya ito na kasalukuyang nakatitig sakanya at salubong ang dalawang kilay. "Sino namang nagsabi sayong tatanda akong dalaga?" Wika niya dito.
Lalong kumunot ang noo ni Mica. "Bakit? May jowa ka na ba?"
"Wala pa." Nagbuntong hininga siya saka muling binalik ang tingin sa puntod. "Pero mukang namiss ko ang challenge.."
"Anong challenge?" Takang taka na talaga si Mica at mukang nag eenjoy naman si Asha sa nagiging reaksyon nito. "Wag mong sabihing?"
Ngumiti siya sa dalaga.
"Ash.. wag nang playboy ha??" Wika nito nang tuluyang maunawaan ang nais iparating ni Asha sa mga ngiti niya.
"Oh? Nandito rin kayo." Pareha silang napalingon sa nagsalita mula sa likod nila.
Si Sky, kasama si Jessica at may kasama pang bata.
"Wow. Anak nyo yan Sky?" Manghang tanong ni Mica.
"Oo." Masayang tugon ni Sky sakanya.
"Nagkakaanak din pala ang mga playboy." Bulong ni Mica.
"Narinig kita Mica." Nakangiting sabi ni Sky saka na inilapag ang bulaklak sa puntod ni Jordan. "Wala ng playboy samin ngayon."
"Tabi! Tabi!" Sigaw naman ng isa pang binata na kakadating lang. May kasama itong isa pang binata na nagbubuhat ng isang maliit na mesa lang naman. Saka nila inilapag sa tabi ng puntod ni Jordan.
Si Josh at Tim.
Maya maya pa ay may dalawa pang babae ang sumunod sa kanila na naglagay naman ng mga pagkain sa mesa. Nabigla si Mica sa nakita. "Gi..girlfriend nyo??" Nanlalaki ang mga mata niya.
Natawa naman si Asha sa exag na reaction ng kaibigan. "Ano kaba! Wala namang nakakagulat dyan. Nagbabago talaga ang mga tao." Wika niya dito.
"Korak!" Nagthumbs up pa ang dalawang binata saka na naghain sa mesa. Tumulong na rin si Jessica sa dalawang babae at binuhat naman ni Sky ang anak nila.
"Mahiya naman kayo kay Jordan!" Napalingon silang lahat kay Brax na noon ay nagsisindi ng kandila sa puntod ng kaibigan. "Dadalaw kayo dahil lang sa pagkain eh." Dagdag pa nito.
"Brax?" Wika ni Mica at nagpalinga linga, "wala kang girlfriend?"
Tumayo na si Brax at nagpagpag ng damit saka ngumisi kay Mica. "Kakabreak lang. Hehe." At saka na rin tumulong sa mga kaibigan sa paghain ng pagkain.
Napangiti nalang si Asha ng tingnan siya ng bestfriend. "Halika na.." at saka na rin sila sumali sa celebration ng mga kaibigan.
Maraming natutunan si Asha sa maiksing panahon na nakasama niya si Jordan at ang mga kaibigan nito. Na kahit na anu pa man ang katangian ng isang tao, playboy man sya o hindi, kapag PAG-IBIG na ang umentra sa daan, wala ka ng kawala kahit ayaw mo. Mahirap pigilan ang pag ibig pero pwedeng ito rin ang maging dahilan para sa pagbabago ng isang tao o sa ikauunlad niya sa buhay.
Maraming dahilan para kamuhiam ang isang nilalang pero marami ding rason para ito ay mahalin at aminin man sa hindi mas matimbang ang tunay na pag-ibig sa lahat ng laban sa buhay.
Hindi lang ang pag-ibig ang nagpapatatag sa relasyon ng mga tao, kundi ang tunay na pagkakaibigan.
Napatingin nalang si Asha sa payapang langit habang sila ay nagkakasayahan sa tabi ng puntod ni Jordan. Ang death anniversary ng binata ay hindi maaaring maging dahilan para habambuhay silang magluksa at magkulong sa kalungkutan. Isa itong dahilan para pahalagahan ang buhay na napakaiksi lamang at totoong hiram lang.
Napabulong na lamang din siya sa hangin, umaasang maririnig ni Jordan ang bawat katagang yun.
"Mahal kita, Jordan.."
At nang balingan niya ang cake na personal na binake ni Josh, natawa nalang sya sa isinulat doon ni Brax.
Happy 6th death anniversarry PLAYBOY! ♡♡♡♡
- WAKAS
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?