SAIS

34 10 1
                                    

"Brax?" Tawag ni Jordan kay Brax nang magpunta ito sa condo ng kaibigan. Kanina pa kasi niya ito tinitext at tinatawagan pero hindi ito sumasagot.

Alam niya ang password ng condo nito kaya nakapasok siya agad. Sa entrance palang ay nakita na niyang may isa pang sapatos maliban kay Brax. Baka may bisita.

At sa sala, nakakalat ang mga pagkain na hindi naubos at iilang alak. "Linggong linggo hindi ka nagsasabi na iinom ka pala? Sana naman niyaya mo kami." Sigaw niya nang kunin ang isang bukas na bote at tinungga ang laman non. Alam niyang rinig ni Brax ang isinigaw niya. Sanay naman na sila sa basta bastang pagpasok nang tropa sa bahay ng isa't isa.

Dumiretso si Jordan sa kusina nito at binuksan ang ref. Tumambad sa kanya ang napakadaming pagkain don. "Ayos to ah." Nakangiti niyang kinuha ang isang slice ng pizza.

"Pre, niyayaya ko sila Sky na lumabas kaso mga busy eh. Ikaw nalang isasama ko." Sigaw pa niya.

Habang dala dala ang isang slice ng pizza, nagtungo naman siya sa kwarto. Pinihit niya ang doorknob, "pre.." wika niya saka iyon binuksan.

At halos mabulunan siya sa tumambad sa kanyang eksena. Nangingibabaw ang ungol ng babae sa kwarto at ang mabilis na paggalaw ni Brax sa ibabaw nito.

"PUTSPA!!!" Napasigaw siya nang makita yun. Ang totoo, nagulat lang sya. Hindi niya inexpect na ganito ang dadatnan niya sa tahimik na condo ni Brax. Huminto pa pansamantala ang kaibigan niya at tumingin sa kanya't kumindat saka na pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ah.. sorry. Tuloy nyo lang." Wika niya saka na ulit isinara ang pinto. Ngunit pinihit niya ulit at binuksan.

"Pre naman!!" Sigaw ni Brax nang lumitaw ang ulo niya mula sa pinto.

"Sa susunod, maglock ka!" Paalala niya saka na sinara ang pintuan.

No choice, umalis nalang sya sa condo ni Brax. Wala siyang magagawa. Mukang enjoy na enjoy nito ang ginagawa eh at halatang hindi maiistorbo. Paniguradong mabubuntis nanaman niya yung babaeng yun.

Naglakad nalang syang mag-isa sa park. He's trying to contact Asha pero hindi ito sumasagot. Busy nanaman?

Sa tingin niya, muka pa naman talagang bata si Asha. Pero sa edad niyang yun, napakabusy na niya. Ano kayang pinagkakaabalahan nito? Hindi naman to doctor o nurse dahil education ang kurso nito. Pero ano bang kinabibusyhan niya? Hindi kaya kulto siya?

Kasi minsan kapag nakikipag-usap siya dito, may kakaiba siyang nararamdaman. As in, kakaiba. Hindi naman sa naiinlove na siya dito, hindi naman siya naiinlove eh. And he doesn't prefer to fall inlove. Never in his lifetime he fell inlove to someone. Lahat ng relasyon niya, past time lang para sakanya. Wala siyang minahal sa mga naging ex niya.

Pero si Asha? Bakit pero?

I mean, si Asha. Ang kauna unahang babaeng tumangging makipagdate sakanya. Siguro hindi ito tunay na babae. Well, kung ganon man, patutunayan niya ditong babae talaga ito.

Mas nachachallenge tuloy siya.

Maya maya pa ay nagring ang hawak niyang cellphone. Nang makita niya ang caller ay agad niyang in-end ang tawag. Pero wala pang ilang segundo ay tumawag ulit ito. In-end niya ulit pero tumawag ulit ito. Nainis na siya kaya sinagot na niya ang tawag.

"Alexa?" Wika niya.

"Let's meet." Nakalabas na pala ito at mukang nakalalakad na dahil gusto pang makipagmeet.

"No." Sagot niya.

"Magpasalamat ka at naging okay na ko. Come to my house. You know where it is. Ill wait for you." Wika nito. Hindi pinansin ang 'No' niya.

"May kadate ako." Wika niya.

"Sino? Bagong biktima mo nanaman? Come here as soon as you can or else Ill-"

Hindi na natapos pa ni Alexa ang sasabihin dahil in-end na niya ang call. At agad na tinurn-off ang cellphone.

"Desperadang palaka.." bulong niya.

Naalala niya ang sinabi kanina ni Tim sakanya sa phone ng mag usap sila. Pinaalala lang naman nito ang pustahan. Kailangang makapagdate na sila ngayon ni Asha since ngayon ang second day. Dahil kung hindi, talo ang 1k niya.

"Hayst! Pano ko ba makakadate ngayon si Asha eh hindi ko nga alam kung nasan sya ngayon?!" Naiinis na sabi niya.

Nagpunta sya sa isang payphone at dinayal ang number ni Tim. Sigurado naman syang tutulungan siya nito dahil 1k nito ang nakasalalay sa date niya. Sinagot agad ni Tim ang tawag.

"Pre, kamusta?" Tanong agad nito.

"May number ka ba pre nung Charlotte? O kahit nung Mica? Bilis tatawagan ko at itatanong ko kung san nakatira si Asha." Sabi niya.

"Hay nako Dan, bakit hindi mo gamitin ang phone mo? Isearch mo sa fb!" Tugon naman nito.

"Pinatay ko na ang phone ko. Nabwisit ako kay Alexa, habol ng habol sa kagwapuhan ko eh." Paliwanag niya. "Sige na Tim, tulungan mo ko.. para narin sa taya mo."

"Blackmail ba yan bro?"

"Hindi ah! Umaasa lang akong tutulungan ako ng kaibigan ko." Aniya. Hindi sumagot si Tim pero alam niyang nasa kabilang linya pa ito. "Nafufrustrate na ko eh."

"Hahahah! Sige bro. Call me after 15 minutes. Babye." At saka na ito nag hang up.

Naghintay naman si Jordan ayon sa sinabi ni Tim sakanya. At makalipas ang labing limang minuto ay dinayal niya ulit ang number nito. Sumagot din naman agad.

"Pre wait lang! Excited ka masyado eh.." wika nito nang sagutin ang tawag.

"Sabi mo 15 minutes? Loko ka rin eh halos 20 minutes na kong naghintay!"

"Sorry na. Pero wait lang ito kachat ko na yung Charlotte." Sabi pa nito. "Unti nalang bibigay na nito number niya."

"Whats wrong with you? Kayang kaya mong kunin yan in 5 minutes bakit inabot ka ng bente?" Wika ni Jordan.

"Maybe, nahawa sayo?" Sagot nito at sinabayan pa ng malakas na nakakainsultong tawa.

Maya maya pa ay nakuha na ni Tim ang number ni Charlotte at ibinigay agad sa desperado. Saka na tinawagan ni Jordan ang number nito. Mabilis pa sa kidlat na may sumagot sa kabilang linya.

"Hello?" Boses ng babae. Malamang si Charlotte yun.

"Am I speaking to Charlotte?" Tanong niya.

"Yes, speaking. Who's this?"

"This is Jordan. Can you tell me where does Asha live?"

"Jordaaaan?!?" Gulat na gulat ang reaksyon ng babae.

"Yes. If you still remember, ako yung nanghingi ng number ni Asha." Paalala niya.

"Yes I still remember. Pero hindi mo pa tinutupad ang promise mo sabi mo idedate mo ko!" Bulyaw nito sa kanya.

Nabigla din siya. Sinabi niya nga pala yun. Pero syempre, sinabi niya lang yun at hindi naman talaga nya gagawin.

"Ah oo naman.. but not now Charlotte I still have lots of things to do. Just give me Asha's address and tomorrow night Ill take you out." Wika niya.

"Really??"

"Yes." Naghintay sya bago maibigay ni Charlotte ang address ni Asha. Pagkabigay na pagkabigay nito ng kailangan niya ay hindi na niya hinintay pa ang anumang sasabihin nito. Ibinaba na niya agad ang telepono at tumakbo sa dereksyon ng address na ibinigay sakanya.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now