Nakaupo si Jordan sa ilalim ng puno ng mangga sa botanical garden ng school. Mas gusto niyang mapag-isa. Iniisip niya si Asha, kagabi pa hindi mawala wala sa isip niya ang babae.
Pagkauwi niya sa bahay niya kagabi matapos ang halos magdamagang inuman nilang magbabarkada, sinearch niya agad ang anumang impormasyon tungkol kay Asha pero nabigo siya. Wala itong kahit anong social account. Walang fb. Walang instagram, twitter, o kahit na ano pa. Kahit nung tinanong niya ang kilala niyang kaklase nito, wala din daw silang alam na may socian account nga si Asha. Nagtry din naman siyang magsearch sa computer sa school pero hindi access denied lang.
Ayaw din naman niyang makipagkaibigan sa mga kaibigan nito para lang marami siyang malaman tungkol sa babae. Hindi niya ugali yun.
Sa kalaliman ng pag-iisip niya ng paraan para mapalapit at mas makilala pa si Asha ay bigla bigla nalang lumitaw sa tabi niya ang kaklase nitong si Charlotte.
"Papa Jordan!" Sigaw nito sa tonong maharot.
Nagulat naman siya dito kaya hindi niya naiwasang mapalayo ng upo. Bigla bigla nalang kasi itong pumulupot sa braso niya. Mabilis din naman niyang natanggal ang kamay nito sa pagkakakapit sakanya.
"Pano mo nalamang nandito ako?!" Singhal niya dito.
"Tutuloy ba tayo tonight? Yun yung promise mo remember. Saka binigay ko sayo lahat ng hiningi mo. Yung number ni Asha saka yung address niya. Ano pang gusto mo, sweetheart?" Sabi nito.
"Ah ang gusto ko lubayan mo ko." Yun lang ang sinabi niya at pinahalata niya talaga ditong naiinis siya.
"Ha?! Ano ba namang request yan! I mean, is there more? Like, alam mo naman papa Jordan, lahat lahat kaya kong ibigay sayo.. kahit ang pinakaiingat ingatan naming mga babae." Pumulupot nanaman ito sa braso niya.
Tinanggal din niya ulit ang kamay nito. "Ang gusto ko lubayan mo na ko." Yun lang ulit ang sinabi niya.
"I won't! Do your promise. Im your baby now." Kumapit nanaman ito sakanya na syang tinanggal din naman niya. Tumayo sya, tumayo din si Charlotte. "Jordan!"
"I don't like you." Sabi niya dito at nilingon pa ang babaeng halos hanggang balikat niya lang. "Like, EEEEW." sabi niya at saka na iniwan ang babae doon.
"JORDAAAAN!!!" Tawag naman nito sakanya.
"Hayst! Minsan ang hirap din maging gwapo.." bulong niya sa sarili habang naglalakad palayo sa presensya ni Charlotte.
Dumiretso na sya sa classroom niya. Maya maya pa kasi ang susunod na class niya. Wala ding masyadong tao sa room nila. Wala din don ang tropa niya. Siguro nagbabasketball nanaman ang mga yun. Well, wala sya sa mood maglaro. Hindi siya maglalaro hangga't hindi niya nakakadate si Asha at hanggat hindi nagiging sila.
Kinuha niya ang phone at tiningnan ang mesages. Iisa lang naman ang nagtext sakanya. Si Sky. Pre, tara bola! Yun lang ang text nito na alam na niya ang kahulugan. Tama nga sya, nagbabasketball nga ang mga tropa niya.
Hinanap niya ang number ni Asha at tinext ang dalaga.
"Busy?" Sabi niya sa text niya. Inilapag na niya ang phone sa desk niya at sumandal sa upuan niya't ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung nasan si Asha. Nasa library ba ito at nagreresearch nanaman? O nasa canteen at nagmimiryenda? O nasa classroom nito at nasa ongoing class?
Dumilat ang mga mata niya at bumungad sa kanya ang kisame ng classroom. At inalala niya ang muka ni Asha.
Ang makikinis nitong balat. Ang mapupula at maninipis na mga labi. Ang banayad na ilong. Ang makakapal at mahahabang pilik mata na nagpapaganda sa mata nito. Ang buhok nitong hanggang balikat lang at ang mga nakakaakit na tingin nito sakanya.
Naiinlove na ba sya?
Ni minsan hindi pumasok sa isip niya at hindi niya nagawang iimagine ang mga chicks niya ng ganto katagal. Usually, pagkatapos ng session nila ng alam nyo na, ang iniimagine niya ay ang katawan ng chicks niya. Ang boobs nito, sinusukat pa niya yun. Saka yung butt.. manyak talaga sya, totoo.
Pero hindi yun ang iniimagine niya kay Asha. Ang iniisip niya dito kahit noong nakaraang episodes pa, I mean nakaraang mga gabi ay ang napakaamo nitong muka. At ang mga nakakaakit nitong mga mata kapag nagtatama ang mga paningin nila. Hindi niya magawang manyakin si Asha sa isip niya.
At yun ang hindi niya maintindihan sa sarili niya ngayon.
Napabalikwas siya nang marinig ang mesage tone ng phone niya. Muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan niya. Napatingin tuloy sakanya ang mga kaklase niyang nasa classroom din. Yun usually yung mga nerd classmates niya na walang ibang ginawa kundi ang magbasa ng mga libro at magresearch.
"Hehe.. sorry." Wika niya sa mga to nang magambala niya ang katahimikan nila.
Mabilis niyang tiningnan ang mesage at halos tumalon ang puso niya ng makitang si Asha ang nagtext. Nagreply si Asha sa text niya.
Binuksan niya agad ang mesage at nabasa ang nilalaman non. Kung yayayain mo ulit akong makipagdate, magpunta ka nalang sa address na itetext ko sayo tonight. 7 pm. Hinanap niya ang address pero wala siyang nakita. Iisa lang naman ang text ni Asha.
"Uh? Nasan?" Tanong niya sa cellphone niya.
At sinagot siya nito ng isa pang text na galing kay Asha. Nilalaman non ang address na sinasabi nito. Pero hindi ito ang address ng bahay niya. Hindi rin siya pamilyar sa lugar. "San naman kaya to?" Bulong niya sa sarili.
Nagtype na sya para replayan si Asha. "Okay. Pupunta ako." Yun ang nireply niya.
Nagstart na ang next class. Si Asha lang ang nasa isip niya the entire class, naeexcite siya sa date nila. This is it. Wala naman talaga syang pake sa pustahan tutal nung una palang natalo na ang limang daan niya. Sadyang gustong gusto niya lang talagang makuha si Asha. Gusto niyang mapasakanya ang babae.
"Pre, ihanda mo na ang 1k mo." Bulong ni Josh kay Brax na narinig naman ni Jordan. "Malamang, hindi nanaman makakadate niyang ni Jordan si bebe Asha! Hahaha."
"May tiwala ko kay pareng Jordan brod. Mahiya naman siya, pangatlong araw na to." Bulong din naman ni Brax.
"I can hear you." Malakas na sabi ni Jordan. Napatingin sa kanya ang mga kaklaseng busy at tahimik sa seatwork na iniwan ng prof nila.
"Okay ka lang pre?" Kinalabit naman siya ni Sky.
"G***! Kayong dalawa Brax! Rinig ko kayong mga abnormal kayo. Don't me. Makakadate ko na ngayon si Asha. Wag kang mag-alala, Brax." Kinindatan niya pa si Brax. Napangisi naman ito sa ginawa niya.
"Yes bro. May tiwala ako sayo! Don't worry, kapag nagawa mo na yan, hati tayo sa 1k nung tatlo." At humagikhik nanaman ito.
Mabilis na lumipas ang oras. Nang matapos ang huling klase nila ng 6 pm ay mabilis na umalis si Jordan ng classroom. Nauna pa nga ata sya sa prof nila.
"Mukang excited si Jordan ah." Wika ni Tim nang matanaw ang pagtakbo ni Jordan palabas ng classroom.
"Mukang ako talaga ang magwawagi." Humahagikhik nanaman si Brax sa kaisipang yun.
"Wag kang pakampante brod. Napatunayan na nating hindi ordinaryong babae si bebe Asha." Sabi naman sakanya ni Josh.
At sabay sabay na silang lumabas ng classroom.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?