KWATRO

39 9 3
                                    

"Ill be honest with you bros." Wika niya sa mga tropa habang nag-iinuman sa apartment ni Sky. He's independent.

"Hindi mo nahawakan ang kamay niya?" Malawak na ang mga ngiti ni Brax. Alam na nito ang ikoconfess ni Jordan.

"Hahahah! Pre, mahina ka." Bulyaw naman ni Tim na halata namang nang aasar lang.

"Pre, hindi lang sa hindi nahawakan.. Hindi siya pumayag makipagdate. Kung pumayag sya dapat wala ko dito ngayon at tinitikman na sya." Paliwanag niya.

"G*** ka talaga Dan! Yun agad nasa isip mo. Kelan ka ba magtitino?" Wika ni Josh.

"Woooow!! Nagsalita ang matino!! Bakit ikaw Josh, kelan ka ba magtitino?? Lagi mo nalang ninanakawan ang papa mo ha. Gumagawa ka pa ng set-up para si little sister mo ang mapagbintangan!" Tawang tawa si Brax habang pinapaalala dito ang mga katigasan ng ulo.

"Brax, wag ka ding magmalinis! Ikaw din naman ah. Kelan ka ba tumigil sa pagdadala ng babae sa harapan ng nanay mo? At kapag sasabihin ng babaeng buntis sya, ikaw gagawa ng paraan para malaglag yung bata? Bro, mas matindi ka!" Si Tim naman ang bumato kay Brax.

"Hahaha, Tim. Wag ka nang makisali. Alam ko marami nang nauubos sa ipon ng lolo mo kakahithit mo ng droga!" Tugon sakanya ni Brax.

"O sya, tama na yan. Tama na.. ito, pulutan. Iinom nalang natin yan brod." Pigil naman sa kanila ni Sky nang ilapag nito sa mesa ang isang pinggan ng crackers at mani.

"Buti pa tong si Sky walang problema. Hayahay ang buhay. Palibhasa nasa abroad parents." Wika ni Josh.

"Sya naman umuubos ng perang pinapadala ng tatay niya na para sana sa lola niya." Ani Brax na sinundan pa ng napakalakas at nakakainsultong tawa.

"Pinambibili ng condom, amp***!" Dagdag pa ni Tim.

"Wala kayong pake!" Tumatawa din si Sky na sinagot ang mga insulto nila.

Inilapag ni Jordan ang 500 pesos sa lamesa na nagpatigil sa kanilang pag-uusap. Napatingin sakanya ang lahat.

"Honest ako mga pre. Don't worry." Sagot niya sa mga mapagtanong na mga tingin nila.

"Pero pre, bakit nga pala sya tumanggi? Siguradong may dahilan siya." Wika ni Sky.

"Oo nga.." interesado din ang tatlo.

"Kesyo may pupuntahan daw syang mas importante ngayong gabi." Sagot ni Jordan.

Natawa nanaman ang apat. "Hahahah! Pre, MAS importante?! Ano pa bang MAS importante sa isang Jordan Wazco??" Malakas ang tawa ni Tim habang pinapamuka sa kanya ang sinabi nito.

Hindi naman mapigilan ang pagsimangot ni Jordan, "Hindi niya sinabi eh."

"Ahahah! At hindi pa sinabi! Wow, bro! Nahanap mo na ang katapat mo. Ang kauna unahang babaeng tumanggi sayo!!" Wika ni Brax.

"Ang kauna-unahang babaeng umayaw sa campus hearthrob.." tumatawa din si Josh nang sabihin yun.

"Wag kayong mag alala mga brod, makukuha ko rin si Asha.. Hindi ko siya titigilan." Saad niya.

"Fight!" Sigaw ni Sky at itinaas ang baso niya na may lamang alak.

Itinaas din ng apat ang kanya kanyang baso. "Para sa pang-aakit ni Jordan kay Asha, cheers!" Sigaw ni Brax.

"CHEERS!!!"


































"Thank you for coming. Sa Sunday don't forget huh!" Paalala ni Asha sa ilang mga kabataang naimbitahan niya sa gathering nila. Naggugroup devotion sila every Friday night sa simbahan. Isa si Asha sa mga youth leader na nangunguna sa ganitong klase ng mga gawain.

Ito rin ang dahilan kung bakit siya tumanggi sa alok sa kanya ng gwapong si Jordan.

Naalala niya pa ang sinabi ng classmate niyang si Mica kanina sa school; "Naku girl, ikaw naman ang trip ngayon ni Jordan. Akala niya siguro lahat ng girls bibigay sakanya palibhasa ay gwapo sya at may pera. Well, advice ko sayo Asha, wag na wag kang bibigay dyan sa lalaking yan. Playboy yan si Jordan. Sasaktan ka lang niyan at gagalawin ka pa. Pag nakuha na niya ang gusto niya, iiwanan ka nalang na parang isang basura. Ganon yung nangyari kay Alexa, yung babaeng tumalon sa Engineering building..."

At nagkwento na nga sya.

Ayon sa inilahad na mga storya sa kanya ni Mica, walang dudang playboy nga si Jordan at dapat syang lumayo sa binata. Kahit gaano pa kaakit akit ang mga tingin nito at ang mapupula nitong mga labi. Naglilipstick ata kasi. Hindi parin dapat syang bumigay. Kailangan palagi niyang hingin ang gabay ng Holy Spirit na ilayo sya sa mga ganong uri ng tao. Kung hindi, baka hindi niya mapigilan at magkasala siya.

Wala pa naman pa syang nagiging boyfriend. She isn't also into a relationship thingy. Hindi niya feel ang makipagholding hands sa isang lalaki habang naglalakad sa public. Hindi niya rin gusto ang kaisipan ng isang halik ng lalaki sa mga labi. Napapailing siya kapag naiisip niya ang mga bagay na iyon. Kung tatanungin ang mga taong malalapit sakanya, old-fashioned si Asha at very conservative. Pwede syang maging madre.

Habang naglalakad sya pauwi ng bahay niya, malapit lang naman ang simbahan niya sa bahay, ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Unregistered number ang lumabas sa screen. Nagtaka sya, wala naman syang pinagbibigyan ng number niya.

Ganon pa man, sinagot parin niya ang tawag. "Hello?" Usal niya.

"Asha?" Boses ng isang lalaki ang sumagot sakanya. Hindi siya pamilyar kung sino ito at wala din talaga siyang maalalang may pinagbigyan sya ng number niya.

"Sorry. Who's this?"

"Asha, this is me.. Jordan." Halos bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang pangalan nito. Oo, kay Jordan ngang boses yun. Naaalala na niya.

But, the playboy's calling her now?

"Where'd you get my number?" Tanong niya. Mahinahon ang boses niya, no one knows kung galit na ba siya o hindi dahil nga napakalumanay niyang magsalita.

"From someone's close to you?" Syempre he used his charms para makuha nang sapilitan ang number ni Asha sa classmate nitong nakita niyang kasama nito last day.

"Who is that someone?"

"Do I really have to say her name?" Ayaw niyang sabihin eh pero mukang masasabi niya. Hindi nagsalita si Asha. "No. I won't tell you."

"Okay. Ill hang up-"

"We-wait!!" At buti hindi pa naibaba ni Asha. Hindi ito nagsasalita. "Are you.. still there?"

"Im listening." Sagot nito.

"Fine! Si Charlotte!" Nasabi niya parin. Iba kasi ang dating ng boses ni Asha sa kanya. Parang may power. "Sorry ha." Hindi sumagot si Asha pero hindi naman nito binaba ang phone dahil hindi pa niya naririnig ang beep tone na sign na end na ang call. "I forced her." He explained.

And why is he explaining?!

"So..sorry?" Isa pang try kapag hindi pa nagsalita si Asha, ibababa na niya ang phone.

Narinig niyang nagbuntong hininga ito at nagsalita, "So what do you want?"

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now