Nag-iinuman na ang tropa sa kwarto ni Josh nang dumating sya sa bahay nito. Ilang bote na nga ang naubos nila.
"Pre, ang tagal mo ata!" Wika ni Brax sakanya. "Ano? Success ba?!"
Umupo sya sa couch. Nakaupo din doon ang tulog nang si Tim. "Bakit ba lagi nalang kayong umiinom?" Iritado ang tono niya nang itanong yun na syang nahalata naman ng tatlo.
"Mukang bulilyaso ka nanaman pre ah." Ani Sky.
"Saka nagtaka ka pa? Ito lang naman ang energy drink natin diba? Ang alak baby.." dagdag ni Brax.
"Mabuti pa, mag-inom ka nalang din." Sabi naman ni Josh na kumuha ng isang bote at binuksan yun para sa kanya. Inilapag na ni Brax ang 1k sa mesa.
"Talo ako." Wika niya.
Inabot naman ni Josh ang bote ng alak kay Jordan pero hindi yun tinanggap ng binata. "Ayoko." Sabi niya.
"Woo?? Nagbagong buhay ka naba pre? Why all of a sudden, you refuse to drink? HAHAHA! Yan ba nagagawa ng pagiging bigo?" Pang aasar naman ni Sky. Inilapag nalang ni Josh ang bote sa mesa.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Brax. "Sabihin mo na pre. Bibigyan ka na namin ng tip."
"Dinala niya ko sa simbahan." Panimula ni Jordan.
"Kaya ba ayaw mong uminom ng alak? Banal ka na?" Nakangising tanong ni Josh.
"Simbahan agad pre? Ano? Kasal agad?" Tumatawa naman si Sky nang sabihin yun.
"Hindi yun simbahan ng katoliko mga brod. Parang may concert. Worship worship ganon." Paliwanag niya.
Sabay sabay na nagtawanan ang tatlo sa sinabi niya. Nag apir pa si Sky at Josh. "Buwahahahah! Ayos yan pre. Alam ko yan! Yan ba yung mga taas taas kamay? Pikit pikit mata? Tapos iyak iyak? Nakapunta na rin ako sa ganyan dati pero hindi ako nagtagal, nasunog ako!" Wika ni Sky.
"Oo pre alam ko rin yan. Mga banal yan. Ano? Nagsayaw sayaw ka rin ba don? O umiyak iyak ka rin?" Dagdag pa ni Brax.
"Don't tell me banal si bebe Asha??" Dugtong pa ni Josh.
"Patay ka dyan pre. Tigilan mo na yan!" Wika ni Sky.
"Bakit naman?" Ani Brax, "mas masaya kaya kung ikaw makauna dun! Malamang pre kung banal yun, birhen pa yun!" At sinundan pa nito ng napakalakas na tawa.
"G***!" Yun lang ang nasagot ni Jordan sa tatlong sayang saya sa ibinalita niya. "Siryoso ako sakanya."
Napatigil ang tatlo sa pagtawa. Napatingin kay Jordan na siryosong siryoso ang muka.
"Jordan? Ikaw ba yan?" Tanong ni Sky.
"Pre? Anyare sayo? May sakit ka ba?" Dagdag naman ni Josh.
"Dinala ka lang sa simbahan, sisiryosohin mo na agad?" Dugtong pa ni Brax.
"Totoo brod." Sagot niya. "Gusto ko siyang siryosohin. Kapag napasakin siya, hindi na ko manchichicks."
Sabay sabay ulit na nagtawanan ang tatlo. "WAHAHAHAHA iba tama ni Asha sa pare natin!!" Tuwang tuwa si Brax nang marinig ang sinabi ni Jordan.
"Ginayuma ata!!" Dagdag pa din ni Josh.
Tawa parin ng tawa ang tatlo pero si Jordan, walang ibang nasa isipan kundi ang babaeng kauna-unahang tumangging makipagdate sakanya. At kauna-unahang babaeng gusto niyang siryosohin na nagreject naman sakanya.
WTH!
Kinabukasan, bago dumiretso sa school ay tinext muna ni Jordan si Asha. Reminder na hindi niya titigilan ang babae sa pangungulit niya.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?