Tumingin sa mga mata niya si Asha at hindi ngumingiting sinagot ang tawag niya. "My father once tried to rape me."
He couldnt believe this. How could a father tried to rape his own daughter? Hindi niya alam kung gaano kasakit kay Asha ang alaalang yun. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang sugat sa puso ng dalaga na ginawa sa kanya ng kanyang ama. Knowing that your father had tried to rape you, that could be a painful reality.
At sinisisi niya ang sarili sa pagpapaalala kay Asha ng nakaraang iyon. "Im sorry.." wika niya. He felt sorry for her. He really does. "Im the reason for bringing that memory to you again. Im sorry. Im really..." yumuko siya at bumulong, "sorry."
Katahimikan.
Maya maya pa ay tumayo si Asha sukbit ang bag niya. "Aalis ka na agad?" Wika ni Jordan.
"Oo. Kailangan ko pang pumasok bukas."
"Wag ka na munang pumasok bukas. Hindi ka pa safe. Pwede naman tayong magrequest ng report mula sa mga pulis. Hangga't hindi nahuhuli ang gang ni Alexa, hindi natin masisigurong ligtas ka na." Paliwanag niya na totoo naman. Hindi rin niya alam kung pano pero kailangan na niyang gumawa ng paraan para mahuli ng mga pulis ang gang na iniingat ingatan din niya.
Illegal ang Xinix. Marami nang narerecieve na reklamo ang awtoridad mula sa mga nagiging biktima ng samahan. Hindi mahuli ng mga pulis ang Xinix dahil sa napakailap nitong leader. May mga nahuhuling kasapi pero hindi titigil ang gang hangga't malaya ang pinuno nila. Palipat lipat ng kuta ang Xinix kaya hindi sila agad agad nahuhuli. At si Jordan, kayang kaya niya naman talagang ipahuli ang nabanggit na gang. Ayaw niya lang talagang ipagkanulo ang kuya ni Alexa na siyang bestfriend niya, nung high school pa sila.
"Kaya ko ang sarili ko." Yun lang ang sinabi nito at saka na tumalikod sakanya.
Sakto namang pagbukas niya ng pinto ng silid ay tumambad sakanya ang apat na tropa ni Jordan.
"Oh! Asha? Uuwi kana?" Ani Brax, "Ihatid ka na namin. Hindi pwedeng mag isa kang uuwi."
"Okay lang ako." Tugon ni Asha.
"Wag nang matigas ang ulo Asha, ihahatid kana ni Brax at Tim." Wika naman ni Sky at sumenyas na sa dalawa. "Sige na bros, ihatid nyo na siya."
"Yes sir!" Sabay na tugon nila.
"Ayos ba?" Nakangiting tanong ni Sky kay Jordan nang makaalis na ang tatlo. Nagthumbs up sakanya ang tinanong bilang tugon.
Umupo sa couch si Josh at nanatili namang nakatayo't nakapamulsa si Sky.
"Dahil mukang siryoso kana talaga kay Asha, igagalang at irerespeto namin siya brod. Alam naming sya ang pag-asa mo." Sabi pa ni Josh.
"Wag na." Nagtaka ang dalawa sa sinagot niya. Hindi nila inasahan ang tugon ni Jordan.
"Anong wag na?" Usisa ni Sky.
"Sinabihan ko na siyang lalayo na ko sakanya." Sagot ni Jordan, "para malayo na rin siya sa kapahamakan."
Nagkatinginan si Sky at Josh.
"Pre, siryoso ka?" Salubong ang mga kilay ni Josh na bumaling kay Jordan. "Bakit ngayon pa?"
"Alam mong nasa panganib si Asha bro. Tapos ngayon ka lalayo sakanya? Hindi mo ba naisip na mas kailangan niya ng magtatanggol sakanya laban kay Alexa?" Dagdag pa ni Sky.
"Wag kang susuko Dan. Wag mong sukuan ang pag-asa mo." Ani Josh.
Hindi sumagot si Jordan. Nag-isip siya ng malalim. Tama nga ba na lumayo sya kay Asha gayong hindi nga niya masisigurong ligtas ang dalaga? Lalo na at mukang determinado talaga si Alexa sa pansariling kagustuhan nito.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?