"Nasa ospital ako. Nasa emergency room si Jordan. Naghihintay pa kami. Pakitingin muna kay lola ha?" Kausap ni Asha ang kaibigan niya sa cellphone. Tinawagan na niya agad si Mica at nakiusap na tingnan muna ang lola niya habang wala siya sa bahay nila. Mabuti naman at umoo agad ang kaibigan niya at buti't hindi ito abala.
"Sige. Tulog naman si lola. Hinahanap ka niya sakin pero sinabi kong may pinuntahan ka lang. Balitaan mo rin ako kung ano nang kaganapan dyan ha? Kahit playboy yang si Jordan at nabubwisit ako dyan, nag aalala parin ako. Okay?" Tugon naman sakanya ni Mica.
"Oo. Dont worry, sasabihan kita." Wika niya.
"Si Alexa nga pala?" Tanong nito sakanya. Halatang nahihiya man si Mica na itanong pero sisiguraduhin na rin niya. "Napanuod ko sa tv na.."
"Oo. Wala na si Alexa." Si Asha na ang nagtuloy sa sinasabi nito. "Napatay sya ni Jordan."
Hindi sumagot si Mica pero alam na niya ang expression nito. Alam na niyang gulat na gulat ito sa binalita niya. Hindi naman kasi ata sinabi sa news na si Jordan nga ang nakagawa pero alam niyang ang binata nga ang nakapatay sa babae at sa kuya nito.
"Ah.. sige Asha. Tawagan mo ko ulit. Nagising na kasi si lola eh." Anito at mabilis na ibinaba ang telepono.
Nanatiling nakatayo doon si Asha. Naghihintay sa labas ng ER ang mga kaibigan ni Jordan. Alam niyang alalang alala na rin ang mga ito.
Tiningnan niya ang oras at nakitang alas-syete na pala ng gabi. Parang napakabilis lang ng oras. Kanikanina lang ay magkasayaw sila ni Jordan. Hawak nito ang bewang niya at sa kanya naman sa balikat nito. Magkalapit na magkalapit silang dalawa habang nag-uusap at parang ayaw nang mawalay sa isa't isa. Kanina lang ay magkasabay silang bumiyahe pauwi. Magkahawak pa ang kamay nila habang naglalakad papasok sa villa nila. Yung sensasyong naihatid ng pagdidikit ng mga balat nila, hanggang ngayon ay damang dama pa ni Asha. Yung malalagkit na mga tingin ni Jordan sa kanya at ang nakakabaliw na matatamis nitong ngiti. Kanikanina lang magkasabay silang nag-almusal. Nagkukwentuhan pa nga sila kasama ang lola niya at walang kapantay na saya ang naidulot non sa kanya. Para sakanya, ang mga sandaling yun ang hinding hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Isang napakagandang memorya.
Natulog syang si Jordan ang nasa isip niya. Hanggang sa panaginip niya si Jordan parin ang nakita niya. Wala siyang idea na mangyayari ang mga ito. Kahit man alam niya, ano nga bang magagawa niya?
Kung mas maaga niyang nalaman, kung saka sakaling nalaman nga muna niya ang mga mangyayari sa hinaharap. Sana hindi na niya muna pinauwi si Jordan. Sana nabalaan niya ang mga kaibigan nito. Sana naireport niya sa mga pulis.
Pero ordinaryong nilalang lang sya. Wala syang kakayahang masaksihan ang mga mangyayari sa hinaharap. Hindi siya Diyos.
"I pray for him, Lord. Help him.." bulong niya. Wala na siyang ibang kakapitan sa ganitong mga pagkakataon kundi ang Diyos nalang.
"Wazco's guardian?" Napalingon siya nang magsalita mula sa likod niya ang doktor na siyang nag-asikaso kay Jordan. Sabay na sabay namang napatayo ang mga kaibigan nitong kanina pa rin naghihintay.
Lumapit siya para marinig ang sasabihin nito.
"His parents are on their way." Wika ni Sky.
"Nailigtas namin siya." Sabi ng doktor sa kanila. Napangiti naman sila sa sinabi nito. Maging siya, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig na ligtas na si Jordan. Parang gusto niyang puntahan ito agad at yakapin at kamustahin. "Pero.." napatigil naman sila sa sumunod na winika ng doktor. Bakit may contrast? "Hindi pa siya nagigising. Hindi parin namin masasabi sa inyo kung kailan siya magigising. Sa ngayon, masasabi kong he is brain dead." Paliwanag nito.
Hindi sila nakasagot agad. Kaya nagpatuloy ang doktor. "Kailangan lang nating hintayin kung kailan siya magigising. Yun lang." At saka na ito nagpaalam sa kanila.
Natulala si Asha. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Anong sinasabi ng doktor na he's brain dead? Patay na ang utak niya? May pag-asa pa ba syang mabuhay? Kung meron, ilang porsyento?
Napakadami ng katanungan ni Asha sa isip niya na alam niyang walang makakasagot. Kahit nga ang doktor, hindi alam kung kailan magigising si Jordan.
So dapat ba syang matuwa dahil nakaligtas si Jordan at humihinga pa siya ngayon? O dapat syang mas malungkot sa kaisipang walang kasiguraduhan ang pagkabuhay ng binata?
Bakit kung kailan niya tinanggap ang hamon ng pag-ibig saka to nangyari? Bakit kung kailan tumibok ng totoo ang puso niya, saka naman nagkaganito? Gulong gulo na siya.
Naramdaman nalang niya ang pagdampi ng palad ni Brax sa balikat niya. "Nasa loob si Jordan. Sumunod ka nalang kung handa ka nang makita siya." Wika nito na siyang tinanguan nalang niya.
Papasok ba siya? Kakayanin niya bang makita si Jordan sa kalagayan nito ngayon? Bakit ginawa yun ni Jordan? Ano ba talaga ang totoong nangyari? Gusto niyang malaman. Gusto niyang malaman ang bawat detalye. Pero hindi niya alam kung paano.
Natagpuan nalang niya ang sarili na nasa harapan na ng lalaking walang malay. Kitang kita parin ang kagwapuhan nito kahit pa halata sa muka nito ang iilang pasa na alam niyang Xinix ang may kagagawan. Ano bang ginawa niya sa mga Xinix? Ayon sa kwento sakanya nila Josh, kaibigan naman daw ni Jordan si Lexus, high school friend. Buddy daw sila noon at hindi halos mapaghiwalay. Kahit nga nung pareho na daw silang nasa kolehiyo, magkaiba man ang pinapasukang unibersidad ay madalas parin ang pagkikita nila. Matatag daw ang pagkakaibigan nilang dalawa. Kung hindi lang dahil kay Alexa.
Simula nang dumikit ang kapatid ni Lexus sakanya, lumayo naman sakanya ang kaibigan. Walang nakakaalam kung bakit.
Pagkatapos ang biglang paglitaw ng Xinix. Sinabihan ni Jordan ang mga kaibigan na wag papakialaman ang gang dahil yun ang kasunduan nila ng dating kaibigan. Pero biglang nagbago ang lahat. At hindi rin nila alam kung bakit.
Hinawakan niya ang kamay ng walang malay. Nakatingin siya sa maladyos na muka nito. "Gumising ka dyan Jordan. Papatunayan mo pa sakin na talagang nagbago ka na. Kapag namatay ka, hindi ka na makakapangchicks sa langit. Forbidden yun don." Wika niya dito. Hindi niya rin alam kung ano ba itong mga pinagsasabi niya. At kung bakit niya kinakausap ang taong alam niyang hindi naman siya naririnig. But she cant help it.
Mas humigpit ang hawak niya sa kamay nito.
"Mahal kita Jordan.." bulong niya. "Naririnig mo ba? Yun ang sagot ko, mahal kita. Kaya be a man, bumangon ka dyan! Ipakita mo sakin na talagang mahal mo rin ako. Tulad ng sinabi mo."
Naiinis na siya sa sarili niya. At sa sobrang inis niya ay iniiyak nalang niya yun. Yumuko siya sa kama nito at doon humagulgol.
Sana lang naririnig nito ang pag-iyak niya.
YOU ARE READING
He Was A Playboy <completed>
RandomPlayboy met the consecutive girl. Will they end up being together? Or will they separate since theyre different?