NUWEBE

26 6 5
                                    

Tinitext ni Jordan si Asha habang nasa byahe sya. Hindi siya pamilyar sa address na binigay nito pero sigurado siya na malapit lang ito sa bahay ng dalaga. Dumaan din siya kanina sa College of Education para itanong kung nandon pa ba si Asha, para narin sunduin ito pero sinabi sakanya ng mga estudyante doon na kanina pang 4 pm natapos ang klase nito.

Kaya minabuti nalang niyang madaliin ang pagpunta sa meeting place nila. Hindi naman siguro aabutin ng 1 hour ang byahe nya no.


At hindi niya maintindihan ang nararamdamang excitement.


Walang reply si Asha. Tinry na rin niyang tawagan ang number nito pero hindi sumasagot. "Baka busy at nagpapaganda." Napangiti siya sa naisip.




Nang makarating na sya sa lugar ay hinanap na niya ang building na sinasabi ni Asha. Pinagtanong tanong nalang din niya sa mga tao doon. At nang matagpuan niya ang building ay pinuntahan niya agad.

Pero tumigil siya sa tapat non. Hinawakan ang dibdib niya at dinama ang malakas na tibok ng puso. "Whats wrong with you heart? Hindi ka naman mahilig sa kape Jordan bakit ka kinakabahan?" Wika niya sa sarili.

Nagtaka man siya dahil madaming tao ang pumapasok sa loob ng building ay naglakad parin siya patungo doon. May malakas ding tugtog sa loob. Parang concert?

Seryoso? Sa concert gusto ni Asha makipagdate?

Nang nasa gate na sya ay may lumapit sa kanyang babae. "Hi sir. Welcome. Sino pong nag-invite sa inyo?" Tanong nito.

"Ah Im looking for Asha." Sabi niya. Honestly, hindi niya alam ang apelyido ni Asha. Pero umaasa siyang kilala nito si Asha.

"Ah si Asha. Nasa loob po siya. Let me assist you nalang po muna." Sabi nito sakanya at lumakad na papasok sa loob. "Tara po sa loob."

Pero natigilan ito ng mapansing hindi siya sumunod sa babae. "Sir?" Tawag nito sa kanya.

"Teka, ch..church ba to?" Salubong ang kilay niya na tanong sa babae nang mabasa ang nakasulat sa pintuan ng building. May nabasa kasi siyang CHURCH.

Lumapit sakanya ang babae at sinagot ang tanong niya. "Yes sir. We are actually conducting our 25th anniversary and Im so glad that you accepted Asha's invitation to join us. Tara po sa loob at damhin natin ang presensya ng Diyos." Nakangiti nitong wika.

"Diyosmiyo.." bulong niya.

Ngayon niya lang napagtanto. Mukang relihiyosa si Asha kaya hindi siya ganon kadaling maakit. At mukang malalim na ito sa pananampalataya niya. Napapamura siya ng palihim dahil hindi niya naisip na pumasok sa ganitong lugar sa tanang buhay niya.

At wala na syang choice. Ayaw din naman niyang maging bastos sa harapan ng simbahan at sa babaeng nasa harap niya. Besides, gusto niya ring makita si Asha. Kahit sa simbahan basta makasama niya ang babae, okay na. Mapagtatyagaan na niya ang boring na lugar.

Napapa-tsk nalang sya habang papasok sa loob.

Napakaraming tao at napakalawak. So ito pala ang pinagkakaabalahan ni Asha. Ito pala ang dahilan kaya hindi nita ito mahuli huli.

"Asha might be so busy kasi po isa siya sa mga naglilead lalo na sa worship. Later, makikita mo siya sa stage. Don't be shy lang kapag may kailangan ka sir. Approach me or anyone whos wearing the same shirt as mine." Nakablue itong shirt na may tatak na krus. "We will be more happy to assist you. Saka dont worry sir, after ng praise ang worship. Pupuntahan ka ni Asha. I already told her na nandito ka na."

"Okay." Sagot niya. "Thanks Ms. Rhian." Nabasa niya ang name tag nito na nakadikit sa kanang bahagi ng tshirt na nasa bandang dibdib.

"Enjoy lang po kayo." Wika nito sakanya at saka na sya nito iniwan.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now