DISI-NUWEBE

17 6 0
                                    

Nakalapat ang mga palad ni Asha sa balikat ni Jordan. Nasa bewang naman niya ang kamay ng lalaki. Matangkad si Jordan kaya mabuti nalang at nakaheels siya. Nakatingin sakanya ang binata na parang gusto siyang tunawin nito sa mga tingin niya. Pero hindi niya rin maunawaan dahil napakasarap tanggapin ng mga tinging yun. Nakipagtitigan din siya sa binata at kahit ganon nalang sila hanggang sa magtapos ang party, okay na. Wala na siyang pakialam.

"Ang ganda mo." Bulong nito. Naaamoy niya pa ang napakabangong hininga ng binata. Naglilisterine ata to. Nakangiti sakanya si Jordan at halos mabaliw siya sa sensasyong dala nito sa kanya.

"Ang sabi mo.."

"Pumunta ko dahil sayo." Patuloy niya sa sasabihin nito. Alam na niya yun, ang sabi niya hindi siya pupunta. Pero hindi niya rin alam dahil nakita nalang niya ang sariling dinadala siya ng mga paa niya sa school na dala dala sa isip ang kaisa-isang babaeng gusto niyang maisayaw. "Ikaw lang Asha."

"Jordan.."

"Hindi na kita pipilitin pang maniwala sakin na nagbago na ko. Gusto kong ikaw mismo ang makakita. Para to sayo at para sa sarili ko." Wika niya. Tahimik lang na nakikinig sakanya si Asha. Dinig niya kahit pa malakas ang kanta sa buong lugar. "Salamat sayo Asha. Natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig."

Hindi parin sumasagot si Asha. Ang totoo, hindi niya alam ang sasabihin. Gusto niya nang sabihin ditong wag na itong lumayo pero may ilang bahagi ng utak niya ang nagsasabing wag. At nag-uutos na siya na ang lumayo.

"Mahal kita, Asha." At nang sabihin yun ni Jordan, parang yun at yun nalang ang nag-eecho sa pandinig niya. Wala na siyang ibang nakikita at naririnig kundi si Jordan lang.

Ganito ba ang pakiramdam ng pag-ibig?

Niyakap siya ni Jordan. Habang nagsasayaw, nakayakap sakanya ang binata na parang ayaw din niyang bitawan. Napakahigpit ng yakap nito. Damang dama niya na talagang namiss siya nito. Damang dama niya na matagal na nitong gusto siyang mayakap. Pero bakit hindi siya kumilos at itulak ito palayo sakanya? Bakit hinahayaan niya ang binatang yakapin siya? Bakit nag-eenjoy siya sa amoy ng perfume nito?

Hindi niya alam pero wala na siyang ibang nasa isip kundi, "Please stay." Bulong niya kay Jordan. Nabigla naman ang binata sa narinig. Pero pinanatili nitong matalas ang pandinig sa susunod pa niyang sasabihin. "I'll take the risk."



Marami nang kanta ang lumipas pero silang dalawa lang ang halos magkasayaw sa mga kantang yun. Kung ang iba ay nagpapalit ng partner sa twing matatapos ang isang kanta, sila ay hindi. Sila at sila lang ang magkasayaw. At walang balak si Jordan na magsayaw pa ng ibang babae.

Naiinis naman ang iilang girls na naghihintay na maisayaw ni Jordan. Wala na ring lalaki ang nakapagtangka pang magsayaw kay Asha dahil nga ayaw siyang pakawalan ni Jordan.

"Mukang para kay Jordan ang gabing ito." Wika ni Sky habang nakatingin sa dalawang parang walang pagod na sumasabay sa bawat awitin.








Matapos ang party ay hindi na ulit nakita pa nila Sky si Jordan. Nang mag uwian na ang mga estudyante, nawala na lang ding parang bula ang lalaki.

"Brod! Nasan ka?" Tanong ni Sky sakanya nang sagutin nito ang tawag niya. Magkakasama asusual ang apat at naghihintay sa tropa nilang bigla bigla nalang sumulpot at bigla bigla nalang ding nawala. "Okay. Okay. Ingat." Wika niya at ibinaba na ang cellphone.

"Ano daw? Nasan sya?" Tanong ni Brax nang maibaba ni Sky ang cellphone niya.

"Pauwi na daw siya. Ihahatid niya daw si Asha." Sagot nito.

"Aba, malakas!" Wika ni Tim.

"Ayos ah. Pero diba walang sasakyan si Jordan? Ano? Magkocommute sila?" Tanong ni Josh.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now