BENTE-TRES

19 7 0
                                    

"Asha? Gusto ka sanang isama ni Brax sa presinto. Nakuha na kasi ang footage ng cctv sa Megaline Station nung mga oras na nangyari yung insidente." Narinig niyang wika sakanya ni Sky. Nasa likod nito ang girlfriend at alam niyang nasa labas si Brax. Hindi niya napansing hindi na pala siya umuwi, hindi na nga rin niya alam kung natulog ba sya. Basta binantayan niya lang si Jordan.

Napatingin siya kay Sky. "May cctv sa abandunadong estasyon ng tren?" Paniniguro niya dito.

"Sinuwerte tayo sa bagay na yun." Yun lang ang sinagot ng binata sakanya.

Tumayo sya at nagbuntong hininga.

"Kami muna ang magbabantay sakanya. Take your time." Mahinahon ang boses ni Sky. Alam niyang dama rin nito ang bigat na dala dala niya.

"Salamat, Sky." Tugon niya dito.

Inabutan naman siya ni Jessica ng supot. "Kumain ka kapag nagutom ka." Anito.

"Salamat, Jessica." Nakangiti niyang tinanggap ang inabot nito.

"Alagaan mo ang sarili mo Asha." Paalala pa nito. Nakangiti pa rin si Asha na tumango sakanya at nagpaalam na sakanila.

Nakita na niya si Brax na naghihintay sa labas ng ospital. Nakasandal ito sa kotse habang busy sa phone niya. Itinago nito ang phone nang lumapit siya.

Halata naman ang bahagyang pagkabigla sa muka nito nang makita siya. "Nakatulog ka ba?" Halata rin ang pag aalala sa boses nito.

Nakangiti siyang tumango dito.

Totoo naman kasi, nang tingnan niya ang itsura sa salamin, halatang namumugto ang mga mata niya. Siguro dahil sa pag-iyak at pananatiling gising mandamag.

"Pwede kang umidlip muna bago tayo pumunta sa presinto." Alok nito.

"Ayos lang ako Brax. I can handle this." Tugon niya. Wala ng nagawa ang binata kaya pinagbuksan nalang niya ito ng pinto at nagsimula nang magmaneho patungo sa presinto.











Mabilis na naunawaan ni Asha ang mga pangyayari. Sa tulong din ng eksplanasyon ng mga pulis.

Pinagbantaan ni Lexus at Alexa si Jordan na papatayin nila si Asha. Kaya nung umagang umalis si Jordan sa bahay niya, at yung napakahigpit na yakap nito, may kahulugan pala talaga yun. Nakipagkasundo si Jordan na makipagkita sa Xinix nang walang nakakaalam.

"Nung mga oras na yun malamang iisa lang ang nasa isip ni Jordan." Wika sakanya ni Brax nang nasa kotse na sila. Nananatili lang sila doon at hindi pa pinapaandar ng binata ang sasakyan dahil yun ang kahilingan ni Asha. Gusto niyang makapag isip pa.

"Papatayin niya si Lexus at Alexa." Patuloy pa nito.

Nabigla man si Asha sa sinabi nito, hindi niya yun pinahalata. "Bakit ang hilig niyang sumugod ng sya lang mag-isa?" Tanong niya kay Brax na hindi ito nililingon. "Bakit hindi man lang niya kayo sinabihan?"

"Dahil ayaw niyang madamay kami. Yun lang." Sagot naman nito. "Dati pa niya sinasabi samin yun. Pagdating sa Xinix, ayaw niyang nangingialam kami."

Hinihintay nalang ng otoridad ang paggising ni Jordan para sa salaysay nito. Dahil lahat ng kasapi ng Xinix ay natagpuang patay kasama ng mga leader nila.


Tahimik ang dalawa nang tumunog ang hawak na phone ni Asha. Nabigla siya nang makita ang natanggap na mesage. Napansin naman yun ni Brax.

"Bakit?" Tanong ng binata.

"Voice mail." wala sa sariling sagot nito. "..ni Jordan."

May halong saya at kaba nang pindutin ni Asha ang voice mail. Nilakasan niya ang volume ng phone para marinig din ni Brax ang nilalaman ng natanggap niya.


He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now