BENTE

13 7 0
                                    

Ala-una na ng hapon ng magising si Asha sa ringtone niya. Masyadong malakas kaya naman napabalikwas siya sa kama.

Mabilis niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag na mula kay Josh.

"Hello, Josh? Napatawag ka?" Wika niya nang sagutin ang cellphone.

"Asha, nasan ka?" Tanong nito.

"Nasa bahay ako. Bakit?"

"Hindi mo ba kasama si Jordan?"

Parang nabuhay ang dugo ni Asha ng marinig ang pangalan ni Jordan at nawala bigla ang antok niya. "Hindi bakit? Umuwi siya kaninang pass 6 pagkatapos niyang mag almusal dito. Bakit mo sya hinahanap sakin?"

"Tumawag kasi kanina si Sky sakin. Hindi pa daw umuuwi si Jordan hanggang ngayon. Walang may alam kung nasan siya. Hindi rin alam ni Tim at Brax. Nag-aalala na kami eh. Hindi namin siya macontact."

"Ano?? Panong? Yung mga classmate nyo? Natanong nyo na ba? Wala bang nakakaalam talaga?"

"Wala Asha. Kanina pa kami naghihintay sakanya pero wala parin. Kung sakaling tumawag sya sayo kontakin mo agad ako. Okay?"

"Sige. Magtatanong tanong din ako pero nasaan ka?"

Matapos sabihin ni Josh ang location niya ay ibinaba na agad ni Asha ang telepono niya at kinontak agad si Jordan pero makailang ulit lang niyang sinubukang tawagan ang lalaki pero wala parin talagang sagot. Nagriring lang ang cellphone nito.

Tinawagan nalang niya si Mica.

Sinagot naman ito agad ng kaibigan.

"Mica!" Wika niya nang marinig ang kaibigan.

"Bakit? May problema ba?"

"Si Jordan.. hindi pa daw nakakauwi si Jordan hanggang ngayon.. Mica, galing siya dito sa bahay namin.. pass 6 na siya umuwi pero hanggang ngayon wala pa daw sya sa bahay niya.. Wala ka bang balita?"

"Wag kang magpanic girl. Wala akong naririnig pero tatawagan kita kapag may nakuha akong impormasyon okay? Keep me updated. Magtatanong tanong din ako." Aniya.

"Salamat Mica." Ibinaba na ni Asha ang cellphone at agad agad na nagbihis.

Bakit naman kasi hindi man lang nagpapasabi si Jordan? Saka saan naman siya pupunta? Wala namang ibang pupuntahan si Jordan. Ang sabi nito sakanya kanina, uuwi na ito para makapagpahinga pero saan pa ba ito pupunta? Imposible namang magsinungaling pa ito sakanya gayong alam niya namang kailangan narin nito ng tulog at paniguradong pagod ito sa magdamagang party.

Nagpaalam na siya sa lola niya. Ayaw niya ring mag alala ang lola niya kaya sinabi nalang niyang pupuntahan niya lang si Mica.

Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng gate ay tumunog nanaman ang cellphone niya. Si Brax. Sinagot niya yun agad.

"Anong balita?" Tanong niya agad.

"Still no update. Nagmamaneho ako Asha. Papunta ko ngayon sa inyo. Susunduin kita. Hindi safe na bumiyahe kang mag-isa." Utos nito.

"Pero paalis na ko Brax."

"Stay foot. Makinig ka sakin. Dyan ka lang. Hintayin mo ko." At walang anu-anong ibinaba na nito ang tawag. Hindi na hinintay pa na makapagsalita si Asha.

Wala nang nagawa si Asha kundi ang hintayin nalang si Brax tutal mas madali kapag sa sasakyan niya siya sumakay. Wala pang ilang minuto ay nasa tapat na ito ng bahay niya. Mabilis siyang pumasok sa kotse at umalis na ng bahay matapos mailock ang gate.

Siryoso at tahimik naman ang binatang nagmamaneho.

"Ano bang.. nangyari?" Alalang alala na siya. Sa kinikilos ni Brax, sa tono ni Josh kanina at sa hindi niya maipaliwanag na kaba, ewan pero hindi na niya maitago ang pag-aalala.

He Was A Playboy <completed>Where stories live. Discover now