#2

25 0 0
                                    

Daphne's POV.

"Hoy babae bakit mo kami iniwan ni Jas nung isang araw sa bar!" sita ni Trisia ng mag kita sila sa Departure of Information ng airport dito sila nag te training para maging isang F.A (Flight attendant). Ngayon lang kami nag kita buhat nuong isang gabing na pumunta ng bar.
Napilit nila akong sumama mag bar dahil broken hearted ako sa boyfriend kong si Max.

"Sorry girl, Nilapitan kasi ako nuon ni Clarence." bulong ko sa kaibigan kong hindi titigil sa kabubunganga sakin.

Namilog ang mga mata nito inaasahan ko na iyon.

"Oh my gaaad! Daphne si papa Clarence mo talaga?"  tumango lang ako at halos mag kikisay si Trisia.

"Tapos ano nangyari? Saan kayo nag punta? May nangyari ba? Ano kayo na?" sunod sunod na tanong sakin ni Trisia.

"Mamaya ko na kukuwento ayan na si Mam Claire baka mapagalitan tayo."sabi ko ng makita kong palapit sa gawi namin ang supervisor namin.
Sa  Departure Information kami naka assign ngayon kaya lahat ng pumapasok na mga empleyado pati mga piloto ay dadaan samin.

Next week malalaman na namin kung papasa kami para maging isang F.A. Iyon ang pinaka iintay namin mag kaibigan pati ng mga magulang ko at mga kapatid. Malaki ang pangarap sakin ng mga magulang ko.

Naging abala ako buhat ng mapagawi ang visor namin sa pwesto namin , nagulat nalang ako ng sikuhin ako ni Trisia at may nginunguso ng tignan ko kung ano ang nginunguso nito bigla akong nabuhayan ng dugo sa nakita ko hindi pala ano ang nginguso nya kundi sino. Sino pa nga ba e di ang super crush kong si Clarence, ang poging si Clarence Carpio isa itong piloto buhat ng mag training kami dito sa airport at makita ito naging crush ko na siya kaya twing umaga inaabangan namin ni Trisia ang pag pasok nito sa loob pati ng mga kaibigan nito dangan nga lang ngayon naging busy ako sa ginagawa kaya di ko namalayan na papasok na ito.
Nakangiti ito habang nag lalakad kausap ang dalawa nyang kaibigan na kapwa mga piloto din. Nag tatawanan sila kaya siguro nakangiti si Clarence. Malamang may nag tatawanan bang nakasimangot.
Ang lakas ng dating nito sakin dahil sa mga ngiti nya sa twing makikita ko si Clarence lagi itong naka smile kaya lalong lumalabas ang kagwapuhan nito sabi nga ng iba makalaglag panty daw. Kaya nga everytime na dadaan ito nakahawak ako sa bewang ko baka kasi malaglag ang suot kong panty...Echos.

Tumigil muna ako sandali saking ginagawa at pinokos ang sarili sa pag titig sa dumadaang si Clarence.
Ang gwapo nito sa kanyang uniform at ang pag tawa nito na lalo kong ikinatulala.
Naalala ko ang nangyari samin nung isang gabi buhat ng mangyari yun ngayon ko lang uli siya nakita.

Abot tenga ang ngiti ko ng dumaan na sa harap ko inaasahan kong ngingiti din ito pero ni hindi tumingin sa gawi namin at dirediretsong pumasok sa loob.

"Akala ko ba mag kasama kayo nung isang gabi bakit parang di ka ata nakilala." siko sakin ni Trisia kaya natauhan ako.

"Baka hindi ako nakilala." Nalungkot ako akala ko pa naman matatandaan nya ako.
Pero mainam na din iyon dahil nahihiya din naman ako sa bilis ng pangyayari nuon basta na lang ako sumama sa kanya matapos may ibulong sakin.

"Hey miss beautiful, lets go out." bulong nya sakin nuon sa bar at sabay titig sakin na ubod ng tamis ang ngiti napatango na lang ako. At dahil na din sa kalasingan ko hindi na ako nakapag isip ng tama nuong oras na yun.
Nahulog na ako sa kagwapuhan nito at idag dag pa na super crush ko talaga siya.
Nagulat ako ng nasa loob na kami ng isang motel at hinahalikan na niya ako nung una nagulat ako pero dahil sa mga ngiti nya napangiti na lang din ako at ginatihan ang halik nya, nuong mga oras na yun hindi ko magawang tanggihan ang masarap nyang halik bawat hawak nya sa katawan ko nag iinit. Hanggang sa may nangyari nga samin ng gabing iyon.

Nagising ako sa sakit ng ulo ko pag tingin ko sa oras alas sais na ng umaga medyo nagulat pa ako nung una kung nasaan ako pero ng makita ko na wala akong suot na kahit anong damit at pag tingin ko sa tabi ko nakita ko si Clarence na natutulog naalala ko ang nangyari samin. Dali dali kong pinulot
ang mga damit para isuot at nagmamadaling umalis sa lugar na yun.
Hindi ko kayang humarap kay Clarence ng mga oras na yun na may nangyari na samin.

Natapos ang shift ko hanggang sa umuwi na ako ng bahay, buti na lang unang natapos ang shift ni Trisia kaya nauna itong umuwi sakin atleast  hindi na ito nag kulit na ikwento ko sa kanya kung ano nangyari samin ni Clarence.

One Night StandWhere stories live. Discover now