#21

26 0 0
                                    

Sa loob ng 7 araw na hindi ko pag pasok sa trabaho nakita ko sa mga mukha ng mga kaibigan ko ang kasiyahan ng pumasok ako ngayon araw.

"Bro, buti naman lumabas ka na sa lungga mo."salubong ni PJ sakin ng matanaw akong papasok sa loob ng airport.

"Pre, isang linggo na kita kinokontak hindi mo sinasagot mga tawag ko." lapit ni Pao na kadarating lang din sabay tapik sa balikat ko.

"Pasensya na mga bro."sabi ko lang at ngumiti sa kanila.

"Pare, Clarence buti nag pakita ka na, miss ka na ng tropa."salubong din ni Clay at Cj sabay tapik sa balikat ko.

"Oo nga pre, mamaya pupunta kami sa Paraiso maraming chicka babe doon, hanep ang kikinis at ang puputi."bulong ni Cj pero dinig din ng lahat.

Tawanan lang ang lahat. May iba pa akong mga ka trabaho na tinapik ako at sinabing "welcome back Clarence."

"Mr. Carpio please proceed to my office."sabi ni Captain Vergara na dumating na pala.
Biglang tahimik ang mga maiingay kong kaibigan.

"Mr.Carpio mabuti naman at nag report ka na, kung hindi ipa file ko na ang pag ka awol mo."sabi ni Captain Vergara.

"Pasensya na po Captain."

"Clarence, nabanggit sa kin ni Captain PJ Dela Cruz ang tungkol sa personal mong problema. Naayos na ba?" Tanong nito na hindi na bilang isang Senior Captain namin kundi bilang isang ama.

"Sir, okey na po ako ngayon." sabi ko nalang.

"Mabuti kung ganun." sabi nito na tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Go to your work Captain Carpio."

Pag katapos ng duty namin, nagpunta nga kaming mag kakaibigan sa bago bar na pinagmamalaking nila sakin.

Mas malaki ito at mas maganda kesa sa Kanzi.

"Sabi ko sayo bro magaganda at makikinis ang babae dito."sulsol ni CJ sakin.
Tumawa lang ako.

"Bro ano wala ka pa bang nahahanap na chika babe ha?"tanong ni Clay na hindi naalis ang tingin sa mga babaeng halos litaw na ang buong katawan.

Dati kapag ganito babae nakikita ko para din akong si Clay makatingin sa mga babae at saglit lang may prospect kaagad ako.
Pero ngayon hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, wala akong paki sa mga babae tanging alak lang ang hinaharap ko habang pinapanood ang mga kaibigan ko na may mga kasayaw na sa gitna. Tanging kami lang ni Pj ang nandito sa table, si PJ ang kaibigan naming may asawa na na ni minsan hindi nambabae.
May lumapit pang babae sakin at niyaya akong sumayaw pero tinanggihan ko lang ito mas gusto kong uminom lang at panoorin ang mga kaibigan ko.

"Bro, mahal mo pa din diba." Sabi ni Pj sakin habang pinapanood namin ang mga kaibigan namin sa gitna.

Nag taka akong tumingin sa kanya na tila nagtatanong ang mga mata ko.

"Bakit tinitiis mo siya nakikita ko namang mahal mo pa din siya."sabi uli ni PJ.

Nilagok ko ang isang basong beer tinignan ko lang siya at tumingin na uli kila CJ na mukang enjoy na enjoy.

"Bro Hindi naman importante kung anak o hindi mo anak ang pinag bubuntis nya, kung talagang mahal mo siya tanggap mo ano man ang kalagayan nya." Patuloy pa din nito.
Tumingin ako sa kanya.

"Bro, wala naman sakin kung hindi ko anak yung pinag bubuntis nya kaya nga diba hindi ko na pina Paternity test, ang hindi ko matanggap yung mag sinungaling siya sakin at gawin akon tanga ng sabihin nyang ako ang ama ng anak nya."

"Paano kung hindi naman siya nag sinungaling sayo.?"

"Anong ibig mong sabihin.?"
tanong ko sa sinabi nya.

"Paano kung lahat ng sinabi nya ay totoo na ikaw talaga ang ama ng pinagbubuntis nya. At dahil galit ka hindi mo pinakinggan ang paliwanag nya." 

Napaisip ako sa sinabi ni Pj, paano nga kung hindi naman ito nag sinungaling sa kanya.
Pinaniwalaan ko lang ang isipin kong nag sinungaling siya sakin na ginamit lang nya ako dahil ayaw iton panagutan ng lalaking yun nung una..

"Bro salamat ha.?" Sabi ko kay Pj na tinapik ko pa at nag mamadaling umalis.

Minamaneho ko ang kotse ko  nangingiti pa ako habang nag mamaneho.
Pag dating ko sa bahay nila Daphne mukang tulog na ang mga ito, pag tingin ko sa relo ko alas dos na pala ng madaling araw minabuti kong bukas na lang pumunta.

Kinabukasan paalis na ako ng apartment ng madaanann ko ang batang makulit.

"Hi kulit.! Hatinggabi na ako nakauwi kagabi, bibigay ko sana sayo ito." Sabi ko sabay lapit at abot ng binili kong teddy bear sa hongkong nag pumunta ako dito kahapon, Hongkong ang first duty ko kahapon, at dahil ngayon Palawan lang ang byahe ko may dadanan muna ako.

"Thank you kuya pogi, pero Heidie ang pangalan ko hindi kulit." Pag tatama nito.

"Ay sorry Heidie, ang ganda pala ng name mo kasing cute mo."
sabay pisil sa pisngi nito at umalis naa ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Night StandWhere stories live. Discover now