#16

11 0 0
                                    

Daphne's POV.

"Really! OMG! Daphne hindi ako makapaniwala na inlove na sayo si papa Clarence."hiyaw ni Trisia ng magkita kita  uli kaming magkakaibigan sa bahay ni Hajie.

"Ikaw na mahaba ang hair girl" malanding dugtong ni Hajie.

"Kaya ang saya saya ko."

"Ano plano nyo ngayon? sasabihin mo na ba sa pamilya mo." seryosong tanong ni Trisia.

"Hindi ko pa alam kay Clarence, hindi pa namin napag uusapan yun."

"Ah basta friend happy ako sayo."masayang sabi ni Hajie sakin.

"Me too." Trisia.

"O paano kailangan ko ng umuwi baka nasa apartment na si Clarence." paalam ko sa mga dalawa kong kaibigan.

"Okey girl, ingat."sabay pa nilang sabi.

Pag dating ko sa apartment excited akong pumasok ng bahay para ipag luto si Clarence tyak pag uwi nuon gutom at pagod sa byahe.

Saktong tapos na akong mag luto at nakapaligo na din ng dumating si Clarence.

"Hi hon na miss kita, hmmm! ang bango naman ng hon ko." bati nito sabay halik at yakap na may pilyong ngiti sa mukha nito.

"Miss you too, kumain ka na ba? nag luto ako?"

"Pwede ba ikaw na lang kainin ko." sabi nito habang nakayakap sa bewang ko at may pilyon ngiti sa mukha nito.

"Puro ka kalokohan." sabi ko sabay kurot sa tagiliran nya.

Kinabukasan napag kasunduan namin ni Clarence na pumunta sa parents ko para ipakilala siya pero wala pa sa plano namin na sabihin na buntis ako dahil ayoko pa  din biguin ang mga ito ayoko pa sanang magpakita sa mga ito kaso makulit si Clarence at desididong ma meet ang mga parents ko pumayag ako tutal hindi pa naman halata ang tyan ko namimiss ko na din ang Tatay at Nanay ko pati ang mga kapatid ko.

Nang malapit na kami sa bahay namin kinakabahan ako napansin ata yun ni Clarence kaya hinawakan nya ang kamay ko bago kami bumaba ng kotse.
Papasok na kami ng bahay ng salubungin ako ng Tatay at Nanay ko ng yakap.

"Daphne, buti nadalaw ka miss ka na namin ng mga kapatid mo."sabi ng nanay ko.

"Miss ko na din po kayong lahat" masayang sabi ko at gumanti din ako ng yakap.

"Ahmmm! Boyfriend ka ba ng Daphne namin?"narinig kong sabi ng kuya Val ko ang panganay kong kapatid, pag lingon ko dito nagulat ako dahil pinaiikutan na nito at ng iba ko pang kapatid na lalake si Clarence parepareho nilang tinitigan si Clarence mula ulo hanggang paa habang umiikot dito.
Pero mukang bale wala naman iyon kay Clarence at ng mag tama ang mata namin ngumiti pa ito sakin.

"Mga kuya, layuan nyo nga si Clarence." saway ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

"Boys!" Tawag ng tatay ko saka lang isa isang lumayo kay Clarence ang mga kuya ko pero kahit malayo na ang mga ito masama pa din ang tingin kay Clarence para bang isang maling galaw lang ni Clarence susugod na ito.
Mababait naman mga kuya ko protektib lang sila sakin, nung high school nga ako walang nakalapit na manliligaw sakin dahil sa kanila buti na lang nung mag college ako hindi ko na sila kasama sa pinag aaralan ko kaya may nakakalapit na sakin pero wala pang nag lakas ng loob na pumunta ng bahay namin dahil sa mga kuya ko.

"Tay, Nay, si Clarence nga po pala boyfriend ko po." pakilala ko.

"Magandang araw po."sabi ni Clarence sabay mano sa tatay at nanay ko.

Nagulat man ang tatay at nanay ko pero tinanggap nila ng maayos si Clarence.

"Clarence mga kuya ko nga pala saka ito yung bunso namin si Barbie." isa isa naman nakipag kamay ang mga kuya ko.

"Wag mong sasaktan si Daphne."
"wag mong papaiyakin ang prinsesa namin."
"Lagot ka sakin kapag sinaktan mo kapatid namin." Mga narinig kong isa isang bulong ng mga kuya ko kay Clarence.

"Kuya!"saway ko sa mga ito na mga ngumiti naman sakin.

"Ano naman ang trabaho mo iho?" Tanong ng Tatay ko ng kumakain na kaming lahat ng pananghalian.

"Piloto po"sagot ni Clarence.

"Piloto ka?!!"gulat na tanong ni kuya Vincent.

"Oo."nakangit sagot ni Clarence.

"Ibig pong sabihin marami ka ng napuntahang mga ibat ibang bansa.?" Tanong ni barbie na bunso kong kapatid.

Tumango naman si Clarence habang nakangiti dito.

"Astig ka Pre!" sabi pa ni kuya Vanny.

"Diba kuya Val pangarap mong makasakay ng eroplano? Clarence pwede ba kaming sumakay sa eroplano mo." tanong ni kuya Vincent na biglang umamo kay Clarence.

"Oo ba." Clarence na hindi nawawala ang ngiti sa mukha.

"Clarence hindi ba nakakatakot mag pa andar ng eroplano?" tanong ni kuya Vanny pangarap kasi nitong maging piloto dati.

"Hindi naman, okey lang."

"Lubayan nyo na nga muna kakatanong sa boyfriend ng kapatid nyo hindi na tuloy makakain." saway ng nanay ko.

Nang mag hahapon na nag paalam na kami ni Clarence tanggap naman ni Tatay at nanay ko si Clarence ,ang mga kuya ko hindi na kailangan tanungin kung tanggap si Clarence ayun pagkatapos namin kumain kanina pinaulanan na ng mga kuya ko ng tanong tungkol sa pag papalipad sa eroplano. At narinig ko pang pinangakuan ni Clarence na isasakay sila minsa nito sa eroplano.
Kaya ngayong paalis na kami ang babait na nito kay Clarence.

"Bayaw, intayin ko text mo kung kelan mo kami sasakay sa eroplano." sigaw ni kuya Vincent.

"Bayaw bumalik ka ha?" Kuya Vanny.

Iiling iling ako sa mga sira kong kapatid kanina lang nung dumating kami ang sama ng tingin nila kay Clarence ngayon ang babait na ng mga ito.

One Night StandWhere stories live. Discover now