Pag labas ni Clarence ng kwarto wala na si Daphne nakita nya sa lamesa sa kusina na may luto ng pag kain at may katabi itong note.
Nag luto ako ng soup para mawala ang hang over mo, umalis na muna ako mag kikita kami ni Hajie at Trisia, uwi din ako kaagad.
Daphne
Napangiti si Clarence pag kabasa at saka kinain ang inihandang pag kain sa kanya. Wala siyang balak pumasok ngayon tumawag na siya sa trabaho at sinabing hindi siya papasok.
May tinawagan pa siya at naisip nya si Daphne kaya napangiti na naman siya.
Excited na siya sa pag uwi ni Daphne.Kinahapunan naka luto na si Clarence para sa hapunan ng dumating si Daphne.
"Hindi ka pumasok?" Tanong nito ng makapasok na sa loob ng bahay.
"Hindi, nag paalam ako. Buti dumating ka na nakaluto na ako kain na tayo." Matipid na sagot ni Clarence na nakangiti pa.
"Pasensya ka na ngayon lang ako dumating napasarap kasi sa kwentuhan ikaw pa tuloy nag luto." Si Daphne habang nag hahain sa lamesa.
"Okey lang bawi sa pag aasikaso mo sakin kagabi." Sabi ni Clarence pag kalapag ng ulam at ng maupo na ito.
Tumingin lang si Daphne dito at umupo na din."Salamat kagabi." Pasalamat ni Clarence habang titig na titig kay Daphne na nakangiti.
"W-wala yun, tara kain na tayo."sabi na lang ni Daphne na namumula na ang mukha dahil naiilang sa pag kakatitig ni Clarence at nakita na naman nya ang pamatay nitong ngiti na nakapang hihina sa kanya.
"Taste first."sabi ni Clarence sabay subo kay Daphne ng potchero na niluto nito. "Say ah!"dugtong pang sabi nito at ngumanga pa na parang nag papasubo ng bata.
Walang nagawa si Daphne kundi tikman ang ulam."Ahmm! sarap ah!" sabi ni Daphne ng masubo ang isang kutsarang potchero na pinatikim ni Clarence. Feeling nya nasa heaven siya pero syempre hindi nya yun pedeng ipahalata kay Clarence.
"Pwede na bang mag asawa?" Tanong ni Clarence na kinabigla nya. Naninibago kasi siya kay Clarence dahil mabait na ito sa kanya at nakikipag usap pa ito sa kanya ngayon ng ganito.
"Pwede na, swerte naman ng magiging asawa mo ang sarap mo palang mag luto."
"Ang swerte mo."mahinang sabi nito na nakangiti pa din.
"Ano kamo?" Tanong ni Daphne sa narinig pero hindi siya sigurado sa narinig dahil mahina pag kakasabi nito baka imagination nya lang.
"Sabi ko kumain ka na lalamig yan pag kain." Sabi nito na hindi pa din nawawala ang pag ngiti pero nadismaya siya dahil iba na sinabi nito.
Matapos nilang kumain nag movie marathon nalang sila mag katabi sila sa sofa habang nanonood ng may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana si Daphne ng pigilan siya ni Clarence dahil ito na ang tumayo para mag bukas.
"Paki lagay na lang po doon." Sabi ni Clarence sa pumapasok na lalake na may bitbit ng sofabed at may kasama pang dalawang unan.
Nakatanaw lang si Daphne na nagtataka."Okey salamat po."sabi ni Clarence sa nag deliver at sinara na ang pinto.
"Nagpadeliver ka ng sofa bed para sa kwarto mo?" Tanong ni Daphne.
"Hindi, dito yan sa salas para pwede mong ilatag kapag matutulog ka na. Tayo ka muna ayusin natin."sabi ni Clarence at inalis yun dati nya sofa at pinalit ang sofabed at inilatag pa kama saka nilagay yung dalawang bagong unan saka nahiga at pinag patuloy ang panonood.
Nakatayo lang si Daphne na hindi pa din makapaniwala na para pala yun sa kanya."O ano pa iniintay mo." Puna sa kanya ni Clarence at umusad pa ng konti at sumenyas na humiga na din at saka itinuon na ang mata sa t.v.
Alanganin man tumabi na din si Daphne.
Pag higa nya idinatay pa ni Clarence ang isa nitong paa sa binti nya kaya nagulat siya pero di siya pinasin ni Clarence na kangiti lang itong nakatingin sa pinanonood.
Abot abot ang kaba nararamdama nya at tila nakuryente pa siya ng mag dikit ang balat nito sa binti nya."C-Clarence thank you ha, okey lang naman kahit doon lang ako sa dating sofa mo hindi ka na sana bumili pa ng bago, nakakahiya."sabi ni Daphne na nakayuko at hindi tumitingin sa mata ni Clarence.
"Naisip ko kasi baka nahihirapan kang matulog, ako kasi nangalay likod ko nung duon ako makatulog kagabi."sabi nito na hinawakan siya sa baba para tumingin sa kanya saka ngumiti na naman.
Pakiramdam ni Daphne nanginginig ang buo nyang katawan sa pag kakatitig na yun ni Clarence at tila magnet ito na hinihigop ang lakas nya.
Nakita nya na unti unting lumalapit ang mukha nito sa kanya kaya pumikit siya.Naramdaman na lang nya ang mainit na labi nito sa labi nya at pag dilat nya nakita nya ang mukha nito na nakangiti at bigla siya nitong kinabig para ihiga, nakaunan siya sa braso nitong matipuno habang nakayakap sa kanya at parang bale wala ang nangyari at tinuon na uli ang mata sa panood.
Nagtataka man si Daphne pero nasisiyahan siya ngayon sa ayos nila habang nanonood wala siyang naintindihan sa pinapanood nya dahil ang isip nya ay nasa tabi nya bakit siya nito hinalikan at ngayon ay iniunan pa siya nito sa braso nito habang nakayakap sa kanya gusto nya itong tanungin pero minabuti nyang wag ng kumibo at i enjoy na lang ang pag kakayakap sa kanya ni Clarence.
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.