Nasa isang fast food ngayon si Daphne at Clarence kasama din nila ang apat na kaibigan nya, nang mag sipag sulputan ito kanina sa supermaket pinag titinginan na sila ng iba pang mamimili na nandoon din sa super market kaya minabuti na lang ni Clarence na yayain ito sa isang fast food na malapit lang din dun, alam nya kasi na hindi siya iiwan ng mga kaibigan.
Gustuhin man nya itong pag tabuyan alam nya hindi aalis ang mga kaibigan nya kilala nya ito sa mga kalokohan."Ehem! Ehem!"ubo ni Clay kahit wala naman siyang ubo. Naka upo na si Clarence at Daphne galing sa counter dahil sila ang umorder ng kakanin nila. Sadyang sinama ni Clarence si Daphne ayaw nyang iwan ito sa mga kaibigan na maloloko.
Nakapuwesto sa isang sulok ang apat nyang kaibigan pero kitang kita pa din nyang nag tatawanan ang mga ito ng isama nya si Daphne sa counter kanina."Daphne, mga kaibigan ko si Clay, Pj, at Pao." pakilala nya sa mga kaibigan ng nakaupo na sila.
"Hi!" isa isang bati ng mga ito mga nagsipag unahan pang makipag kamay kay Daphne.
"Ehemm! Ehemm!" si Clarence naman ang kunwari umubo para sawayin ang mga kaibigan nyang mga pasaway.
"Hi!" bati din ni Daphne.
"Bro, bakit di mo sinasabi samin na maganda pala si Daphne."sabi ni Clay kay Clarence na nasa harapan nila ni Daphne nakaupo.
"Oo nga bro."sabat ni Pao.
Nakamasid lang si Daphne na napapangiti pero namumula na ang mukha sa mga papuri ng kaibigan ni Clarence, samantalang si Clarence ni minsan hindi naman ata nakikita ang ganda nya."Kumain na nga lang kayo." sabi na lang ni Clarence.
"Daphne, kumusta naman si Clarence sa bahay?" Tanong ni CJ na na kinatigil ni Clarence sa pag subo ng pag kain at napatingin dito at saka tumingin sa katabi na si Daphne na tila nag iintay din ng isasagot ng katabi.
Tumingin naman si Daphne kay Clarence kaya nagtama ang mata nila hindi makaya ni Daphne na titigan ng ganun malapitan si Clarence kaya tumingin na lang siya kay Clay at sinagot ang tanong."Si Clarence? mabait naman siya at maasikaso." sagot nya.
"How about sa pagiging ama pwede na ba?"pilyong tanong ni Pj.
"Okey naman, actually pinamili nga nya kanina ng mga kailangan ang bata para maging healthy." sagot nya pero kay Clarence siya nakatingin gusto sana nyang marinig dito na hindi lang para sa bata kaya nya ginagawa yun kundi para din sa kanya.Pero nasaktan lang siya sa sinagot nito.
"Ofcourse! because of the child." sagot nito at nagpatuloy ng kumain.
Natapos silang kumain ng puro babae pinag usapan ng mga magkakaibigan si Clarence naman tumatawa lang sa mga ito. Hanggang sa mag uwian na ang mga kaibigan nito dahil may mga trabaho pa ang mga ito papasok na sana ang mga ito ng makita ni Pao si Clarence na papasok ng supermarket na may kasamang isang seksi at magandang babae nung una hindi nila alam na ito yun babaeng nabuntis daw ni Clarence pero ng sundan nila ito sa loob at makita na puro para sa buntis ang pinamimili nito saka lang nila napag tanto na ito yun babae at tingin nila kay Clarence mukang masaya ito sa ginagawa samantalang ang pag kakaalam nila gusto pa muna nitong makasiguro kung siya nga ang ama, kaya naisip nilang mag pakita na dito.
Sa loob ng kotse wala naman kibuan si Clarence at Daphne hanggang sa makarating ng bahay.
Kinagabihan may emergency call kay Clarence mula sa airport kinailangan ng isa pang piloto kaya kahit dayoff nya napilitan siyang pumasok.
"I Lock mo yung pinto pag alis ko baka umaga na ako dumating."sabi ni Clarence na suot na ang unipormeng pang piloto at sumakay na ng kotse.
Sa airport.
"Bro si Captain Vergara daw kasama mo." salubong ni Pj na nag aalala sa kanya.
"Wala bang iba?" tanong ni Clarence na sumama na ang mukha.
"Bro wala, kung gusto mo ako na ngayon, ikaw na lang sa eroplano ko after two hours." Suwestyon ni Pj.
"Okey lang bro, pahinga ka na kakalapag mo lang kaya ko na ito." Sabi nya dito dahil alam nyang kailangan nitong mag pahinga dahil kakatapos lang din nito at mamaya may byahe pa uli pa Cebu kaya kailangan ng pahinga.
Kaya kahit ayaw nyang makasama si Captain Vergara wala siyang choice.
Si Captai Vergara ay ang kanyang tunay ama nabuntis nito ang ina nya at iniwanan limang taon siya nuon ng mamatay ang kanyang ina naiwan lang siya sa kaibigan nito na siyang nag palaki sa kanya. Hindi nakita ng kanyang ina ang kanyang ama dahil nag abroad ito para duon mag aral ng umuwi ito pupuntahan na sana ng kanyang ina para ipakilala siya nadisgrasya naman ito nabundol ng saksakyan na siyang kinamatay nito.
Ngayon sa unang pag kakataon makakaharap nya ang kanyang ama, galit siya dito dahil pinabayaan nitong mag isa ang kanyang ina matapos buntisin at dahil dito lumaki siya sa hindi nya pamilya."Captain Carpio, concentrate! remember sayo nakasalalay ang lahat ng buhay ng pasahero mo ngayon."ma owtoridad na utos ni Captain Vergara na isa sa mga pinaka senior na piloto.
Nasa himpapawid na sila ngayon.
Buhat ng sumakay si Clarence ng eroplano at makita si Captain Vergara mainit na ang ulo nya na napansin ng Captain.
Tinignan nya lang ng masama ang Captain ng pag sabihan siya.
"What your problem Captain Carpio?" galit ng tanong nito.
Hindi naman kumikibo si Clarence.
Alam ni Clarence na masususpinde siya sa inasal nya lalo nat mas mataas sa kanya si Captain Vergara pero hindi pala nya ito kayang pakiharapan nagpipigil nga lang siya at kanina pa nya ito gustong suntukin."Captain Carpio please proceed to my office.!"utos ni Captain Vergara ng makalapag na sila at pauwi na sana si Clarence.
Walang nagawa si Clarence kundi sumunod inaasahan na niya na kakausapin siya nito."Captain Carpio what is your problem? You know the rule of being a pilot! you always think first the safety of your passenger, im very disappointed to you. Now tell me what is your problem!" tanong nito ng makapasok na sila ng opisina nadaanan pa nila si Clay at Cj na nagtatanong sa kanya ang mga mata nito pero hindi nya ito pinansin.
"My problem is you sir, Captain Vergara."diretsang sabi ni Clarence dito na kinagulat ng Captain.
"And what about me?" lalong nagalit na tanong nito kay Clarence.
"Ikaw ang problema ko, dahil nagsisisi ako dahil ikaw pa ang naging ama ko! Alam mo ang salitang responsibilidad para sa pasahero pero ang responsibilidad mo bilang ama hindi mo alam."
"What are you talking about Mr. Carpio." takang tanong ng kapitan.
"Ako ang anak nyo kay Anna Carpio na tinalukuran nyo!" sabi ni Clarence at saka tinalukuran na ito at lumabas ng opisina.

YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.