Dirediretso si Clarence na lumabas ng opisina hindi na nya kayang pigilan ang sarili na suntukin ito kaya minabuti nalang nyang talikuran si Captain Vergara.
Paglabas nya sumalubong sa kanya si Clay at Cj na nag aalala."Bro okey ka lang."tanong ni Clay kahit alam nitong hindi okey ang kaibigan.
"Tara sa Kanzi" sabi lang ni Clarence na an tinutukoy ay ang paborito nilang tambayan ang Kanzi bar, kita pa din ang galit sa mukha nito.
Sumunod naman ang dalawa.
Pag dating sa bar humingi kaagad siya ng pinaka hard na inumin at nilagok ng diretso. Humingi uli siya at sunod sunod na ininom."Wala akong paki alam kung suspendihin nya ako dapat nga sinuntok ko siya."galit pa din wika nito.
Nakikinig lang si Clay at Cj sila lang ang nandito dahil may mga trabaho pa si Pj at Pao."Bro, hinay hinay lang sa pag inom." Paalala ni Cj dahil walang patid ito sa pag inom ng alak na nasa harapan, naubos na nito ang isang laman ng isang bote na inorder nito sa counter hindi nila masabayan ito ng inom dahil alam nilang may pinag dadaanan ito.
Naiintidihan nila ang kaibigan dahil lumaki ito sa ibang tao ng mamatay ang ina nya, at dahil doon hanggang ngayon sustentado nya ang mga nagpalaki sa kanya dahil sabi ng mga ito bilang bayad sa pag papalaki sa kanya kahit na nakatapos siya ng pag aaral sa sariling pag sisikap pinag sabay nya ang pag tatrabaho at pag aaral.Lasing na lasing ng makauwi si Clarence ng bahay.
Pabalibag nyang binuksan ang pinto na kinagulat ni Daphne na natutulog sa sofa.Mabilis nya sinalubong si Clarence ng makitang susuray suray ito. Nang bigla itong sumuka pag lapit nya kaya nasukahan siya hindi na lang nya iyon ininda, pati suot nitong unipormeng pang piloto ay nasukahan din. Inalalayan nya ito sa pag lalakad at inihiga sa sofa.
Kumuha siya ng planggana na may tubig at pimbo saka pinunasan. At dahil may suka ang damit nito napilitan siyang hubarin iyon para palitan. Pag hubad nya sa pang itaas nito tumambad sa mata nya ang dibdib nito na palunok siya ng titigan nya iyon, pangalawang beses na nyang nakikita yun nuon una nung lasing siya at dalhin siya ni Clarence sa isang motel at ngayon malaya nya napagmamasdan yun dahil tulog na tulog na si Clarence. Biglang umungol si Clarence kaya natauhan si Daphne mabilis nya sinuot ang damit nito na mabuti at meron sa sampayan kung hindi matutulog ito ng nakahubad dahil naka lock ang kwarto nito.Kinabukasan.
Nagising si Clarence na masakit ang ulo dahil sa hang over, nagtaka pa siya dahil sa sofa siya nakatulog tatayo na sana siya ng makita nya si Daphne na natutulog sa sahig na may latag na twalya at ang bag nito ang ginawang unan tulog na tulog ito. Nakita nya ang unan sa sofa na ginamit nya kagabi, nakita nya din sa lamesita ang planggana na may tubig at bimpo.
Tila may kumirot sa dibdi nya ng makita nyang sa sahig ito natulog.
Mabilis nyang binuhat si Daphne at inihiga sa sofa at saka kinumutan saka siya pumasok sa kwarto nya.

YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.