#19

16 0 0
                                    

Daphne's POV.

Isang linggo na ang lumipas pero wala pa din Clarence at lumitaw. Buhat ng umalis ako ng apartment nya dito na ako uli tumuloy sa bahay namin. Natanggap naman ni Tatay at Nanay at mga kapatid ko ang nangyari sakin.

Kung hindi na daw babalik si Clarence hindi nila ako pababayaan. Mahal na mahal ako ng magulang at mga kapatid ko kaya nagsisisi ako na itinago ko pa sa kanila dati.

Paminsan minsan dinadalaw din ako ni Trisia at Hajie sa bahay buhat kasi ng mangyari yun hindi na ako lumabas ng bahay palagi na lang akong nagkukulong sa kwarto ko.
Nag aalala nga ang Nanay ko pero sabi ko okey lang ako gusto ko lang ang mag isa.

Isang umaga nagulat ako ng sabihin ni Nanay na may bisita ako, biglang lumukso ang puso ko ng maisip kong si Clarence ang bisita ko.
Pero pag labas ko ng kwarto at makita kung sino ang bisita bigla akong nanlumo.

"Max."

"Daphne, nag punta ako dito para humingi ng patawad sa lahat ng ginawa ko sayo at nandito pa din ako para sabihin sayo na handa akong panagutan kung ako ang ama ng pinagbubuntis mo."mahabang sabi ni Max.

"Max matagal na kitang pinatawad sa nagawa mo sa akin, at gusto kong malaman mo na hindi talaga ikaw ang ama ng anak ko." Diretsang sinabi ko sa kanya.

"Gusto ko pa din makasiguro." sabi pa din ni Max. Hindi ako kumibo at iniintay kung ano pa ang sasabihin nya.

"Gusto kong ipa Pratenity test ang bata para makasiguro ako."desididong  sabi ni Max.

"Ano?" Hindi ako makapaniwala dahil bakit kailangan pa yung gawin ni Max.

"Handa akong gumastos para malaman kung anak ko ba talaga yang pinag bubuntis mo, at umaasa akong anak ko yan." sabi pa nito.

"Hindi mo nga siya anak." giit ko pa din sa kanya.

"Gusto ko pa din makasiguro." Pilit pa din nito.

Dahil sa kakulitan ni Max pumayag na din akong ipa Paternity test ang bata para sa ikalilinaw nila. Pero alam ko naman sa sarili ko kung sino talaga ang ama ng anak ko.
Nasa laboratory na kami ni Max at kasalukuyang ginagawa ang Test mainam na din ito para matahimik na si Max sa kakukulit sa akin.

Hawak ko na ang result ng test hindi ko pa din binubuksan, iniisip ko kung makita kaya ito ni Clarence  bumalik siya sa akin.

"Daphne."tawag ni Max kaya natigil ako sa pag iisip.
Binuksan ko ang result hindi na ako nabigla sa resulta dahil alam ko naman na ito ang lalabas, kinuha ni Max sakin ang result at nalaglag ang panga nito sa nabasa.

Malungkot itong nag paalam sa akin.



Nandito ako ngayon sa dalampasigan pinapanood ko ang palubog na araw isang linggo na ako dito sa Batangas kung saan nakatira ang tiyahin kong kapatid ni Nanay, malapit ang bahay nila sa dagat kaya nakagawian ko na twing hapon na pumunta dito para panoorin ang pag lubog ng araw kapag hapon. Hindipa din gaanong halata ang tyan ko pero may konting umbok na ito.
Pag katapos ng Paternity test ng pinilit ni Max umuwi na ako ng bahay nuon saktong nasa bahay nuon ang tiyahin kong kapatid ni nanay.
Malapit ako dito kaya ng tanungin ako nito kung kailan ako mag babakasyon uli sa kanila mabiliss akong sumagot noong oras na yun na sasama ako sa kanya, nagulat pa sila ni nanay pero natuwa ang tiyahin ko dahil sasama ako sa kanya, nung una ayaw pang pumayag ni Tatay at nanay pero nung ipilit ko ang gusto ko wala din silang nagawa.

Pangalawang linggo na ngayon pero hindi pa din nagpapakita sakin si Clarence naisip ko nuon pag katapos ng Paternity test puntahan ito sa apartment para ipakita ang result pero nag dalawang isip ako at natakot na baka hindi na nya tanggapin ang bata at ang isipin na hindi na nya ako mahal.
Siguro nga hindi na nya ako mahal kasi ang tagal na hindi man lang nito naisip na kausapin ako. Kaya mas mainam na lumayo na lang ako para makalimot, at alam kong kakayanin kong buhayin ang anak ko dahil nasa tabi ko ang pamilya ko at ang tiyahing kong sobrang protektib sa pag bubuntis ko.

"Daphne iha, umuwi ka na at mahamog na masama sa bata yan." Sabi ni tita Gara na may dalang bandana at nilagay sa ulo ko.

"Salamat po tita." at bumalik na kami ng bahay.

Marami na din akong nakilalang kaibigan dito sa batanggas madalas nila akon yayaing gumimick lalo sa gabi minsan pinagbigyan ko sila pero hindi na naulit mas gusto ko kasing mag isa at sa dalampasigan.

One Night StandWhere stories live. Discover now