#5

33 0 0
                                    

Clarence's POV.

"Paano kung anak mo nga yun.?" sabi ni PJ ng nasa terrace ng bahay nila kaming mag kakaibigan .

"Eh paano kung hindi, di napikot pa itong kaibigan natin ng wala sa oras." sabat ni CJ.

"Paano ko ba malalaman kung anak ko nga yung bata?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Ang alam ko pwede mong ipa Prenatal Paternity test kaya lang malalaman pa iyon kapag 12 weeks na yung pag bubuntis. At dahil sabi sayo mag pa 5 weeks na siyang buntis it means kailangan mo pang mag intay ng 7 weeks para malaman kung sayo nga yung pinagbubuntis." mahabang paliwanag ni Clay dahil ito ang pinaka matanda sa kanilang mag kakaibigan marami ng itong alam dahil na din may pinsan itong doctor.

"What? seven weeks pa! wala bang iba pang paraan para malaman ko kaagad?"

"Wala na bro, yun na ang pinaka madali na alam ko para malaman mong anak mo nga yun."

"Pare magiging tatay ka na. Buska ni Cj sinabayan pa ng malakas na tawa.

"G*go!" Mura ko sa kanya.

Nung araw na lumapit sa akin ang babae na yun ng nasa coffe shop ako nagulat ako na basta basta na lang ito umupo sa harap ko at lalo akong nagulat ng may ilabas itong mga P.T sa harap ko at sabihin buntis siya at ako ang ama.
Nung una gusto kong matawa at isipin na loka loka ang babae kaya minabuti ko na lang na umalis at iwan na lang ito, pero ng hawakan nya ang braso ko para pigilan at halatang pinipigil na maiyak may kumirot sa akin puso, siguro awa sa babae. At nang sabihin nya yung tungkol sa condom doon ko naalala ang babae, tinitigan ko muna ito dahil ibang iba ang itsura nya doon sa nilapitan ko sa bar napakapal kasi ng make up nito nuong araw na yun at super sexy sa suot na damit pero ng titigan ko mabuti ang mukha nya doon ko napagtanto na iisa nga ang babae. Naalala ko ang seksing katawan ng babae kaya tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, at ng madako ako sa dibdib nya kahit naka simpleng tshirt lang ito kita mo pa din na malaki talaga  ang hinaharap nito.

Nagulat ako ng tinakpan nya ito ng bag nya at pag tingin ko sa mukha nya nakita kong masama ang tingin sa akin.

"Kung makatakip ka naman parang hindi ko pa yan nakikita at nahahawakan." pilyong sabi ko at saka ako ngumiti ng may malisya naalala ko kasi yung nangyari samin sa loob ng motel.
Oo madami akong naka ka sex na mga babae pero bukod tangi ito lang ang ako ang nagtrabaho para magising ang init ng katawan namin, yun ibang babae kasing mga naka sama ko sila ang nag tatrabaho para painitin ako, pero dito ng makita ko pa lang nuong nakahiga sa kama at pag masdan naramdaman kong may nag wala kaagad sa aking katawan.

Nang magising nga ako wala na ito sa tabi ko.
Doon ko nakita ang condom na gamit ko na naalala ko na nahulog ito sa gitna ng aming pag tatalik.
"Ay nahulog!" Sabi pa niya.
Pero dahil sa sobrang kapusukan ko na nuon oras na yun hindi ko na yun pinansin at mabilis kong ng pinasok ang sakin sa kanya.

At makalipas ang isang buwan makikita ko uli ang babaeng yun para sabihin na buntis siya at ako ang ama...

Kinabukasan.

Bago ako umalis ng apartment nakita ko na naman ang batang babae na nakasilip sa pinto sa tabi ng apartment ko.
Sa tingin ko mga seven years old ito palagi ko itong nakikita nakasilip sa pintuan twing aalis at darating ako ng apartment.

"Hi.!" bati ko sa kanya sabay kaway.

Mabilis naman itong pumasok sa loob ng apartment nila.
Natatawa nalang akong umalis na para pumunta ng airport, may schedule ako papuntang Ilocos kaya kailangan kong makarating ng maaga doon.
Suot ko ang uniporme kong pang piloto.
Pag ka park ko ng kotse nagulat pa ako ng may lumapit sa kin dalawang babae at isang beki.

"Sis, kaya mo na yan, alis na kami." Narinig kong sabi nung isang babae at mabilis itong tumakbo kasama nung beki.
Naiwan sa harap ko yung isang babae at saka ko lang nakilala ng mag salita ito naka suot kasi itong ng sombrelo kaya di ko nakikita ang mukha.

"Clarence, kung ayaw mong panagutan itong bata, hihingi na lang ako ng sustento para sa kanya." matapang nitong sabi sakin na kinabigla ko dahil sa deretsahan sabi nito.

"What? bakit ko naman susustentuhan yan, hindi nga ako sigurado kung anak ko yan." inis na sabi ko.

"Pero anak mo nga ito, sigurado ako." pamimilit pa din nya.

"Miss, wala kang mapapala sakin! excuse me." Sabi ko at tinalikuran na siya.

"Clarence, please ikaw nalang pag asa ko nag sinungaling ako sa mga magulang ko dahil umaasa sila na magiging F.A ako pero hindi ko matutupad ngayon yun kasi nabuntis mo nga ako kaya nag sinungaling ako sa kanila na kailangan ko pa munang mag traning sa manila sa loob ng 9 months pero ang totoo kailangan kong maipanganak muna itong bata para matupad ko ang pangarap nila sakin." mahaba nyang sabi kaya natigil ako sa pag lakad ko.

"And, ano naman paki ko kung magsinungaling ka sa pamilya mo"lumingon ako sa kanya ng tumigil ako sa paglakad.

"Siguro sa akin wala kang paki alam pero dito sa bata maatim mo ba na pabayaann mo na lang anak mo? Hindi ko siya kayang suportahan ngayon dahil wala akong trabaho dahil buntis ako kaya humihingi ako ng tulong sayo bilang ama ng pinagbubuntis ko."sabi pa din nya.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at tuluyan ko na siyang tinalikuran pero humabol pa din siya.

Nagmamadali akong makapasok sa loob ng airport at dahil bawal ang pumasok walang pasport at hindi epleyado sa loob hindi na ito nakasunod sa kanya.

Kinagabihan...

Palabas  na ako ng airport papuntang parking lot para kunin ang kotse para makauwi na ng apartment.
Pag lapit ko sa kotse may nakaupo sa harap ng kotse, ang babaeng makulit. Kaya gumapang na naman ang inis ko pag kakita sa babae.

Bubuksan ko na ang pinto ng kotse  para sumakay ng biglang humarang doon ang pasaway na babae.

"Ano ba problema mo miss! Hindi mo ba talaga ako tatantanan?" inis na tanong ko sa kanya kung lalaki lang ito kanina ko pa ito sinuntok.

"Please Clarence, kailangan ko talaga ng tulon mo na sustentuhan itong bata kahit siya na lang isipin mo wag na ako, please." Pagmamaka awa pa din ng babae sakin.
Pero sa halip na maawa ako lalo pa akong nainis.

"Miss Umalis ka dyan sa pinto ng kotse ko!" pautos kong sinabi sa kanya dahil pikon na pikon na ako sa pangungulit ng babaeng ito idagdag pang pagod ako sa trabaho kaya nga nagmamadali akong makauwi ng apartment ko para makapagpahinga tapos eto na naman siya para kulitin na naman ako.

"Aaahhhh! Aaaaahhh! " daing nito sabay hawak sa ulo nya.
"Ang sakit ng ulo ko, nahihilo ako." sabi pa niya.
Na halata namang umaarte lang.

"Pede ba miss, umalis ka na dyan at gusto ko ng makauwi."akala nya bebenta sakin ang arte nya.

"Aahh! Aahhh! a-ang sakit ng p-puson  ko, Aaahh!" arte pa nito sabay hawak sa tyan nya. Kanina lang ulo masakit nun hindi mabenta sakin naging tyan naman ang sumakit.

"Miss, pede ba lubayan mo na yung pag arte mo dahil hindi ako nani..ni..wala." sabi ko sa kanya pero ng makita ko itong napaupo habang hawak pa rin ang tyan nito at halos mamalipit na sa sakit at pag upo nito na pabukaka may nakita akong dugo sa gitna ng dalawa nyang hita doon ako naniwala na hindi na ito umaarte lang.
Mabilis ko siyang binuhat at sinakay sa kotse...

One Night StandWhere stories live. Discover now