Daphne's POV.
Nagising ako sa amoy na bawang na tila niluluto, bumangon ako sa pag kakahiga ko sa sofa at lalong tumitindi ang amoy ng bawang, pag tingin ko sa kusina nanduon si Clarence naka boxer short lang ito at walang suot sa itaas nakasuot ito ng apron, nag luluto siya dahil nakatalikod ito malaya ko napagmasdan ang likod nya, likod pa lang ulam na nasabi ko sa isip ko, mabilis kong sinaway ang malisyoso kong isip, naamoy ko na naman yung amoy bawang biglang umasim ang tyan ko na medyo nahihilo hindi ko mantindihan ang pakiramdam ko at pag tingin ko uli kay Clarence nakatingin na ito sa akin nakita ko sa mukha nya ang tila pag aalala lalapit sana ito sakin ng nag mamadali akong pumunta ng cr para sumuka habang sumusuka ako naramdaman kong may humihimas sa likod ko.
"Okey ka lang?" tanong ni Clarence sa tonong nag aalala.
"O-okey lang ako, sumama lang yung pakiramdam ko sa amoy ng bawang." Sabi ko sa kanya ng tapos na akong sumuka at pinupunasan ko na ang bibig ko.
"Oh! nag luto kasi ako ng fried rice kaya may bawang , hindi ko alam na ayaw mo pala ng bawang." nag aalala pa din sabi nya.
"Hindi, favorite ko nga yun bawang lalo na sa sinangag, ewan ko ba ngayon kung bakit ayoko ng amoy ng bawang siguro dahil sa buntis ako." paliwanag ko sa kanya.
Nakita ko naman na tatango tango si Clarence inalalayan nya ako hanggang sa makaupo.
"Dito ka na umupo, para maka kain ka na, nag luto na ko ng almusal natin." sabi nya at kumuha ng dalawang plato.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang ito naging mabait sakin pinag luto pa talaga ako, siguro nakunsensya dahil inaway away nya ko kahapon."O, buti na lang nag saing ako, wag ka ng mag fried rice baka sumuka ka na naman pag naamoy mo yung bawang." Pag kalagay nya ng kanin sa plato ko nilagyan nya ng itlog ham at hotdog. May nakatimpla na din na isang basong gatas. Nag tataka na talaga ako sa kinikilos ni Clarence. Habang pinaglalagay nya sa plato ko ang pag kain nakatingin lang ako sa kanya. Oo aaminin ko nasisiyahan ako sa ginagawa nya.
"Sige kumain ka na." At tumingin siya sakin napansin nya siguro ang pagtataka ko.
"Diba sabi ng doktor bawal ka munang mag kikilos kung hindi lang din kailangan, at baka makasama sa bata kaya ako na nagluto."Liwanag nya sakin. Napahiya naman ako sa sarili ko dahil masyado akong assuming na concerned siya sakin yun pala hindi ang concern nya yun bata.
"Wag mo ng ligpitin yan, ako na. Mag pahinga ka na dun." sabi nya sakin ng liligpitin ko ang pinag kainan namin.
"Magaan na trabaho lang naman ito."patuloy ko sa pag liligpit.
"Doon ka na." saka nya ako tinignan na parang ibig sabihin wag akong makulit. Ah basta ganun ang intindi ko sa tingin nya. Kaya naupo na lang ako.
Pero deep inside nung nakaupo na ako sa salas kinikilig ako. Pasimple ako ngumiti ang arte ko hehehe. Pero syempre hindi ko pinahalata sa kanya.At dahil wala akong ginagawa naiinip na ko si Clarence naman buhat ng pumasok sa kwarto pag kakain hindi na lumabas. Alas nuebe pa lang ng umaga. Kinuha ko nalang ang walis para mag linis naiinip talaga ako nagsisimula na kong mag linis siyang labas naman ni Clarence nagulat pa ito ng makita siya. Biglang na dilim ang mukha na para bang ayaw nya ng ginagawa ko.
"Sino may sabi sayong mag linis ka." Sita nya sakin.
"Naiinip kasi ako, kaya naisipan kong mag linis linis na lang."nakayuko kong sabi dahil parang may mali na naman akong nagawa sa taong ito.
"Bitiwan mo na yan, ako na lang mag lilinis nyang pag dating natin." sabi nya na hindi na galit ang mukha, yung walang emosyon kaya di ko alam ano tumatakbo sa utak nya.
Simula ng tumira ako sa bahay nya hindi ko na siya nakitang nakangiti samantalang nung nagtretraning ako sa airport at nakikita siya palagi itong naka smile at sa bar dahil nga sa ngiti nyang iyon kaya ako bumigay. Ang landi ko talaga. (Buti alam mo.) Pero ngayon hindi ko na nakikita palagi na lang galit."Natin? Aalis tayo? Bakit di ako na orient?" dinaan ko sa biro dahil kinakabahan ako.
"Mag gogrosarry ako wala ng stock dito sa bahay, at dahil sabi mo naiinip ka sumama ka na lang."
"Sasama ako?" taka ko talagang tanong sa kanya.
"Oo nga kaya mag bihis ka na." Ganun nga ang ginawa ko nag bihis na.
"Daphne kailangan mo nito diba?" tanong n Clarence habang hawak ang gatas na pang buntis.
"Ha? Ah, eh." hindi na ako nakasagot dahil siya din ang sumagot kanina pa ako nag tataka ang sabi nya mag gogrosarry daw siya ng gamit sa bahay dahil wala ng stock sa bahay kaso lahat ng kinukuha nya ngayon puro para sa pag bubuntis ko. Mga prutas dahil kailangan ko daw yun mga babasahin tungkol sa pag bubuntis kung ano ano pang pag kain na puro sakin daw tapos ngayon gatas naman.
(Para sa bata yun, wag assuming.)"Kunin na natin." Sabay lagay nya sa cart ng gatas na pang buntis.
"Bro!" Tawag ng isang lalaki kay Clarence sabay kami lumingon.
Nakangiti ito ng malapad habang lumalapit para bang tuwang tuwa samin ni Clarence." Nice Couples bro!" sabi nito ng makalapit na samin na hindi pa din nawawala ang pag kakangiti.
"CJ, Cj Alvarez... Daphne? am i rigth?"pakilala nito sa akin at bakit kilala ako nito.
"Yes, bakit alam mo pangalan ko?"tanong ko dito.
Mag sasalita na sana si Cj ng biglang mag salita si Clarence."Bro, sino kasama mo?" tanong ni Clarence kaya di na nasagot ni Cj ang tanong ko.
"Kami!" sabay sabay na sabi ni PJ, Pao at Clay na biglang lumitaw malalapad ang ngiti ng mga ito parang si Cj lang kanina.
Napahawak nalang sa noo nya si Clarence ng makita ang mga kaibigan.
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.