Clarence's POV.
Nagising ako sa tumutunog kong phone ng sagutin ko ito si PJ kailangan ko daw pumasok dahil gusto akong kausapin ni Captain Vergara asap kaya kahit ayokong harapin ito bilang mas mataas ito sakin kailangan ko itong sundin.
Pag tingin ko sa tabi ko nakita ko ang tulog na tulog na si Daphne, dito nga pala ako natulog kagabi. Tumayo ako para maligo ng hindi namalayan ni Daphne na tulog na tulog ayoko din naman siyang istorbohin sa pag tulog dahil maaga pa.
Paalis na sana ako ng hindi ko matiis na hindi muna humalik sa kanya, dampi lang sana ang halik na gagawin ko pero ng malapat ang labi ko sa labi nya hindi ko natiis na hindi tagalan kaya nagising ito.
Nakita ko ang pag ka gulat sa mukha nya at pamumula ng mukha nito.
Ayoko na sanang pumasok noon parang mas gusto kong matulog na lang katabi nito, pero bigla kong naalala ang sabi ni PJ na kailangan kong pumasok at baka maapektuhan ang trabaho ko.
Kaya mabigat man sa loob ko lumabas ng bahay at iwan si Daphne.Sa airport.
"Pasok ka na sa loob kanina pa nag iintay si Captain Vergara."sabi ni PJ ng makita nya ito sa labas ng opisina ng Kapitan.
"Good morning Captain Vergara." Matabang na bati nya dito.
"Please be sit down."
"Im sorry hindi ko alam na anak kita, and im sorry sa nanyari kay Ann sa ina mo. Masyado pa kaming bata noon ng mabuntis si Ann dahil sa hindi pa ako handa at bata pa minabuti kong pumayag sa mga magulang ko na nuon na mag aral sa amerika wala silang alam noon na nakabuntis ako ng babae kaya ng nakakuha ako ng pag kakataon para tumakas sa iyong ina umalis ako papuntang amerika, mula noon wala na akong balita sa kanya. At alam kong mali yung desisyon ko na iyon masyado pa akong bata nuon fourteen years old lang ako nuon."mahabang kwento nito nanatili lang akong hindi kumikibo.
"Hindi ko alam na ikaw yung anak ko at hindi ko alam na namatay na pala si Ann, im very sorry sa nangyari sayo at sa ina mo. Alam kong may pag kukulang ako kaya hindi kita masisi na magtanim ka ng galit sakin."patuloy nito.
Naintindihan ko ang paliwanag nya kaya medyo nabawasan ang galit ko sa kanya. Naisip ko si Daphne na parang ang nangyari samin ng aking ina ang nangyayari dito pag kakaiba lang namin ni Captain Vergara ako handa kong panagutan ang bata hindi katulad nya na natakot sa responsibilidad siguro nga masyado pa siyang bata noon at kita ko ngayon ang tapat na pag sisi nito kaya sino ba ako para hindi ito patawarin.Nag yakap kami at tinapik tapik ang likod ko habang nakayakapa pa din sakin.
"Im proud of you son." Sabi pa nito sa akin.
Lumabas ako ng opisina nito na ang gaan ng loob, ang sarap palang mag patawad ilang taon kong dinala sa dibdib ko ang galit na iyon pero ngayon ang gaan na ng pakiramdam ko.
"Bro, parang di na nawawala ang ngiti dyan sa mata mo.?" sabi ni Pao ng mag kita kita sila sa loob ng airport at dahil mga nag iintay pa sila pare pareho ng flight nakapag kwentuhan pa sila.
"Syempre okey na sila ni Captain Vergara." Pj
"Hindi, iba yung ngiti nya ngayon parang inlove. Kamusta na kayo ni Daphne?" Panloloko ni Pao.
"Sira ulo!" Sabi ko sa kanila at tumayo na at inayos na ang gamit ko.
"Oy Clarence saan ka pupunta mamaya pa alis mo kwentuhan muna tayo tungkol kay Daphne." Panunukso pa ni Pao na tawa ng tawa.
Hindi ko sila pinansin at iniwan na sila alam kong hindi na naman nila ako tatantanan.Alas sais palang ng gabi pauwi na sana ako ng pakiusapan ako ni Captain Diaz na mag subtitute sa kanyang flight dahil nanganak ang asawa nito kaya kailangan umuwi ng bahay. At dahil ako lang ang bakante ng oras na yun no choice ako, kahit gustong gusto ko ng makauwi ng bahay.
Saktong alas dose ng gabi ng makabalik, nag mamadali akong makauwi ng bahay.
Sigurado akong tulog na si Daphne pero nagulat pa ako ng makita itong natutulog sa sofa nakasandal lang at hindi inilatag.
Hindi ko napigilan na hindi ito halikan, sa twing makikita ko itong natutulog hindi ko mapigil na hindi halikan ang labi nito.
Lumapit ako at hinalikan ang mapupula nitong labi na kinagulat nito kaya nagising ito. Nangiti ako sa reaksyon nyang iyon.Pag katapos namin kumain dahil gusto ko pa siyang makasama minabuti kong manood muna ng t.v sa salas inilatag ko ang sofabed nang tanungin nya ako.
"Wala ka pa bang balak mgpahinga sa kwarto mo."
Sinadya kong palungkutin ang mukha ko para sabihin sa kanya na.
"Parang tinatamad na akong pumasok sa kwarto ko, pwede bang dito na lang ako matulog sa tabi mo."
Nung una akala ko hindi siya papayag pero ng mahiga na ako at mag tulog tulugan tumabi na siya sakin di ko mapigil na hindi siya yakapin ."I love you Daphne." Tumingin lang siya sa akin mukang nagulat at di makapaniwala sa sinabi ko kaya inulit ko .
"I love you.""I Love you Clarence."
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.