#18

16 0 0
                                    

"Trish diba si Max yun?" Turo ni Hajie  na nanlalaki ang mata sa paparating na lalaki .

"Oo nga noh? ano ginagawa nya dito.?"irap ni Trissia ng malapit na si Max sa kanila.

"Nasaan si Daphne?"maangas na tanong nito sa dalawa.

"Malay ko! Hindi naman kami tanungan ng nawawala."matapang na sagot ni Trisia at saka inirapan ito.

"Alam kong alam nyo kung nasaan si Daphne." sabi ni Max na mukang naiirita na.

"Halimbawa mang alam namin sa tingin mo sasabihin namin sayo? hmmmp! Tse!"matapang din sabi ni Hajie at inirapan din ito.

"Kahit hindi nyo sabihin, mahahanap ko pa din ang kaibigan nyo.!" Sabi ni Max na aalis dahil alam nyang hindi mag sasalita ang dalawang kaibigan ni Daphne dahil kilala nya ang mga ito, nagbaka sakali lang siya na nandoon si Daphne ngayon.

"Mahanap mo din siya, huli ka na kasi buntis na siya at may bago na siyang boyfriend piloto! Hindi mo katulad na walang ambisyon sa buhay!"sigaw ni Hajie na galit na galit.

"Buntis si Daphne? ilang buwan na?" tanong n Max na natigil sa pag alis sa narinig.

"Patay!" Trisia na kanina pa pinipigilan si Hajie sa sinasabi pero dirediretso ang bibig ng bakla. Napatakip naman sa bibig si Hajie ng mapag tanto ang mga nasabi nya.
Sa bibig pa mismo nya lumabas lahat ng impormasyon tungkol kay Daphne.

Pero dahil hindi naman sasagot ang dalawa minabuti na lang ni Max ang umalis na kahit papaano may nalaman siya tungkol kay Daphne.
Nang malaman nyang buntis ito bigla may naisip siya kaya kailangan nyang makita si Daphne para ito tanungin mismo ang tanungin.

"Hon, kailangan ba na pumunta uli tayo sa bahay.?" tanong ni Daphne habang nagbibihis. Niyaya kasi siya ni Clarence sa kanila para ipagtapat na sa mga magulang nya ang sitwasyon niya at handa naman nya itong panagutan.

"Oo hon, mas mainam na yung wala tayong tinatago sa mga magulang mo." sagot ni Clarence na kanina pa siya iniintay sa salas.


Samantala si Max dahil desidido makita si Daphne dahil sa gumugulo sa isipan nito nag desisyon na pumunta ito sa bahay nila Daphne.
Pag baba ni Max sa sasakyan nya nakita na nya si Daphne sa loob ng bahay ng mga magulang nito at may katabing isang lalaki dahil nakapwesto ito sa may pintuan ng bahay kaya nakita nya kaagad.

Mabilis siyang lumapit sa mga ito at tila nagulat si Daphne ng makita siya.

"Max." sambit ni Daphne na nagulat sa pag dating nito. Napatingin din dito si Clarence pati ang mga magulang at mga kapatid nya na nagulat din dahil dire diretso itong pumasok ng bahay.

"Daphne, totoo ba na buntis ka? Ako ba ang ama?" Bigla kagad nitong tanong na kinagulat ng lahat.

"H-ha? O-oo, pero hindi ikaw ang ama." sagot ni Daphne na tumingin sa mga magulang at kapatid para sabihin na mamaya siya mag papaliwanag dito pero kita sa mga mukha nito ang pag tataka. Pag tingin nya kay Clarence seryoso na ang mukha nito na masama ang tingin sa kanya.

"Sigurado ka? Kung ako ang ama ng dinadala mo handa kitang panagutan Daphne." sabi pa din ni Max. Naguguluhan na si Daphne dahil hindi nya alam kung sino ang una nitong kakausapin si Max na kung ano ano ang sinasabi, o ang mga magulang at mga kapatid nya na gulat na gulat na nalamang buntis ako o si Clarence na ang sama sama ng tingin sa akin.

Nagulat nalang ako ng bumagsak si Max at nakitang palabas na ng bahay namin si Clarence.

"Clarence! sandali, mag papaliwanag ako." Habol ni Daphne na puno na ng luha ang mukha nito sa kakaiyak.
Mabilis naman sumakay ng kotse si Clarence at pinaharurot ang sasakyan.
Pumara kaagad si Daphne ng taxi para sundan si Clarence.

"Clarence buksan mo ang pinto mag papaliwanag ako." Pakiusap ni Daphne sa labas ng kwarto ni Clarence, dahil may sarili siyang susi ng apartment kahit inilock yun ni Clarence nakapasok pa din siya pero sa kwarto ng i lock yun ni Clarence hindi na siya nakapasok.

"Umalis ka na!" sigaw ni Clarence.

"Clarence ikaw ang totoong ama ng anak ko maniwala ka naman sa akin." pagmamakaawa pa din niya habang katok pa din ng katok sa pintuan.

Nagulat pa si Daphne ng biglang bumukas ang pinto.

"Clarence naniniwala ka na?"luhaang tanong ni Daphne ng makita nyang lumabas ito pero nagulat siya ng ihitsa sa mukha nya ang mga damit nya.

"Kailan yung araw na may nangyari sa inyo ng lalaking yun! "galit na tanong ni Clarence.

"Nuong bago tayo magkita sa bar."

"Put*ng!"mura ni Clarence sabay sabunot sa buhok nya.

"Pero Clarence sigurado akong ikaw ang ama nito dahil dinatnan ako pag katapos ng may mang yari samin, maniwala ka please."paliwanag ni Daphne.

"Kailangan pag balik ko ng bahay ko wala ka na dito!" Galit na sabi ni Clarence at saka umalis.

Naiwang umiiyak si Daphne minabuti nyang umuwi na muna sa kanila para mag paliwanag din sa mga magulang nya.

"Anak bakit hindi mo sinabi samin nung una pa lang, maiintindihan ka naman namin."sabi ng nanay nya matapos nyang ikwento ang lahat pati na kung bakit sila nanduon kanina ni Clarence para sana sabihin na sa kanila ang totoo dahil yun ang gusto ni Clarence, bigla lang sumulpot si Max.

Si Max na una nyang naging boyfriend patago lang yun tanging si Hajie at Trisia ang nakakaalam na may boyfriend siya, madalas silang mag kita noon sa bahay ni Hajie ayaw ni Trisia at Hajie dito pero dahil mahal nya si Max noon pinakisamahan din nila ito para kay Daphn.
Pero matapos na may mangyari sa kanila bihira na ito mag pakita sa kanya at nalaman na lang ni Daphne na may iba na itong girlfriend at ang masakit pa nakita pa mismo ng sarili nyang mga mata ang panloloko nito. Isang linggo ding iyak ng iyak nuon si Daphne hindi nawala sa tabi nya ang dalawang kaibigan at laking pasalamat ni Daphne ng makalipas ang isang linggo dinatnan siya ng buwanang dalaw nya. Nakahinga siya ng maluwag nuon at dahil doon niyaya siya ng dalawa nyang kaibigang lumabas at mag saya nung una tinanggihan nya ang mga ito pero ng sumunod na linggo hindi na pumayag ang mga ito na hindi siya papayag kaya wala siyang nagawa kundi sumama, nagulat pa siya ng sa isang bar siya dalhin ng mga kaibigan.
First time nyang makapunta sa ganun lugar nung una ayaw nya sabi nya uuwi na lang siya pero hindi pumayag ang dalawa.Nang bigyan na siya ng mga ito ng maiinum nung una tinangihan nya pero dahil sa pamimilit nila tinikman nya yun, hanggang sa nagtagal siya pa ang humihingi. Marami silang nainum ng gabing iyon nakatulog na nga ang dalawa nyang kaibigan sa kalasingan pero siya hilong hilo na din ng mga oras na yun. Nagulat na lang si Daphne ng may nakatayo sa harap nyang isang anghel este mukang anghel lang sa gwapo kahit lasing at hilong hilo siya kilala nya ang lalaki na sa harap nya na kay tamis ng ngiti sa mga labi nito na lalong nag pahilo sa kanya. Paanong hindi nya makikilala ang mukhang iyon eh araw araw nya yun nakikita sa airport.
Super crush nya yun kahit boyfriend pa nya nuon si Max, buo na araw nya makita nya lang ang mukha na yun.
At ngg lumapit ito at may binulong dahil sa epekto ng alak sumama siya at di na nakkapag isip ng tama.





One Night StandWhere stories live. Discover now