#17

9 0 0
                                    

Clarence's POV.


"Hon kelan natin ipapa Prenatal Paternity test ang baby.?" tanong ko ni Daphne ng nakahiga na kami sa kwarto.

"Hon, diba sabi ko hindi na kailangan yun, naniniwala ako sayo na anak ko yan."sabi ko sabay himas at kiss sa tyan nya.

"I love you Clarence."

"I love you more ."sabay halik ko sa noo nya.


"Bro, delayed daw fligth mo ng 3 hours." Sabi ni Pj.

"Sigurado ka?" Masayang tanong ko.

"Bro ikaw lang ang nakita kong mag iintay sa loob ng tatlong oras na masaya pa." Takang sabi ni CJ ng makitang nakangiti at masaya sa nangyari si Clarence.

"Kasi, ngayon ang checkup ni Daphne, sige mauna na muna ako."sagot ko sa kanila at tinalikuran na sila para pumunta sa Ospital kung saan nanduon ang clinic ng Obgyne ni Daphne. Narinig ko pa ang malalakas na tawanan ng dalawa ng papalayo na ako.
Ngayon kasi ang ultrasound nito para makita ang baby sa loob ng tyan nito. Natapat na may pasok ako kaya hindi ako nakasama pero sinabi ko naman na kapag makakapag paalam ako darating ako, ayoko din kasi palampasin ang pag kakataon na makita ang baby namin sa unang pag kakataon kahit sa monitor lang.

"Tapos na?" Nadismaya kong tanong ng dumating ako ng ospital at nakita ka si Daphne na nakahiga at ang doktor nya kasama ang isang nurse habang nasa harap ng monitor pakiramdam ko late na ako at nagawa na nila ang ultra sound.
Sabay sabay tumingin sakin ang tatlo daig ko pa ang nalugi sa itsura ko, halos pa paliparin ko na ang kotse ko makaabot lang ako.

"Hon! Buti nakarating ka." Nakangiting bati ni Daphne sakin.

"Mr. Carpio sakto dating mo lumapit ka na dito ng masimulan na natin."nakangiti ding sabi ng doktor.

Nagliwanag ang mukha ko sa narinig ko. At unti unti sumilay ang ngiti sa mga labi ko, mabilis akong lumapit sa kanila mula sa pintuang kinatatayuan ko.

"Buti pala umabot ako."sabi ko sabay hawak sa kamay ni Daphne na ngayon ay nakahiga na sa bed at sinisimulan na ni dok unti unti kong nakita ang itsura ng bata sa monitor ng sinimulan ng i ultrasound ang tyan ni Daphne, hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ng mga oras na yun titig na titig ako sa monitor na hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko pag tingin ko kay Daphne nakangiti din itong nakatingin sa monitor pinisil ko ang kamay nya na hawak hawak ko kaya tumingin siya sakin nginitian ko siya anong saya ang nararamdaman ko ng oras na yun.
Saktong 12 weeks na ngayon at pwede ng ipa Paternity test pero sinabi ko kay Daphne na hindi na kailangan yun. Mahal ko si Daphne alam kong ganun din siya sakin kasama ng pag mamahal ko ang pag titiwala ko sa kanya.

Pag katapos namin sa ospital dumaan na muna kami ni Daphne sa restaurant para kumain pag katapos hinatid ko na siya saa apartment dahil dalawang oras at kalahati na ang nakakalipas kailangan ko ng makabalik sa airport.

"Oh eto na pala ang supportive husband and soon to be father." Pangbubuska ni Cj ng makita akong dumating.

"Kelan ba ang kasalan? dugton pa ni PJ na tawa ng tawa.

"Ako na naman ang nakita nyo."sabi ko sa kanila na hindi nawawala ang ngiti sa mukha ko. Tinawanan ko na lang sila sa pambubuska nila sanay na ako na lagi nilang nakikita para asarin.

"Bro pupunta kami mamaya ng tropa sa Kanzie ano game?" yaya ni Clay ng inaayos ko na ang gamit ko.

"Pass muna ko ngayon bro, nangako ako kay Daphne na uuwi ako ng maaga." Sagot ko ng di tumitingin.

"Good boy na?" Singit ni Pao at tumawa ng malakas.

"Si Captain Carpio takot kay Daphne.!" singit pa ni Clay saka sinabayan ng malakas na tawa.

"Mga g*go!"naiiling kong mura sa kanila.

"Bro, may bago daw sa Kanzie ngayon hayup daw ang katawan at batang bata." Pang hihikayat ni Cj.

"Sige sayo na."

"Wow! Ang laki ng impluwensya ni Daphne sayo, dati nakikipag unahan ka pa sakin sa babae." di makapaniwalang sabi ni Cj.

"Dati yun. O Paano mga dude may flight pa ako ngayon pa Tacloban iwan ko na kayo dyan." Sabi ko at iniwan sila na mukang mga nalugi at mga hindi makapaniwala dahil hindi nila ako makakasama mamaya pagpunta sa Kanzie.

Hindi ko sila masisi na ganun ang mga maging reaksyon dahil dati ako pa itong nag yaya sa kanila at unang nakaka alam kapag may bagong sexy at magandang babae noon yun pero ng makita ko si Daphne nuon sa bar parang ayoko na ng iba.
Oo iba ang dating sakin ni Daphne madami na akong natikmang babae pero iba si Daphne.
Nang magising nga ako nuon sa motel na wala na ito sa tabi ko laking hinayang ko dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan nito.
May pag kakataon pa nga na may kasama akong ibang babae pero nasa isip ko ang babaeng dinala ko nuon sa motel ang laki ng impact sakin ni Daphne .Kaya ng  may bigla na lang sumulpot nuon sa harapan kong isang magandang babae na parang pamilyar sakin ang mukha at sabihin na buntis siya at ako ang ama laking gulat ko nuong una nanghinayang pa ako sa babae dahil naisip kong baliw ang babae ang ganda pa naman pero ng sabihin nya ang tungkol sa Condom duon ko napag tanto na ang babaeng lagi kong iniisip na nakasama ko sa motel at ang babaeng kaharap ko ngayon ay iisa.
May saya akong naramdaman nung oras na yun pero ng maisip ko ang sinabi nya na buntis siya at ako ang ama bigla kong naisip paano kung niloloko ako nito at paano akong makakasiguro na anak ko nga ang pinagbubuntis nya.Paano kung sakin lang nya pinaako ang bata dahil ayaw panagutan ng totoong nakabuntis dito, bumaba ang tingin ko sa babae may mga babae pala na ganunn na kayang manloko ng kapwa nang hinayang ako sa kanya, tinalikuran ko ito at iniwan.
Akala ko yun na huling pagkikita  namin pero bigla na naman itong sumulpot isang araw at humihingi nalang ng suustento para sa bata lalo kong naisip na niloloko lang ako nito at pineperahan lalo akong nanghinayang sa kanya. Iiwan ko na sana siya ng bigla itong duguin dali dali ko siyang dinala ng ospital doon ko napatunayan na buntis nga ito.
Nung ihatid ko siya sa kaibigan nya hindi ko maintidihan ang sarili ko dahil di ko maatim na hayaan doon kaya sinama ko siyang umuwi.
Pinilit kong labanan ang nararamdaman ko para sa kanya,pag umuuwi ako ng bahay lagi akong galit at sinisigawan siya para maalis kung ano man yung nararamdaman ko para sa kanya,pero habang kasama ko siya sa bahay mas lalo ko syang minamahal.


One Night StandWhere stories live. Discover now