Clarences POV.
Iniwan ko sa bahay si Daphne at sinabi na pag balik ko ayokong makita pa siya.
Dumiretso ako sa isang bar at nilunod ang sarili sa alak.
Nagulat ako ng may biglang dumating na lalaki nuon sa bahay ng mga magulang ni Daphne at mas lalo akong nagulat ng tanungin nito si Daphne kung anak ba niya ang pinagbubuntis ni Daphne.
Bigla nanariwa sa isip ko nung unang beses na sabihin ni Daphne sakin na buntis siya, naisip ko nuon baka ayaw lang itong panagutan ng nakabuntis sa kanya kaya sa akin pinaako ang bata.
Bigla pumasok sa isip ko na niloko ako ni Daphne.Pakiramdam ko nagago ako ni Daphne pati na ng lalaking ito kaya mabilis ko itong sinuntok sa galit ko at saka umalis dahil baka ano pa masabi kon masakit kay Daphne.
Nakitang kong sumusunod si Daphne kaya mabilis kong pinaharurot ang kotse ko nakita ko sa side mirror na sumakay siya ng kotse at sumunod sakin.
Ayoko na munang makita ang mukha nya dahil ang inosente nyang mukha ay hindi pala totoo dahil nakuha nitong mag sinungaling sa akin.
Hindi ko na PinaPaternity test ang bata dahil may tiwala ako sa sinabi nya, pero ngayon meron umaako sa pagiging ama sa bata, ibang usapan na yun.Pag uwi ko ng apartment kahit sinabi ko dito na ayokong makita na siya pag balik ko, umaasa pa din akong nandoon pa din siya pero pag bukas ko ng pinto tahimik at wala na akong nakitang Daphne.
Ilang araw din akong walang ginawa kundi uminom sa loob ng bahay hindi ako lumalabas, panay tawag na nila Cj pero ni isa sa kanila wala akong sinagot na tawag. Hindi naman nila magawang pumunta ng apartmet ko dahil hindi nila ito alam ni minsan hindi pa sila napupunta dito.
"Kuya pogi." narinig kong may tumatawag na boses bata pero hindi ko yun pinansin, tinungga ko uli ang isa pang beer in can na kinuha ko sa ref.
Panay tunog din ng phone ko pero hindi ko pinapansin.
Naramdaman kong may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Kuya pogi."tawag sakin ng pumasok pag kita ko ang batang babaeng kapitbahay ko.
"A-ano ginagawa mo dito.?"tanong ko.
"Kuya pogi hindi kasi kita nakikitang lumabas para pumasok sa trabaho mo kaya nag alala ako na may sakit ka."sabi nito at hinipo pa ang noo ko.
"Kuya pogi wala ka naman sakit, bakit nag iinom ka?" Tanong nito na akala mong matandang tao na.
"Gusto kong makalimot."
"Kuya pogi si ate ganda ba gusto mong kalimutan?" tanong uli sakin ng makulit na bata.
Hindi ko siya sinagot sa halip nilagok uli ang beer na nasa tabi ko."Kuya pogi, tama na yan!"Sabi uli ng nito at pilit pang inaagaw ang beer in can na hawak ko.
"Umuwi ka na, at baka hinahanap ka na sa nyo." sabi ko dito dahil nakukulitan na ako.
"Nag paalam po ako kay mommy ko na pupuntahan kayo dito ." Tingin ko hindi ako mananalo sa kadaldalan ng bata na ito.
Biglang tumunog ang phone ko tinignan ko lang yun at hindi sinagot tinuon ko sa iniinum kong beer at hindi na lang pinansin ang bata kung ayaw nyang umalis.
"Hello po! Opo nandito po siya, kapitbahay po ako ni kuya pogi. Opo pupunta po siya." sabi ng makulit na bata sa kausap nya sa phone ko na pinaki alaman nitong sagutin.
"Bakit mo sinagot? at bakit mo sinabing pupunta ako.?" Gusto ko man mainis sa bata pero ayokong pahalata dahil bata lang ito.
"Kasi kuya pogi siya daw si Captain Vergara kapag hindi ka pa daw po mag rereport hanggang bukas aalisin ka na daw bilang isang piloto." sabi nito akala mo talaga hindi bata kausap ko.
"O paano kuya pogi ligpitin na natin itong mga kalat mo kasi ang dami ng kalat at maligo ka na din po kasi ang baho nyo na din." Sabi pa din nitong bata na makulit at sobrang daldal.
"Sige, sige lilinisin ko na bahay ko at maliligo. sige umuwi ka na." sabi ko dito.
"Tutulungan ko na lang po kayong mag linis." sabi pa din ng makulit na bata habang sinisimulan ng ligpitin ang mga kalat ko sa kwarto.
Sa tingin ko hindi ako mananalo sa batang ito kaya hinayaan na lang siya.
Wala akong nagawa kundi linisin ang bahay at pag katapos naligo na din ako. Pag labas ko ng kwarto akala ko wala na ang makulit na bata , nagulat pa ako ng makita ito sa salas ko na nakadekwatro pa habang iniintay ang pag labas ko. "Ayan kuya pogi mukang ang bango mo na hindi katulad kanina na ang baho baho mo."sabi nito sabay ngiwi at pahid sa ilong nya."Bakit di ka pa umuuwi, gabi na."sabi ko dito.
"Umuwi na ko kanina nung naligo ka, bumalik lang ako kasi dinala ko yun."sabi nito sabay turo sa pag kain na nasa lamesa.
Pag tingin ko dito wala na ito at nakasilip na ito sa may pintuan ko.
"Good nigth kuya pogi, kumain ka na at matulog maaga pa pasok mo bukas iniintay ka ng Captain nyo." Sabi nito at mabilis ng umalis pauwi sa kanila.
Natatawa na lang akong naiwan, ang kulit na bata pero nakakatuwa.
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.