Pag dating namin sa apartment ni Clarence.
"Manang bakit nakasabit pa din itong karatula kung wala na palang bakante." Tanong ni Clarence sa may ari ng buong apartment ng dumating kami dito.
"Naku Clarence pasensya ka na kahapon lang nag hakot yung bagong lipat na uupa dyan, nakalimutan kong tanggalin yan karatula." hingi ng paumanhin ng matanda.
"Sige po manang, salamat nalang po."saka siya tumingin sa akin.
"Paano na ngayon yan?" Tanong ko sa kanya.
Nag kibit balikat lang ito at saka nag salita."Dito ka muna sa apartment ko." sabi ni Clarence at pumasok na sa loob ng apartment, wala akong nagawa kundi sumunod na lang.
Bago ako pumasok nakita ko ang isang bata babae sa katabing pinto ng apartment ni Clarence na kasilip ito at nakatingin samin."Hello!" Bati ko dito dahil ang cute nito pero bigla itong pumasok sa loob.
Kaya pumasok na din ako sa loob ng apartment ni Clarence.Maganda pala ito sa loob at Malinis ito, napansin ko na konti lang ang gamit.
"Saan ang kwarto ko?" Tanong kay Clarence at lumapit ako sa isang pinto na baka iyon ang kwarto ko.
"Kwarto ko yan.!" Iritang pigil sakin ni Clarence ng pipihitin ko na sana ang doorknob para makapasok.
"Ah siguro ito." Sabay baling ko sa isang kwarto na katabi ng kwarto nya pero pag pihit ko para buksan nakalock ito.
"Bawal kang pumasok sa kwartong yan! nakalock yan para walang makapasok kaya wag mong susubukan pumasok."
"Paano akon papasok eh nakalock nga." Bulong ko.
"Ano?"
"Wala! ah siguro ito na ang kwarto ko" sabi ko sa isa pang pinto na malapit din sa kwarto nya.
mabilis ko itong binuksan at natuwa ako dahil hindi ako pinigilan ni Clarence."Sige kung gusto mo na iyan ang kwarto mo di sige." Sabi niya na natatawa pa.
Pag bukas ko ng pinto nadismaya ako dahil c.r pala yun. Nakita ko na tawa ng tawa si Clarence inirapan ko lang siya."Kung ganun, saan ako matutulog? Alangan naman mag kasama tayo sa kwarto mo."
"Ayokong may pumapasok na iba sa kwarto ko?"
"Saan ako matutulog?"
Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nakita kong nakatingin siya sa sofa na nasa salas ng bahay.
Nakuha ko ang ibig nyang sabihin."Doon ako matutulog?" Di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Oo bakit,ayaw mo?"
"Hindi gusto ko, okey lang ako dito kasya naman ako." sabi ko sa kanya ng pumunta ako sa sofa at nahiga pa dito at feeling komportable sa pag kakahiga.
Baka kasi kung mareklamo pa ako
magbago pa ang isip nito at paalis ako sa bahay nya."Hindi porket pinatira kita dito ibig sabihin naniniwala na ako ang ama ng pinagbubuntis mo. Patitirahin kita dito sa loob ng 7weeks, sabi mo 5weeks na ang bata, sa ika 12weeks mo pwede ka ng mag Prenatal Paternity Test doon malalaman kung ako nga ang ama ng bata saka palang ako mag dedesisyon kung ano makakabuti sa bata.
Patitirahin kita dito sa bahay ko dahil hindi din naman kaya ng konsensya ko na may masamang mangyari sa bata."mahabang sabi ni Clarence."At yun sa pangangailangan ng bata nga pala anu ano yun?"
"Ah kailangan kong regular mag pacheck up sa doktor para masiguro na healty ang baby sa tyan ko. Kailangan ko ng vitamins para sa baby. "
"Yun lang?"
"Saka masusustanyang pag kain ko.?" Sabi ko na kina kunot ng noo nya.
"At bakit pati pag kain mo sagutin ko?"
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.