Daphne's POV.
Pag tingin ko sa tabi ko tulog na tulog na si Clarence nakatulog na ito sa panood. At dahil gabi na din inioff ko na ang t.v at natulog na din. Bago ako pumikit pinagmasdan ko muna ang maamong mukha ni Clarence doon ko napatunayan na kung noon ay super crush ko ito ngayon ay mahal ko na ito. At kung ano man ang ibig sabihin ng halik at mga yakap nito kanina tatanggapin ko makasama ko lang siya. Dahil hindi ko na ata kakayanin kung hindi ko ito makakasama araw araw. Humiga na ako sa tabi nito hindi na ako sa braso nito nahiga dahil baka mangawit ito nagulat pa ako pag higa ko ng yumakap ito sa bewang ko pag tingin ko sa mukha nito natutulog pa din.
Nakatulog kami na nakayakap siya sakin.
Nagulat nalang ako ng may dumampi sa labi ko pag dilat ng mata ko nakita ko ang nakangiting mukha ni Clarence na mukang kakaligo lang at nakabihis na ng pang piloto."Papasok ka?" Alanganing tanong ko.
"Oo, tinawagan ako ni Pj kailangan ko daw mag report ng maaga ngayon." Sabi nito.
"Kumain ka na ba? Sana ginising mo ko para napag luto kita."
"Hindi na sa airport nalang ako mag bre breakfast. Ayokong istorbohin pag tulog mo kaso mukang naistorbo ko din." Pilyong sabi nito na ang tinutukoy ay ang ng halikan nya ito.
"Alis na ako, uwi din ako kaagad pag katapos, matulog ka na uli."sabi niya sakin at saka humalik sa noo ko at nakita ko na naman ang ngiti sa labi nito.
"Ingat ka." Sabi ko ng palabas na siya ng pinto.
Gustuhin ko mang matulog pa dahil alas singko palang ng umaga hindi naman ako makatulog na dahil kinikilig pa din ako. Buhat ng malasing siya nung isang gabi ganun na pakitungo sakin ni Clarence. Ayoko naman mag tanong sa kanya kung ano ba estado naming dalawa ayoko siyang pangunahan. Basta masaya ako ngayon sa kinikilos nito.
Masaya akong naglinis ng bahay na pakanta kanta pa. Nang mag gagabi na iniintay ko na ang pag dating ni Clarence nakaluto na din ako ng hapunan alam kong pagod si Clarence pag uwi.
Alas onse na ng gabi wala pa din si Clarence nag aalala na ako dahil hating gabi na hindi pa din ito dumarating , bigla kong naisip baka nagkayayaan silang mag babarkada at tila may kumirot sa isang bahagi ng dibdib ko ng maisip kong may kasama itong babae, wala naman akong karapatan para mag selos dahil wala naman kaming relasyon nito kundi ama lang ng pinagbubuntis ko ang dami pang gumugulo sa isip ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na ako sa sofa habang nakasandal lang dito kakaintay sa kanya.Nagising nalang akong may dumapi sa labi ko at pag dilat ko mukha na naman ni Clarence ang nakita ko.
"Clarence."sambit ko.
"Bat hindi mo ito inilatag.?"tanong nito sakin na ang tinutukoy ay ang sofabed.
"Iniintay kasi kita hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako."
"Sorry, full kasi flight ngayon kaya napasabak ako hanggang gabi bumawi na din ako dahil sa hindi ko pag pasok kahapon."paliwanag nito sakin kaya nabaliwala na lahat ng hinala ko kanina.
"Kumain ka na ba.?"
"Hindi pa nga."malungkot na sagot nito sakin."ikaw kumain ka na?"
"Hindi pa din, teka init ko yung ulam."
"Hindi ka pa kumakain? Sorry ha kakaintay mo sakin pati si baby ginutom na."malambing na sabi nya sabay yakap nito sa bewang ko habang nakatalikod sa kanya.
"Next time kakain ka na, wag kang mag papalipas ng gutom okey."sabi nito ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito sa tenga ko na kinataas ng balahibo ko dahil para na naman akong nakuryente sa ginagawa nito.
"Opo."sabi ko nalang at nag handa ng lamesa. At pumasok na siya ng kwarto nya para mag palit ng damit. Nang lumabas ito saktong nakahain na ako.
Pag katapos namin kumain, nag bukas na muna ito ng t.v para mag pahinga.
Nakita kong inilatag nito ang sofa bed at saka naupo dito at nanood ng t.v."Wala ka pa bang balak mag pahinga sa kwarto mo?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakahiga na at komportableng nanonood pa kahit dis oras na ng gabi.
"Parang tinatamad na akong pumasok sa kwarto ko, pwede ba na dito nalang uli ako matulog." Sabi niya sakin sabay inioff ang t.v at akmang matutulog na saka pinikit ang mga mata. Halatang nag tutulog tulugan lang ito dahil kumukurap pa ang mata.
"Tumayo ka nga dyan, pumasok ka na sa kwarto mo."
"Dito na lang uli ako matutulog please." pinalungkot pa nito ang mata pumayag lang ako.
Naiiling akong tumabi na lang dito.
Pag ka higa ko nagulat ako ng yakapin ako nito."Akala ko ba matutulog ka na."
"Oo nga, gusto ko nakayakap sayo."
"Wow ha!"
"Gusto mo din naman."pilyong sabi nito at saka tumawa.
Hinampas ko lang siya sa braso."I Love you Daphne." bulong nito sa tenga ko habang nakayakap pa din ito sa bewang ko. Nagulat ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa mata nya.
"I Love you."ulit nya sakin.
"I love you too Clarence."

YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.