"Ibig mong sabihin sa bahay mo na nakatira yung babaeng ina ng anak mo?" Tanong ni CJ nang magkuwento si Clarence ng nangyari sa kanila ni Daphne kagabi, nandito sila ngayon sa sa isang coffe shop na mag kakaibigan pare pareho pa silang bakante sa trabaho kaya naisipan nilang mag palipas oras dito dahil mamaya may kanya kanya na naman silang flight.
"Hindi ko nga matiis yung bata."
"Yung bata ba talaga o yun ina ng bata." Buska ni clay habang tumatawa.
"Sira ulo!"
"Ayaw mo nun may nag aasikaso sayo may taga luto ka ng pag kain mo." sabi ni PJ.
"Hindi ako sanay ng may nag aasikaso sakin at nag tatanong kung anong oras ako uuwi!" inis na kwento ni Clarence sa mga kaibigan nya.
"Eh di masanay ka na.!" si Pao na tawa ng tawa kaya nakitawa na din yun tatlo.
"Bro mainam nga yun hindi mo nakailangan pumunta ng bar para mag hunting ng chicks kasi kasama mo na sa loob ng bahay mo.!" pambubuska pa din ni Clay.
"Oo nga, pag dating mo sa gabi may mag mamasahe na sayo mapapawi ang pagod mo ." sabi pa ni CJ at sinabayan ng tawa.
"Mga sira ulo!"
tawanan lang ang apat habang naiiling iling si Clarence sa mga kaibigan nya puro kalokohan.
Niyaya nya ang mga ito para payuhan siya, wala palang gagawin ang mga ito kundi buskahin siya."O paano bro, hiwa hiwalay na muna uli." sabi ni Clarence sa mga kaibigan na mga pauwi na din, gabi na nuon at tapos na ang trabaho.
"Si Clarence excited umuwi ng bahay kasi may nag iintay." Buska pa din ni Cj.
"Wait for me Daphe." sulsol pa ni Clay na inartehan pa pag kakabigkas kaya nag tawanan na naman.
"Mga g*ago!" sigaw ni Clarence sa mga kaibigan, maghapon na siyang tinutukso nito kay Daphne hanggang ngayon ba naman pauwi na hindi pa din siya tinatantanan.
Pag pasok ni Clarence ng bahay natingin siya kagad sa sofa nandoon si Daphne at tulog na tulog.
Pinag masdan nya ito habang nakahiga dahil naka short lang ito at tshirt kita ang mapuputi at bilugang nitong legs at saka tumingin sa dibdib na kahit naka tshirt bakat pa din ang dalawa nandun, biglang uminit ang pakiramdam nya at pakiramdam nya may nag wawala sa kanya napahawak siya sa alaga nya para pakalmahin pero lalo lang iyon nagalit.
nagulat siya ng bigla kumilos si Daphne nag alala siya baka magising ito kaya mabilis siya pumunta ng kwarto.Pero bago siya pumasok may nakita siya sa lamesa na naka agaw ng pansin sa kanya.
May sticky note na nakadikit sa food cover sa ibabaw ng lamesa kinuha nya at binasa.In case na hindi ka pa nag di dinner. 😉
Nilingon nya si Daphne na natutulog at pag katapos pumasok na siya sa kwarto. Dineadma na lang nya yung pag kain.
Naiinis na naman siya pakiramdam nya kung umasta ito akala mo asawa nya. Pero habang papasok siya ng kwarto nya nangiti siya, hindi nya alam kung para saan ang ngiti nyang iyon.Kinabukasan...
"Nasan yung mga damit ko sa laundry basket?" Inis na tanong ni Clarence.
"Nakasampay, nilabhan ko kasi kahapon. Mamaya paplantsahin ko na." kaswal na sagot ni Dahpne.
"Bakit mo pinaki alaman diba sinabi ko sayo wag mong pakiki alaman yung mga personal kong gamit." sigaw nito kay kay Daphne.
"Wala kasi akong magawa kahapon, kaya nung makita ko yung damit mo sa laundry basket mo dinamay ko ng labhan." kinakabahan sagot ni Daphne dahil alam nyang galit ito ngayon nya lang ito nakitang galit.
"Sa susunod wag mong pakiki alaman ang gamit ko." galit pa din nitong sabi.
"Nilabhan ko lang naman, ano masama doon? Dapat nga mag pasalamat ka pa sakin dahil malinis na yung damit mo."
"Mag pasalamat sayo! Wow bilib din naman ako sa hiya mo, ako na nag magandang loob sayo na patirahin ka dito sa bahay ko ng libre pati pag kain kahit hindi naman kita kilala, tapos ako pa ang mag papasalamat sayo. Ang tindi mo din." galit ng sabi ni Clarence.
"Oo alam kong nakikitira lang ako, nakiki kain kaya nga ginagawa ko lahat dito sa bahay maglinis ng bahay mo, ipagluto ka at labhan ang damit mo para sa ganun paraan mabayaran ko yung mga tinutulong mo sakin. Alam ko naman kung ano ako dito sa bahay mo kaya di mo na kailangan ipamukha sakin." Sigaw din ni Daphne siya na nga nag magandang loob na labhan ang mga damit siya pa lumabas na masama, mangiyak ngiyak na siya.
"Wag mo akong sinisigawan sa sarili kong pamamahay!" galit na sabi ni Clarence na halos mag salubong na kilay sa galit.
"Wag mo din a-akong s-sig.....Aaaaahhh! Ang sakit." daing ni Daphne habang hawak ang tyan at pag tingin ni Clarence sa may gitnang hita nito may dugo mabilis nya itong binuhat at tinakbo ng ospital.
"Misis diba sabi ko iwasan nyo ang ma i stress at sumama ang loob, kung sino man yang nag bibigay ng stress at sama ng loob sa inyo layuan mo kasi sa susunod na mag bleeding ka uli dulot ng stress hindi ko matitiyak sa iyo kung maagapan pa natin ang baby nyo. Sa ngayon kailangan mo munang mag full rest wag munang mag kikilos kung hindi naman kailangan bibigyan kita ng gamot na pang pakapit sa baby. At higit sa lahat layuan mo ang stress.
Sa labas ng clinic ng doctor ni Daphne rinig na rinig ni Clarence ang mga sinabi ng doktor.
Pag labas ni Daphne ng clinic sinalubong siya ni Clarence at inalalayan.
"Sorry." Bulong ni Clarence sa tenga ni Daphne.
Tila nakuryente si Daphne ng maramdaman nya ang init ng hininga ni Clarence sa tenga nya ng itoy bumulong. Buti na lang inaalalayan siya nito kung hindi kanina pa siya natumba dahil nanghihina siya dulot ng ginawa nito.
Pag dating sa sasakyan wala silang kibuan pero napapansin ni Daphne na patingin tingin sa kanya si Clarence na parang may gustong sabihin.
Pinikit na lang nya ang mata nya, ayaw nyang mahulog lalo ang loob nya kay Clarence dahil alam nyang masasaktan lang siya dahil hindi siya nito mahal."Mainit lang ang ulo ko kanina, sorry sa nangyari, mag pahinga ka na" sabi uli ni Clarence ng nasa bahay na sila at dumiretso na ito sa kwarto nya.
Ngumiti lang si Daphne at kinilig pero mabilis nya ding inawat ang sarili dahil hindi naman sa kanya nag alala si Clarence kundi sa bata. Ayaw nyang bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi nito.
YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.