#6

22 0 0
                                    

Daphne's POV.

Sa Ospital...

Wala akong kibo ng matapos akong check up-in ng doktor.
Narinig ko ng tawagin ng doktor si Clarence na nakaupo lang habang iniintay sa sasabihin ng Doktor.

"Mister lumapit ka dito, okey na ang baby nyo kaya wag na kayong mag alala."sabi ng doktor lumapit naman si Clarence sa doktor na kasalukuyan kinakausap na ako.

"Natural lang yung pang bleeding nya lalo na't na i istress ang mother, siguro sumama ang loob mo o napagod ka kaya ka na stress na naging dahilan ng bleeding kaya iwasan mong ma pagod, ma stress at sumama ang loob at dapat kumain ka ng masusustanyang pag kain. nakakaapekto na kasi sa bata yung nararamdaman ng  ina kaya bawal ang sumama ang loob. Kaya mag ingat na sa susunod kasi maselan ang pag bubuntis mo dahil first baby." mahaban paliwanag ng doktor. Seryoso namang nakikinig si Clarence at tatango tango pa, pa minsan minsan tumitingin siya sakin, yuyuko naman ako para hindi mag tama ang mata namin.
Naisip ko hindi ko talaga ito mahihingan ng tulong para suportahan ang pag bubuntis ko kaya iisip na lang ako ng ibang paraan paano tutustusan ang anak kong pinang bubuntis.
Maliit pa naman ang tyan ko at hindi pa halata kaya mag trabaho muna ako para maka ipon.
Naputol lang ang pag iisip ko ng mag salita uli ang doktor.

"Misis, pede ka ng lumabas pero mag ingat na sa susunod at inumin mo yun mga nireseta kong gamot para sayo at sa baby at meron din sa pang pakapit ng bata, iwasan din ma stress." Sabi ng doktor sakin na tango lang ako ng tango. Ngumiti lng ako ng bahagya at nag paalam na sa doktor..

Pag labas ko ng ospital okupado pa din ang isip ko sa pag iisip kung paano ko sa loob ng siyam na buwan.

"Paano kang uuwi?" Tanong ni Clarence sakin na kinagulat ko pa ang buong akala ko kasi umalis na ito at iniwan na ako kaya nagulat pa ako ng mag salita ito sa may likuran ko.

"Mag tataxi na lang ako."matamlay kong sagot sa kanya, hindi na ako mag aaksayang pilitin pa itong suportahan ang pag bubuntis ko. Nang may dumaang taxi kaagad ko itong pinara pero may sakay pala ito.

"Sumakay ka na ihahatid na kita." Sabi ni Clarence, tumingin lang ako sa kanya at nakita kong binuksan ang pintuan ng kotse at pinasakay ako.
Dahil sa nag offer na ito ihatid ako at walang dumadaang taxi pumayag nna ko.

"Saan ang inyo?" tanong ni Clarence ng nasa loob na kami pareho ng sasakyan.

"Sa pangalawang kanto mo na lang ako ibaba sa bahay ng kaibigan ko, hindi kasi ako pwedeng umuwi samin ang alam kasi nila nasa manila na ako at nag tetraning." Walang gana kong sagot sa kanya.

Nang makarating kami pinag buksan pa nya ako ng pinto ng kotse.
Gusto kong kiligin pero pinigilan ko isasantabi ko muna ang pag papantasya ko sa lalaking ito.
Uunahin ko muna isipin ang kapakanan ng anak ko kesa sa sarili kong kaligayahan.

"Salamat sa pag hatid." pasalamat ko dito ng makalabas ng sasakyan.

"Saan ang bahay ng kaibigan mo?"

"Sa looban pa." sabay turo ko papasok sa isang makipot na daan.

"Okey lang ba dito itong sasakyan ko?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya, na ibig sabihin bakit?

"Hahatid na kita hanggang sa bahay ng kaibigan mo."

"Okey lang yan dyan." Sabi ko at nag lakad na ako at sumunod siya sakin.

Bago marating ang bahay ni Hajie kailangan pang dumaan sa makipot na iskinita at kahit gabi na ang dami pa ding tao sa labas ng lugar.
May nadaanan kaming mga kabataang nagkukuwentuhan, tapos may nag iinuman mga kalalakihan.

Pag dating namin sa bahay ni Hajie nagulat pa ito ng makita kung sino ang nasa likod ko.
Natigil pa ang pag lalambingan nilang mag jowa dahil sa pag dating namin.

"Bakit ngayon ka lang girl.? kanina pa ako nag aalala sayo." Tanong ngg kaibigan ko.

"Paran hindi naman." biro ko dito dahil hindi naman halatang nag aalala dahil busy sa boyfriend nya. Sabay tawa ko....syepre biro lang yun alam ko naman na mahal ako ng kaibigan ko ito, kaya nga kahit madami na akong na meet na mga kaibigan sila pa din ni Trisia ang kasa kasama ko kasi sila yung matatawag mo talagang mga totoong kaibigan.

"Hmmp! Kami na naman ng baby Rex ko nakita mo. Kumain ka na nga pala eto yung ulam mo." Sabay angat ng takip sa isang plato na nasa lamesa ang laman ay dalawang inihaw na isaw ng manok at isang paa ng manok.

Maliit lang ang inuupahan bahay ni Hajie pag pasok mo nanduon na ang tulugan at kainan isang maliit lang na kwarto kung tutuusin.

Naalala ko na nasa likod ko nga pala si Clarence inalok ko itong umupo.

"Umupo ka muna, pasensya ka na iyan lang upuan dito." Sabi ko sabay bigay ng isang stool na upuan.

"Hinamak mo pa talaga yung gamit ko!" kunwari nag tatampong si Hajie.
Tinawanan ko lang siya.

"Ay lintek! na ipis na ito pumasyal na naman sa mansion ko.!" maarteng sabi ni Hajie sabay kuha ng istepen nya para paluin ang ipis na gumagapang sa may kalanan. Natatawa akong pinagmamasdan ito kung paano patayin ang kawawang ipis.

"Ay naku eto pa isa."tili pa nito habang hinahampas ito malapit naman sa platuhan.
Naiiling lang ako panoorin ito.

Kinuha ko ang isang inihaw na isaw ng manok kakagatin ko na sana ito ng biglang hawakan ni  Clarence ang kamay ko.
Kumunot ang noo ko at nagtaka.

"Ayusin mo na gamit mo."

"Bakit?" takang tanong ko pa din.

"Hindi healthy para sa bata na dito siya lumaki. may bakante pang apartment doon sa inuupahan ko"bulong nya sakin para hindi marinig ni Hajie.

"Talaga, kaso wala akong pang babayad sa apartment."

"Ako ng bahala. sige na ayusin mo na gamit mo." utos ni Clarence sakin.

Dali dali kong kinuha ang bag ko na may damit ko at mabilis na nag pa alam at nag pasalamat kay Hajie.

"Girl, mag tetext ka pag may problema ka, isang text mo lang dadating kami ni Trisia." Madramang sabi ng bakla kong kaibigan.

"Makapag bilin ka naman parang
sa malayo ako pupunta. sige na at baka mainip si Clarence mag bago pa isip at iwan ako."paalam ko at yumakap na ako saka pumasok sa loob ng sasakyan...

One Night StandWhere stories live. Discover now