#4

23 0 0
                                    

"Kelan ka naman mag uumpisa Daphne?" tanong ni nanay sakin nang mag simula na kaming kumain.

"H-ho? Ah eh, mag te traning pa daw po kami sa manila bago kami mag umpisa." pag sisinungaling ko.
Sorry po sa loob loob ko.

"Diba nag traning na kayo dito sa airport satin bakit kailangan mag traning uli sa manila.?" Tanong uli ni nanay.

"Ah eh talaga pong ganun iyon po ang policy." Policy ka dyan.

"Ilang buwan ka naman daw mag te traning doon sa manila?" tatay.

"N-nine months."


"Hay naku Trisia,  Hajie guiltyng guilty ako sa pag sisinungaling ko sa pamilya ko. ayoko silang lokohin pero ayoko din naman silang ma disappoint dahil nabuntis ako."Sabi ko ng nasa bahay uli kami ni Hajie, sila lang ang mga kaibigan ko alam kong mapag kakatiwalaan kaya open ako sa kanila lahat ng nangyayari sa akin ganun din naman sila open din sakin.

Tinawagan ko sila dahil gusto ko ng makakausap para mailabas ko ang nasa dibdib ko para kasi akong sasabog.
Plano ko matapos kong ipanganak ang bata saka ko ipag papatuloy ang pag F.A ko iyon din naman ang sinabi ng supervisor ko. Akala ko nuon masungit ito pero ito pa ang nag payo sakin kapag nakapanganak ako pwede ko ipag patuloy ang trabaho ko.
Hindi ko na lang sinabi sa kanya ang problema ko sa ama ng anak ko...

"Eh kung umamin ka na kaya sa kanila na buntis ka." sabi ni Trisia na nakataas pa ang paa sa pag kakaupo sa sofa.

"Sino papakilala kong ama ng anak ko eh ayaw ngang maniwala ni Clarence na anak nya ito...Eh kung si Rex na lang kaya ang mag panggap na ama ng anak ko sa pamilya ko." Sabi ko sabay hawak sa braso ng boyfriend ni Hajie. Mabilis naman itong hinablot sakin ni Hajie.

"Excuse me! This is mine.!" Iritang sabi ni Hajie sabay irap sakin at yakap sa boyfriend nito.
Natawa naman kami ni Trisia.

"Joke!" sabi ko sabay senyas ng peace sign habang tawa ako ng tawa.

"Paano kang mabubuhay sa manila kung wala ka namang trabaho dahil buntis ka nga. Kung humingi ka kaya ng sustento kay Clarence para sa inyo ng anak mo." Suwestyon ni Trisia.

"Oo nga pwede yun, kung ayaw nyang panagutan ang baby nyo, humingi ka na lang ng sustento." Hajie.

"Kilalanin ngang kanya itong pinag bubuntis ko ayaw maniwala tapos hihingan ko ng sustento mukang malabo yun."

"Basta kailangan mo siyang pilitin. Sasamahan ka namin." sabi ni Trisia at Hajie habang yakap yakap siya.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga kaibigan kong laging nasa tabi ko para damayan ako.

One Night StandWhere stories live. Discover now