Makalipas ang isang buwan.
"Paano ngayon ang gagawin mo Daphne." nag aalalang tanong sakin ni Trisia nandito kami ngayon sa bahay ng kaibigan namin si Hajie na isang binabae.
"Yun nga problema ko, umaasa ang pamilya ko na magiging isa akong F.A kaso bumagsak ako sa medical dahil nalaman na buntis ako at ang mahirap pa nito wala akong ipakikilala sa mga magulang kong ama ng anak ko."
"Paanong wala di ba ang ama nyan si Clarence!" Singit ni hajie.
"Oo, pero hindi naman nya alam."
"Di sabihin mo!" Hajie na problemado na din sa nangyari sakin.
"Oo nga sis, mas makakabuti kung ipaalam mo sa ama ng anak mo na yan." Trisia na nag aalala din sa kalagayan ko.
Nag paalam ako sa kanila para hanapin si Clarence. At mukang sinuswerte ako nakita ko siya sa isang coffe shop ng umagang yun mag isa lang siya kaya dali dali akong umupo sa upuang nasa harap nya, nagulat ito kaya tinignan ako.
Alanganin pa akong ngumiti sa kanya ng mag kaharap na kami.
Kita ko sa mata nya ang pag tataka.May kinuha ako sa loob ng bag ko at inilapag sa lamesa ang apat na klase ng iba ibang Pregnancy test.
Kita ko ang panlalaki ng mata ni Clarence dahil sa pag tataka."Eto lahat ng result positive kaya walang duda na buntis ako." mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya pinilit kong wag gumaralgal ang boses ko at wag tumulo ang luha ko.
"And so? miss ano naman pakialam ko dyan sa pregnancy test mo bakit mo pinakikita sakin.?" iritang sabi ni Clarence nawala ang ngiti sa mukha nito at napalitan ng pag ka inis.
Nabigla ako sa sinabi nya kaya matapang kong sinabi sa kanya."Oo wala kang paki alam sa mga pregnancy test na yan pero sa laman ng tyan ko may paki alam ka kasi ikaw ang ama nito?" matapang kong sinabi sa kanya.
Kitang kita ko ang pag kagulat na naman sa mukha nya at ang inis sa mata nya. Nag seryoso na din ang mukha nya ibang iba sa Clarence na laging nakangiti na nakikita ko araw araw sa airport."Miss, are you joking? Paano akong magiging ama nyang pinag bubuntis mo ngayon lang kita nakita, ano yun tingin ko lang nabuntis na kita kaagad." halata na ang pag kainis ni Clarence kaya tumayo na ito para umalis sana ng hawakan ko ang braso nya para pigilan.
"Teka Clarence! hindi mo ba ako natatandaan ako yung babae sa bar last month ago. Dinala mo ako sa isang motel remember? " paliwanag ko sa kanya. Sana lang maalala nya ako.
Kumunot ang noo nya at nag salubong ang kilay nya tila nag iisip.
"Sorry miss pero hindi talaga kita matandaan." akmang aalis na uli.
"Remember the condom? yung nahulog habang n-nag a-ano t-tayo."nag kakanda utal kong sabi sa kanya, ang hirap kayang sabihin yung words na yun kapag kaharap siya halos mamula na ang mukha ko ng masabi ko yun. Hindi nga ako makapaniwala na pumayag ako sumama dito noon at may nangyari samin at ang masakit ang may mabuo pa.
Bigla akong tinitigan ni Clarence sa mukha pakiramdam ko pulang pula na pisngi ko kasi nararamdam ko na nag iinit na mukha ko.
"Ikaw yun?" Parang duda pa din na tanong nya sakin.
"O-oo!"
Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at huminto ang mata nya sa dalawa kong dibdib naka tshirt lang akong white at pants pero dahil malaki talaga ang hinaharap ko kahit naka tshirt ako pansin pa din ito.
Tinakpan ko ng dala kong bag ang tinitignan nya at tinignan siya ng masama."Kung maka takip ka naman parang hindi ko pa yan nakikita at nahawakan." pilyong sabi ni Clarence at ngumiti ng may malisya.
Inirapan ko siya."Okey nanduon na ako may nangyari satin paano naman ako makakasiguro na buntis ka nga.!" Sabi nito at umupo uli kaya naupo na din ako.
"Eto nga yun P.T ko positive lahat."
"Malay ko kung pina ihian mo lang yan sa iba."
"Bakit ko naman gagawin yun? "
"Para pikutin ako, kita mo nga at alam mo pangalan ko pano kung stalker pala kita."
"Kilala kita kasi iisa lang ang pinagtatrabahuhan natin, F.A na sana ako this time kaso naudlot pa dahil buntis ako."
" Kasalanan ko? And paano naman ako makakasiguro na ako nga ang ama ng pinag bubuntis mo baka sa iba yan tapos sakin mo ipapaako."
"Hindi ako ganong babae, sigurado akong sayo ito."determinado kong sabi sa kanya. "Nag kataon lang na lasing na lasing ako at kakainis kasi yun ngiti mo nuon oras na yun hindi ko alam bakit bigla na lang ako sumama sayo." patuloy ko.
Nagulat ako ng bigla nalang siya tumayo para umalis na.
"Clarence, paano na? tanong ko ng mag simula na itong mag lakad.
"Patunayan mo muna na aking nga yan.!" tumigil siya sandali at nilingon ako at pag kasabi tuloy tuloy na siyang umalis.
naiwan akong nakatanga.Umuwi na muna ako ng bahay alam kong nag iintay na mga magulang at mga kapatid ko. Alam nilang ngayon ang resulta kung magiging F.A na ba ako.
Malayo pa lang ako tanaw ko na ang daming tao sa labas ng bahay namin nandoon ang mga kapitbahay namin.
Narinig ko pang pinagmamalaki ako ng tatay ko sa aming mga kapitbahay."Eto na pala ang anak kong Flight Stewerdes." pagmamalaki ng tatay ko sa mga kapitbahay namin.
"Mang Daniel ang swerte nyo talaga sa anak nyong si Daphne, hindi katulad ng anak kong ito nag pabuntis lang sa nobyo." Sabi ni aling Petring na kapitbahay nila habang pingot pingot sa tenga ang anak na nabuntis.
Lalong akong kinabahan hindi ko pwedeng biguin ang mga magulang ko . Nagulat pa ako ng akbayan ako ng tatay ko para akayin papanik ng bahay namin.
Pag pasok ko ng bahay sumalubong sakin ang aking nanay at ang tatlong kapatid kong puro lalake at ang bunso naming kapatid na babae.
Nagulat ako ng may pumutok at sumabog sakin na mga confeti."Welcome sa kauna unahang Fligth stewerdes ng Bario Pag asa!" sabay sabay na sigaw nilang lahat.
may banner pa sila na may nakasulat na PROUD KAMI SAYO DAPHNE
ANG KAUNA UNAHANG FLIGHT STEWERDES NG BARIO PAG - ASA.Doon ko napatunayan na hindi ko dapat biguin ang pamilya ko, kung maibabalik ko lang ang oras na yun hindi ako pupunta ng bar na yun para mag lasing.
"Anak kumusta, ano resulta positive ba?" tanong ng tatay nya na ngayon ay kaharap na nya sa lamesa nakaupo na din ang nanay ko pati mga kapatid ko, dahil sa okupado ng pag iisip ang utak ko hindi ko namalayang magkakaharap na pala kami sa hapag kainan, pag tingin ko sa lamesa namin madaming nakahandang pag kain mukang pinaghandaan talaga ng pamilya ko.
"Ano anak, positive?" excited uling tanong ni tatay at ang mga mukha ng nanay ko at mga kapatid mga nakangiting nag iintay ng sagot ko. Lahat sila sa akin nakatingin.
"O-opo! P-positive."sagot ko na ang iniisip kong positive, positive na buntis ako pero ang pamilya ko ang pag kakaintindi sa positive, positive ang result na F.A na nga ako. Kaya naguguilty ako.
"Yeheey!" sabay sabay na sigaw nila at isa isa silang lumapit sakin para yakapin at batiin.
Nakangiti na nakangiwi lang ako sa kanila. Yun parang maiiyak ah basta imagine-in nyo na lang hirap ipaliwanag kung ano itsura ko ng oras na ito.
Lalo akong na guilty sa kaligayahan nila para sa akin.

YOU ARE READING
One Night Stand
RomanceSa buhay minsan hindi natin maiiwasan ang mag kakamali ang importante matuto natin itong tanggapin at harapin. Ipaglaban natin hangga't alam natin na ito ang makakabuti.