HOSHI'S POV"So kumusta naman moment with Heartuu mo?" tanong ni Hao.
"Wow. Parang ikaw walang moment with crush ahh pero eeeee bat pinaalala mo pa."
"Hala. Kalantod. Oh ano dali kwento mo na."
"So eto nga...."
"So the leaders are Kwon Soonyoung for Dance team. Choi Seungcheol for Rap Team and Lee Jihoon for Vocal team." Pumalakpak naman silang lahat. Di pa rin ako makaget over na kasama kong leader si Heartuuu hihi.
"Okay so dismiss na kayo. You can now proceed to your rooms. Leaders maiwan kayo."
Mga fifteen minutes siguro kaming kinausap ng advisers. I'm in charge of the choreography. Like omg I'm so proud of myself. After the meeting nauna na si Seungcheol samin ni Jihoon kasi daw may dadaanan pa sya. Kami nalang ni Heartuu magkasama. Magkaklase kami ni Heartuu btw. Kaso di kami ganong close kasi first time ko pa lang syang maging classmate.
Habang naglalakad kami sobrang tahimik pa rin. Ang awkward. Naa-awkwardan ako. Like si Heaurtuu to. Omg.
"Uhmm woozi." ❤❤❤ Nikikilig talaga akoooo.
"Hmm?" Shet pati ba naman simpleng sagot kinikilig parin ako tf.
"A-ano matagal ka na sa club diba? Mahirap ba?" 2 years na kasi si woozi sa club. Dun ko nga sya nakilala actually.
"Sa umpisa oo. Kasi may times na stressful may times na okay lang. Pero masasanay karin. Kaya mo yan. Ang galing mo kaya sumayaw." Shet guys. PINURI NYA KO GUYS. HOW TO CHILL YOUR FEELS.
"Di naman. Hehe. Sakto lang noh." I'm so shy. Why are you doing this to me Jihoon?
"Wag ka nga." Sabi naman nya sabay tawa. Ang cute nyaaaaa. My cutieee heartuu. Umupo na sya sa upuan nya. Hayy. Sana lang mapansin mo ko at ang nararamdaman ko para sayo.
"Sus para un lang kinilig ka na. Napaka casual kaya." Panira talaga tong si Hao kahit kailan.
Isang hampas na naman ang inabot nya sakin. "Kainis ka. Bat di mo nalang ako suportahan huh. Ang bad mo."
"Grabe. Totoo lang naman kasi ung sinasabi ko."
"Oo na sige na."
-----------------------------/////
Umagang umaga nagpatawag ng meeting si sir Doogi. Kailangan daw naming maghanda ng performance. 1 month from now namin sya ipeperform. Namili lang sya ng 13 members na kasali sa performance which is ako, si Hao, Jun, Dino, Wonwoo, Seungcheol, Mingyu, Vernon, Seungkwan, Joshua, Jeonghan, Seokmin at Jihoon.
"Okay guys. Woozi ikaw na bahala sa paggawa ng kanta. Kami naman ng rap team magdadagdag ng rap lyrics at si Hoshi at Minghao ang bahala sa choreography." Sabi ni Seungcheol. "Next week dapat may nagawa na tayong lyrics at song tapos Woozi ibibigay mo kay Hoshi ung nagawa mo para magawan na nila ng choreo. Okay yun lang muna. Meeting adjourned."
Fast forward. 1 week later.
Nandito ako ngayon sa dance studio. Hinihintay ko dumating si Heartuu. Hihi. Ngayon kasi nya ibibigay sakin ung kanta at lyrics.
Maya maya bumukas na ung pinto. "Hoshi eto na." sabi nya sabay abot sakin ng CD. "Sige una na ko."
"Teka lang Woozi." Napatigil naman sya sa paglalakad at lumingon sakin. "Bakit?"
"Ahh wala." Ano ba soonyoung! bat kasi pinigilan mo pang umalis wala ka namang sasabihin.
Tinanguan nya nalang ako tapos umalis na sya. Umupo naman ako at pinakinggan ung kanta.
~These days I have a lot of thoughts
These days I have so much of to tell you
I feel weird, I'm not talking as much
My friends are all worried
My heart races only when I'm in front of you
So I'm sorry for my clumsy actions
I still can't control it
Please don't play with me
Why are you keeping a front?
I don't know I don't know what will happen~Relate na relate ako sa kantang ginawa nya. I can't explain what I feel pag andyan sya. Hiyang hiya ako pag kasama ko sya. At feeling ko mamamatay ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
~So what I mean is, I want to know all of you
I'll sing for you, I'll sing for you
Even if my lips are dry, I need to say this baby
I adore you, I adore you, enough to get dizzy
Adore you~I really adore you Jihoon. Naaalala ko pa nung una ko syang naging crush.
"Hoshi dalian mo magsisimula na " performance ng mga taga music club." Sabi sakin ni Hao sabay hila. Jusko andaming tao dun wala din naman kaming makikita.
"Dito na lang tayo sa gilid. Para medyo kita natin."
Medyo kita daw ee halos 2 tao lang nakikita ko dito. =____=
Ung isa maliit with a pink hair ung isa naman magilagid na mukhang maangas."Ghad!!! Hoshi! Ang galing ng crush ko. Omg fafa Jun!!" kaya naman pala gustong manuod. Isa pala sa sumasayaw ung crush nya. Hayy pinanuod ko nalang ung dalawan taong nakikita ko. Mainly dun sa pink haired guy. Ang galing nyang sumayaw. Cutiee pie pero ang hot nyang magbody roll. Shocks nagfafanboy na ko.
"So guys we are from the music club. We're inviting you to join our club. Those who love singing and dancing, you guys can join our club. Actually our member here, Woozi, can also sing." Sabi nung magilagid nagsigawan naman ung mga tao at pinipilit si pink haired guy, which is Woozi, na kumanta.
"Okay. This song is by Up Dharma Down..."
"Omg Hoshi kanta ng one of your most favorite singers!!" Sabi sakin ni Hao. yeah. Fave ko nga Up Dharma.
"And this song is Indak." Oh. My. Gosh. Fave song ko.
~Tayong dalawa lamang ang nakakaalam ngunit di na matanto kung sino nga ba ang pagbibigyan ko.
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo.
Iindak na nga lang ba sa tibok ng puso mo at aasahan kong di mo na lamang aapakan ang aking mga paa.
Pipikit nalamang at magsasaya habang nalulungkot ka.
Pipikit na lamang at magsasaya habang nalulungkot ka.~Shet. Napakaganda ng boses. Ang gwapo at cute nya lalo pag kumakanta sya. Sana maharana nya ko ng ganyan. Omg. Shet.
"Hoy natulala ka na dyan. Yieeeee crush mo noh. Yiieee" pang aasar sakin ni Hao.
"Hoy. Di ah."
"Yieee aminin na kaseeeee."
"Hindi nga. Gwapo lang ung boses."
"Wushuuu. Tara sumali besh. Para makasama natin ung crush mo at crush ko. Hihi"
"Ayy malantod."
"Sigeee naaaa."
"Fine fine."
So yun isa rin sa dahilan kung bakit kami sumali ni Hao. Nung una todo tanggi talaga akong crush ko sya. Pero sa tuwing nakikita ko sya o kaya magkakasalubong kami sa Hallway kinikilig ako. Kaya ayun hihi.
After kong magawan ng steps ung first part ng chorus naisipan ko na ring umuwi.
Nakita ko pa si Heartuuu sa hintayan ng jeep nung pauwi ako. Hihi. Inspired pa rin tuloy ako kahit pauwi na. 😍😍😍😍
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Meet [SOONHOON&MINKWAN]
Fanfiction"Mahal kita" "Sorry. Pero kaibigan lang talaga. May mahahanap ka rin na makapagbabalik nyan" "Tangina pwend, lumubog ship natin. Paano na yan?" "Edi paglapitin natin ulit sila, para magkadevelopan tayo - este sila. Hehe."