AUTHOR'S POV
Pagkatapos ng ilan pang sigawan, pilitan, batukan at hilahan, nadating din ni Mingyu at Seungkwan ang park na malapit sa bahay nila Hoshi. Buti na lang talaga at maggagabi na, pwede nang reypin ni Mingyu si Seungkwan dejk. Buti na lang at maggagabi na dahil may mga parts na ng park na walang tao, pwede nang mag – usap ng mapayapa ang dalawa.
"Sandali nga lang kasi Mingyu. Kapag ito ay walang sense, lilibre mo akong lunch ng isang linggo." Pagmamaktol ni Seungkwan kasi nga diba hiniklat siya ni Mingyu tapos di niya daw makikita yung mga susunod pang moments ng Soonhoon hayzt.
"Oo nga kasi. Kailangan ko lang talaga huminga, wait lang." walang ganang sagot ni Mingyu, ang daming bumabagabag sa isip niya, ang dami niyang tanong, nanghihina na yung mga tuhod niya, yakap pa lang ni Wonwoo.
Naupo sila isa sa mga benches sa bahagi ng park na kakaunti lamang ang tao. Naramdaman ni Seungkwan ang lungkot ni Mingyu kaya nanahimik na lamang siya at hinintay na magsalita si Mingyu.
Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, ang naririnig lang ay ang mga buntong – hininga ni Mingyu. Binibilang nga ni Seungkwan eh, mga nakahigit sampu na daw.
"Ex – boyfriend ko si Wonwoo." diretsahang sabi ni Mingyu.
"Alam ko."
Nagulat si Mingyu sa sinabi ng kaibigan, sino ba namang hindi? All this time, alam niya pala. All this time, nagpapanggap lang pala siya na hindi niya alam.
Marahil nakita ni Seungkwan ang gulat sa Mingyu kaya nagpaliwanag siya.
"Alam ko na may something sa inyo ni Wonwoo, halata naman dun sa tula niya eh. Hula ko lang na mag – ex kayo, hindi naman kita matanong kasi alam kong nasasaktan ka pa kapag napag – uusapan yung relasyon niyo dati."
Hindi alam ni Mingyu kung ano ang mararamdaman. Gusto niyang magsalita ngunit hindi niya mahanap kung nasaan ang boses niya. Gusto niyang ikwento kay Seungkwan ang lahat ng nangyari, kasi ito naman na ang mahal niya ngayon.
"Grade 8 ako sa Pledis Boarding School, samantalang ikaw nasa Jeju ka pa, hindi ka pa nagttransfer dito. I was living my life peacefully. Ang unang goal ko ay ang makatapos ng pag – aaral at maging top 1 sa klase para maging proud sa akin sila Mommy. Masaya akong nag – aaral noon kahit na maraming requirements kasi kasama ko naman yung mga kaibigan ko. I was contented with my life then."
Narinig ni Seungkwan ang buntong – hininga ni Mingyu ngunit di na siya nagsalita, sa halip ay hinawakan niya ang kamay nito at marahang pinisil, senyales na ipagpatuloy lamang ni Mingyu ang pagkwenkwento dahil nakikinig siya. Senyales na rin para sabihing nandito lang siya sa tabi nito. Mingyu felt that assurance, kaya nagpatuloy na ito.
"Then Wonwoo came, he transferred to our school noong July that year. Pero kahit na transferee siya, madali lang siyang nakilala sa school kaya madali din siyang naka – adjust. Kahit na may pagkamisteryoso yung aura niya at palagi siyang tahimik, madali pa rin siyang nakahanap ng mga kaibigan niya. Yun ay sina Jun at Jisoo. Naging sikat pa nga siya sa school eh."
Buntong – hininga ulit.
"Hindi naman big deal sa akin dati ang isang Jeon Wonwoo. Isa lang siyang transferee at kaklase. Nakakasama namin yung barkada nila dati kasi si Seokmin eh patay na patay kay Jisoo kaya dikit ng dikit pero hindi naman kami naging close."
Tangina, isang buntong – hininga ulit.
"Kaya nung magconfess siya sa akin mga bandang August, nagulat talaga ako. Kasi sino ba naman mag – aakala? Si Jeon Wonwoo na sikat sa buong school, si Jeon Wonwoo na tahimik, si Jeon Wonwoo na hindi ko masyado ka-close, nagconfess sa akin? Kaya tinanggihan ko siya nung una, saying na hindi pa ako handa sa ganung relasyon. Pero mapilit siya, sabi niya liligawan niya daw ako. Sabi niya, papatunayan niya daw ang sarili niya sa akin. Pumayag ako, since mapilit siya at ayaw ko mang aminin noong mga panahon na yon, alam kong gusto ko din siya."
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Meet [SOONHOON&MINKWAN]
Fanfiction"Mahal kita" "Sorry. Pero kaibigan lang talaga. May mahahanap ka rin na makapagbabalik nyan" "Tangina pwend, lumubog ship natin. Paano na yan?" "Edi paglapitin natin ulit sila, para magkadevelopan tayo - este sila. Hehe."