SPECIAL THGIE

92 4 8
                                    


Mingyu's POV

"Hao anong gagawin natin dito kay Hoshi hyung?" tanong ko kay Minghao. Nagpass out na si Hoshi hyung matapos mag-iiiyak habang nandito kami sa loob ng sasakyan. Pinipilit nya pa si Hao na bumalik at kausapin ulit si Woozi hyung pero di na sya pinapansin ni Hao.

"Edi iuuwi sa kanila. Ano pa nga ba?" Sagot nya. Problema neto?

"Galit ka?" I asked.

He sighed. "Di ko lang kasi maintindihan kung bakit hindi sya magawang bigyan ng chance ni Woozi. Ano bang mali kay Hoshi at ayaw nya sa kanya."

"Hao may gusto ka ba kay Hoshi hyung?" tanong ko sa kanya.

"Tanga. Bestfriend ko kasi ung tao. Syempre nararamdaman ko rin ung sakit na nararamdaman nya. Bakit hindi ka ba ganun kay Seungkwan?" tanong ni Hao.

Iba naman kasi ung nararamdaman ko kay Seungkwan... Hindi lang basta bestfriend.

"Syempre ganun din. Mahal ko sya ee." Sobrang mahal na lumagpas pa sa pagiging bestfriend.

------------------------------

Ala una na pagdating ko sa apartment nakapatay na ung mga ilaw. Tulog na siguro si Seungkwan.

Pumasok na ko at binuksan ang ilaw sa sala. There I saw my bestfriend's sleeping figure. Nakatulog na ata sya habang hinihintay ako at siguradong patay ako neto.

"Kwan." I said and poked his cheeks. Agad naman syang nagising.

"Hmmm. Andito ka na pala. Kumain ka na ba?" Tanong nya sakin. Bakit ang cute cute ni Seungkwan pag kagigising??!

"Opo." Sagot ko.

Agad namang nagbago ang expression nya. Problema neto? "Ge. Matulog ka na." Sabi nya at tumayo na. Akala ko naman pupunta sya sa kwarto nya. Pero nagpunta syang kusina.

"Kwan madaling araw na. Gutom ka na naman?" Pang-aasar ko.

"Malamang. Hindi kasi ako nagdinner kasi wala akong kasabay. Akala ko kasi maagang uuwi ung kasabay ko kaso di naman pala. Sana pala di na lang ako naghintay. Di man lang kasi nagsabi na sobrang malelate pala sya ng uwi. Kaya kakain ako" sabi nya habang hinanda ung kakainin nya.

Shit. Hindi kumain ang isang Boo Seungkwan para sakin? Di ko alam kung kikiligin ako o maiinis ako sa sarili ko dahil nagalit si Kwan sa akin.

Tumabi naman ako sa kanya at nilapit ang upuan ko habang kumakain sya.
"Kwan galit ka?" tanong ko. Di sya sumagot at tuloy tuloy pa rin sa pagkain. Tangina mo naman kasi Mingyu.

"Kwan pansinin mo ko." Sabi ko habang sinusundot tagiliran nya.

"Tangina Kim Mingyu wag mo kong ginugulo kapag kumakain ako. Tangina mo." Galit nga sakin. Binuo na nga pangalan ko. Namura pa ko twice.

"Kwan sorry na. Akala ko kasi di mo na ko hihintayin ee."

Di naman nya ko pinansin at tumayo na sya.

"Kwan sorry na please." Sabi ko sabay habol sa kanya. Tuloy tuloy parin syang hanggang sa makapasok sya sa kwarto nya. Agad naman akong tumakbo. Baka ilock nya. Bawal akong matulog nang hindi kami nagkakabati.

Author's POV

"Lumabas ka."

"Ayoko."

"Lumabas ka isa!"

"Ayoko nga"

"Bahala ka nga." Sabi ni Kwan at dumapa na sa kama nya.

"Kwan"

"Kwaaan"

"Kwaaaaaaaaaaaan"

"KWAAAAAAAAAAAN!"

"TANGINA MO. PATULUGIN MO KO!" sabi ni Seungkwan at binato si Mingyu ng unan.

"Sorry na kase." Mingyu said and laid beside Seungkwan.

Lumayo naman si Seungkwan at tumalikod kay Mingyu. "Kwan naman ee. Diba di mo ko matitiis? Sorry naaa." Mingyu inched closer again.

"Tigilan mo nga ko. Lumayas ka na."

"Babe--"

"Tangina pinapamukha mo bang baboy ako? At anong babe? Landi mo."

"Sorry na kase. Naglasing kasi si Hoshi Hyung. Tapos sinamahan namin sya ni Minghao. Tapos dumaan pa kami sa bahay ni Woozi Hyung--"

Bigla namang lumingon si Seungkwan kay Mingyu. "Wait wait anong nangyari noong dumaan kayo sa bahay ni Woozi hyung."

Mingyu hugged Seungkwan and pulled him closer. "Bati na tayo?"

"May sinabi ako?"

"Edi hindi ako magkukwento."

"Edi lumayas ka dito"

"De eto na nga magkukwento na. Ayun sumugod si Hoshi hyung para humingi ng chance kay Woozi hyung. Tapos tapos inakap pa nya si Woozi hyung--"

"Tapos sila na?"

Mingyu sighed. "Sadly hindi."

"Ano nang gagawin natin?"

"Hindi ko alam. Ikaw ba naka-usap mo na ba si Woozi Hyung?" Mingyu asked.

"A-ah ano ee. Ayaw pa nya magkwento. Pero may plano na ko." Seungkwan said at tumayo na. Sumunod naman si Mingyu.

"Ano naman yun?"

"Basta next week. You'll know. Ngayon lumayas ka na at matutulog na ko."

"Bati na tayo?"

Tinulak naman sya ni Seungkwan palabas. "Hindi. Good night."

___________________________________________////•

When Two Hearts Meet [SOONHOON&MINKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon