SPECIAL ENIN

118 4 4
                                    


Mingyu's POV

"Seungkwaaaan dalian mo! Mamaya mo baka mauna sila Hoshi hyung satin dun. Masisira plano mo." Sigaw ko kay Seungkwan. Pupunta kasi kami ngayon sa Jeju. Doon namin balak gawin ung "We need Vacation" na sinasabi ni Kwan. Meron kasi silang rest house na malapit sa dagat.

"Hoy anong plano ko? Plano natin to noh. Natin!" sabi naman ni Seungkwan. Natin.. waahh ang sarap pakinggan. Pero ayun nga ang totoo nyan excuse lang naman ung vacation ee. Kailangan lang talaga naming gumawa ng paraan para maging si Hoshi at Woozi hyung na.

"Ano tutunganga ka na lang dyan?" Tanong ni Seungkwan. Nakalabas na pala sya.

"Eto na. Eto na."

--------------------------

"Andito na ba tayong lahat?" Tanong ni Kwan.

"Andito na lahat except dun sa dalawa." Sagot naman ni Cheol Hyung.

"Okay so ganito. Sa isang Van si cheol hyung, jeonghan hyung, ung dalawang intsik, si Wunoy, si Dino. Dun naman sa isa, ako, si sunog, si pader jisoo at seokmin, si vernon at ung SoonHoon." Explain ni Kwan. Sabi sa inyo plano nya lang ee. Kita nyo wala akong alam.

"Ee hyung pano kung isa sa kanila lumipat sa van namin?" Tanong ni Dino.

"Napag-isipan ko na yan noh. Kala nyo ha. Me is improving. Para walang makalipat sa kanila. Mauuna na kayo sa Jeju. Alam naman ni Jeonghan hyung kung saan yun. Kaya dali. Alis na kayo!"

Agad naman umalis ung anim. Naiwan kaming pito. Nakakainis naman si Seungkwan. Bakit kasi di nya isinama si Vernon dun sa isang van. Mukha tuloy akong third wheel sa kanilang lahat. O kaya ako nalang sana sumama dun sa isang van 😭😭

"Hoy sunog bat ang tahimik mo?"

"Bakit ano bang gusto mong sabihin ko?" Busy ka naman kay Vernon pano kita kakausapin.

"Sungit. Tinatanong ko lang baka mamaya nyan napano ka na pala." Sabi nya naman. Bakit ka ganyan Seungkwan napakapaasa mong tunay.

"Okay lang ako. Sige na dun ka na sa Vernon mo." Sabi ko naman. Basta masaya ka okay na ko.

"Wag ka nga maingay. Mamaya marinig ka ee. Dyan ka na nga." Sabi ni Seungkwan tapos nilapitan na nya si Vernon. Haaaay...

"O! Andyan na sila." Sabi ni Jisoo Hyung.

Sabay dumating si Hoshi at Woozi hyung. Buti pa sila mukhang itinadhana.

"Asan na ung iba?" Tanong ni Hoshi hyung.

"Ahh nauna na sila Hyung. Sakay na kayo. Dun na kayong dalawa sa likod." Sabi naman ni Seungkwan. Agad namang sumakay si Woozi hyung.

Driver namin si Jisoo hyung sa tabi nya naman si Seokmin. Tapos ako, si Kwan at si Vernon magkakatabi. Kaya sa likod nalang talaga ang bakante.

"Seok palit nalang tayo nahihilo ako pag sa likod ako ee" sabi ni Hoshi hyung.

Bumulong naman si Seok kay Hoshi hyung. "Sige na nga." Sabi ni Hoshi  sabay sakay sa likod. Ano kaya yung sinabi ni Seok?

Pagkasakay ni Hoshi nagdrive na si Jisoo hyung. Tumingin naman ako sa likod. Magkasama nga sila sa likod parehong nasa magkabilang dulo naman.

"Nog tutulog muna ako ha. Gisingin nyo nalang ako pag andun na tayo."

"Sige. Higa ka sakin kung gusto mo."

"Wag na. Mamaya.." lumapit sya sakin para bumulong "akalain ni Vernon tayo."

Ano naman kung akalain nyang kami?! Maganda nga yun para di ka na nya lapitan. Baka ligawan ka pa nya. 😭😭😭 Makatulog na nga lang din.

--------------

Nagising ako nang biglang may nagtext sakin.

From: Haoi

Oyy musta dyan?

Tinignan ko naman ung dalawa. I smiled. Nakalapit na si Hoshi hyung kay Woozi hyung. Woozi's head is on Hoshi's lap. Ung kamay ni Hoshi hyung nakapatong sa ulo ni Woozi hyung. Mukhang nakatulog sya habang hinahaplos ulo ni Woozi hyung.

To: Haoi

Tulog sila pareho. Nakatulog si Woozi hyung sa lap ni Hoshi hyung.

From: Haoi

Picccc!!!

Pagkasend ko ng picture kay Minghao. Tumingin ulit ako sa paligid ko. To my surprise. Seungkwan's head was resting on Vernon's shoulder. Si ulo naman ni Vernon nakapatong sa ulo ni Seungkwan.

Tumingin naman ako sa bintana. That should be me. Bakit ba hindi ako makita ni Seungkwan? Bakit ba si Vernon ang gusto nya?

"Gyu okay ka lang?"

"Seok gising ka pala."

"Hindi ako gising. Ginising lang ako ni Jisoo hyung. Mukha ka kasing naiiyak."

"Hindi ahh. Kagigising ko lang kasi." Sabi ko naman sabay humikab kunwari.

"You can't fool me Gyu." Sabi naman ni Jisoo hyung.

"Si Seungkwan ano?" sabi naman ni Seokmin.

"You like him." Sabi naman ni Jisoo hyung. Hanep ganun ba ako kahalata?

"Syempre. Bestfriend ko sya." Sagot ko naman.

"No. You like him more than that."

"Teka wala akong naiintindihan." Sabi naman ni Seok.

Jisoo hyung laughed. "May gusto ka kay Seungkwan diba Mingyu? Di lang as a best friend." tanong nya. Huhu tangina mo hyung.

"Ahh. Oo nga Gyu. Pansin ko din. Iba ung care mo kay Seungkwaniee."

"Para ko na kasi syang kapatid"

"Kapatid my ass"

"Aba hyung akala ko ba banal ka."

"Ewan ko sayo Gyu bahala ka kapag naagaw yan. Ikaw rin mawawalan."

"Wala namang akin Hyung ee."

"Walang magiging sayo kung hindi mo gagawing para sayo."

"Teka nagtatagalog na kayo pero wala parin akong maintindihan."

"Wag mo nang intindihin Seok. Basta dapat naiintindihan ni Gyu."

When Two Hearts Meet [SOONHOON&MINKWAN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon