MINGYU'S POV
Weekend na, ibig sabihin apat na araw na mula nong pinatamaan ako ni Wonwoo. Psh.
Gumising ako ng maaga para gumawa ng almusal. Kailangan mabilis kumilos ngayon kasi madaming requirements. Yung mga teacher naman kasi, ang daming binigay. Nag-weekend pa kami, ayt?
Pagkatapos ko magluto ng almusal ay pinuntahan ko na sa kwarto niya si Seungkwan para gisingin. Pagkatapos nito ay mag-iisip na kami ng plano para dun sa music video na project namin.
"Hoy, Seungkwan. Gising na. May almusal na, bilisan mo. Marami pa tayong gagawin."
"Hmmm. Mamaya na Mingoyyy~ Ten minutes pa. Please" aba siraulo, tsk di pwede.
"Di pwede Seungkwan, marami tayong requirements ngayon. Kailangan mabilis kumilos." sabi ko habang hinihiklat hiklat ko yung kumot niya.
"Mamaya na nga kasi Gyu anoba." pagkatapos ay hiniklat ako pahiga sa kama niya. Sghsqoiaushw. Putangina. Bakit ang lakas ng baboy na to. Hindi ako makahinga shet. Bale, magkatabi kami ngayon at ang lapit-lapit ng mukha niya. Putangina ulit. Putangina. Kim Mingyu, magtigil fota.
Huminga ako ng malalim. Kalma, jusko. Sinubukan ko ulit magsalita.
"Kwannie, madami ng requirements. Tatapusin na natin yung pagrerecord ng kanta para sa project tapos pupunta pa tayo kila Hoshi-hyung. Tutulong tayo sa pagshoshoot diba. Para kapa---" nahigit ko ang hininga ko. Bakit ang clingy niya ngayong araw?
"Mamaya na please? Ten minutes lang~" tapos saka ako niyakap at sumiksik sa dibdib ko. Asdfghjkl.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi bumuntong hininga. At tanawin ang orasan sa kanyang kwarto. 6:50am na. Ganun naman lagi eh. Pagdating sa aming dalawa, ako lagi ang talo.
"Tsk. Sige, ten minutes lang ha. Bawal sumobra. Lalamig yung pagkain." Naramdaman ko naman na tumango siya.
Siguro kapag may nakakita sa amin ngayon, iisipin na may something. Pero hindi, ganito talaga si Seungkwan. He grew up with his two sisters and his mother. He was so used sa pag-aalaga at pagpapahalaga sa kanya. Kaya sobrang clingy, sobrang sensitive, sobrang inosente. Para siyang bata na kailangang protektahan at alagaan. Kaya ako laging nasa tabi niya. At sana, kapag dumating ang panahon na makakahanap na siya ng ibang mag-aalaga sa kanya, sana hayaan niya akong manatili sa tabi niya.
Bumuntong hininga ulit ako, saka inilagay ang braso ko sa ulunan niya. Susulitin ko na. Tsk. 6:57am na. 3minutes na lang. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Naramdaman kong mas lalo siyang lumapit sa akin.
6:59am. Isang minuto na lang. Sa isang minuto na yon, tinitigan ko lang siya.
7:00am. Tapos na.
"Seungkwan, tapos na yung ten minutes." at niluwagan ko na ang yakap sa kanya.
"Bangon na~~~" sabi ko at saka inumpisahang pisilin ang mga pisngi niya.
Nakita kong kumunot ang noo niya, senyales na gising na siya at handa nang bumangon. Nang makita kong nag – iinat na siya ay lumabas ako, baka kasi mapaamin ako ng wala sa oras.
Nagsimula na akong maglagay ng mga plato sa lamesa habang nag-aayos pa si Seungkwan. Nung lumabas na siya ng kwarto niya, kumain na kami at pinag – usapan ang mga gagawin namin para sa project.
"Mingoy, may naisip ka na ba para dun sa project natin? Wala akong maisip na kanta eh." sabi niya sa akin habang napapakamot na lamang sa batok niya.
"Meron na. Yung Toy ng Block B. Maganda kasi yung tunog tapos nakakaadik pakinggan, para sa akin ha. Kaso eh medyo malalim yung meaning ng lyrics tsaka wala pa akong naiisip na concept."
"Ah, oo. Napakinggan ko na yun, maganda nga yun. Parang chill yung kanta pero eh may deep meaning pala. Yun na lang. Saka na lang tayo magconceptualize ng kung ano ang gagawin natin sa video." sagot niya habang nakatingin pa rin sa kinakain niya.
"Saan ba tayo magrerecord? Pangit naman kung sa phone lang."
"Nasabi ko na sa Sojeong- noona, pumunta lang daw tayo sa working place niya mamaya. Sasamahan niya daw tayo sa kaibigan niya na may – ari ng recording studio kung pwede tayo makigamit."
"Sige tapusin na natin yung kanta ngayon ha. Para bukas video na lang." tumayo na ako kasi tapos na akong kumain. "Maliligo na ako, Kwannie. Gusto mong sumaba—este kaya mo na ba yan?"
"Oo, sige na. Kaya ko na to. Mauna ka nang gumayak."
-------------------------------------------------/////
Nandito na kami ngayon sa lobby ng working place ni Sojeong – noona. Natawagan na siya ni Seungkwan kanina, saying na nandito na kami sa labas. Hinihintay na lang namin si noona at pagkatapos ay pupunta na kami dun sa recording studio ng kaibigan niya. Napag – usapan na rin namin ni Seungkwan kanina kung ano gusto naming motif sa kasal namin. De jk. Ano, kung paano yung hatian namin sa parts tapos kung saan kami magsasabay.
Sumakay kami ng taxi at after siguro ng mga 15 minutes, nakarating na din kami. Agad namang kinausap ni noona yung kaibigan niya and pumayag naman ito. Pumasok na kami ni Kwannie sa recording room samantalang si noona saka yung kaibigan niya ay nagkwentuhan muna sa coffee shop sa tapat ng studio.
May nag-aassist naman sa amin na tauhan nung kaibigan ni noona kaya okay lang. Nag-start na kami. Nag-umpisa sa part ko.
What importance are my feelings
Play with me until you get sick of me
If it's for you, you can break me down
Because I'm a toy, toy
If I become useless, just throw me away secretly
If I can be remembered distantly, sometimes then I
Everything I do it for you
I'm a toy, toy
Tapos part na ni Seungkwan.
When we spill out our hearts to each other
You smiled only after you caressed me
Even though I'll be placed in the corner soon enough
My destiny is in your hands
Then ako ulit.
Girl use me while you can
I'm all yours
Tapos sabay na kami. Habang kumakanta ako, nakatingin lang ako kay Seungkwan. Kasi sa part niya kanina, he sang it with all his heart na para bang alam niya ang mga emosyong pinaparamdam ng kanta.
I have nothing else I wish from you
If I can see you being filled by me
I can take out everything, will you take it?
If love is a joke then use me without mercy
Now you know, all you need is me
I'm your toy, I'm your toy, I'm your toy
If love is a joke then use me without mercy
Natapos ang kanta. Tinitigan kong mabuti si Seungkwan, bakit ang lungkot ng mga mata niya? Alam niya ba ang pakiramdam na maging laruan? O ang pakiramdam na di ka mahal ng mahal mo? May tinatago ba siya? Does he feel like a toy?
Napabuntong – hininga na lang ako. Mabigat kasi sa dibdib.Bahala na.
-----------------------------------------------------/////
seungkwanbooed's note: Hi guysssss!!! I'm back. Hehe. Pasensya na at di ako nakapag-update agad huhuhu. Ang dami kasing requirements eh tapos puro quizzes pa kami ngayong linggo kaya ni ko maharap yung story. Pero yey! Eto na siyaaaaaa. MAHALIN NIYO NA MINKWAN SIGE LABLAB SILA EH AHAHHA. Pakinggan niyo din yung Toy ng Block B, maganda yon. PRAMIS. LALO NA YUNG SECOND VERSE RELATE NA RELATE SI MINGOY AHAHAHAH DI KO LANG NAILAGAY EH. Anyway, enjoy the update guys!
PS. Ang fishy ni Seungkwan noh :>
BINABASA MO ANG
When Two Hearts Meet [SOONHOON&MINKWAN]
Fiksi Penggemar"Mahal kita" "Sorry. Pero kaibigan lang talaga. May mahahanap ka rin na makapagbabalik nyan" "Tangina pwend, lumubog ship natin. Paano na yan?" "Edi paglapitin natin ulit sila, para magkadevelopan tayo - este sila. Hehe."