badmorning

9.5K 185 1
                                    

ARA'S POV

"Shiela, call Mr. Robles and tell him to deliver the goods we paid in three days, pag di niya nagawa yun cancel everything at humanap ka ng ibang pwedeng pagkuhanan"utos niya sa secretarya niya

"Okay Ma'am"sagot ng secretary niya

Simula kasi nang nagtapos siya sa kursong management ay pinagtraining at tinuruan siya ng ama sa pagpatakbo ng negosyo nila, She was twenty years old when she graduated college, one year siyang nagtrain under her father pagkatapos ng isang taon ay pinaubaya sakanya ng ama ang tatlong restaurant nila minsan pag may problema ay nagpapatul0ng pa rin siya sa Papa nila and now that she's twenty four at halos magtatatlong taon na din mula nung siya na ang nagmamanage ay okay naman ang lahat minsan nga lang nagkakaproblema siya sa mga supplier nila na nauuwi sa pag bi beastmode niya,

At kapag beastmode siya alam na nila ang mangyayari dahil mas nakakatakot pa
siya, as much as possible ay ayaw na ayaw niya ang nadedelay ang pagdedeliver ng mga kailangan sa restaurant nila pero tanggap naman niyang di maiiwasan yun pero pag ito ay sunod sunod na ay di katanggap tanggap para sakanya yun.

Inis na inis siyang pumasok sa office niya at sinimulang reviewhin naman ang income reports sa laptop niya

Sa halos tatlong taon na siya ang humawak sa mga restaurant nila naging okay naman di katulad nung umpisa niya ay taas baba ang sales nila sa loob ng isang taon, may mga sinubukan kasi siyang baguhin kaya nagkagan0n pero kalaunan ay naging maganda na ang flow ng pamamalakad niya minsan lang talaga nagkakaproblema siya sa suppliers nila pag nadedelay ito.

Nang matapos siya sa sales nila ay hinarap naman niya ang mga papeles sa table niya nang biglang magring ang cellphone niya

"Aaron, bakit?"tan0ng niya its his twin brother akala niya noon babae ang kakambal niya

"Bakit ang aga aga wala ka nanaman sa mood?"balik tanong nito

"Bakit nga?sagutin mo tanong ko kung ayaw mong bagsakan kita" wika niya

"Tatanungin ko lang kung busy ka ba mamaya?tanong ng kakambal

"Medyo bakit ba?"aniya ulit

"Nothin, I just want to invite you later,it's my friend's birthday dito sa bar gaganapin baka lang kasi gusto mong pumunta"wika ng kapatid

"Ano nanaman ang papel ko sayo?nanay o girlfriend?"tanong niya minsan kasi pag niyaya siya ng kapatid sa party pinapakilala siyang siyang girlfriend para lang di makalapit ang ex nito sakanya pero madalas para siyang nanay nito na binabantayan lang niya pag napapadami ito ng inom ay sinasaway na niya ang ending siya ang driver pag uwi

Nung una di sila masyadong close ng kapatid masyado kasi itong naispoiled ng Papa at Lola nila lahat ng gusto nasusunod, pero minsan nagalit ang Papa nila dahil nagkaproblema ito sa school nila dahil nagbulakbol ito napasama sa mga pariwarang barkada,pinahinto ito ng ama nila at di binigyan ng allowance kahit ang lola nila ay nagalit din, naawa siya noon sa kakambal narehab pa ito ng dalawang bwan kahit galit siya noon ay siya ang nag asikaso sa kapatid nalaman niya din kasing niloko ito ng babaeng minahal kaya napabarkada naging lasenggo at natut0ng gumamit ng bawal na gamot ang kapatid.

Matalino din ang kapatid niya katulad niya,at parehas silang tanga sa pag ibig katulad niya ay nagmakaawa din ito na balikan lang siya pero may iba na yung babae kaya wala na din nagawa ang kapatid niya,nagsimulang mapasama sa maling barkada ito at nagbisyo, nang malaman ito ng ama at lola nila ay galit na galit ang mga ito kaya pinaghinto ito sa pag aaral pero nakikipagkita pa rin ito sa mga barkada nang malaman ng ama ang bisyo niya ay agad na hininto ang allowance niya hanggang umabot pa sa puntong pinarehab ito ng ama nila

Isang taon na nahinto sa pag aaral ang kapatid at siya ang nagtiyagang mangaral dito at nang makalabas ito sa rehab ay siya ang tumulong para makabangon ulit ang kambal dun na din sila nagsimulang maging close para siyang ina ng kapatid,naawa siya sa kapatid kasi kahit busog ito sa pagmamahal ng ama at lola nila kahit papano naghahanap pa rin ito ng pagmamahal ng ina minsan tinanong siya ng kapatid ano daw ba ang feeling ng may nanay,sinagot lang niya ang kapatid na "ituring mo akong nanay kamukha ko naman si nanay eh"sagot niya sa kapatid, tinawanan lang siya nito pero mula noon naging malapit na sila sa isa't isa at nagsimula ding umayos ito sa pag aaral, nauna lang siya dit0ng nagtapos ng isang taon, at ngayon ay ito na rin ang namamahala sa dalawang bar na tinay0 ng ama nila dahil sa request ng kapatid

"Papakilala kita sa kuya ni Niro"sagot ng kapatid

"Birthday ni Niro?"tanong niya kilala niya kasi ito kasi mula nung bumalik sa pag aaral ang kapatid naging matalik niyang kaibigan ito

"Opo!daming tanong basta umuwi ka ng maaga baka late ka nanaman umuwi mamaya nasabi ko na kay Niro na pupunta ka hintayin ka namin"litanya ng kapatid

"Ewan ko sayo bahala na" sagot niya

"Anong bahala na basta pumunta ka! papakilala namin sayo yung kuya niya" wika ulit ng kapatid

"Aaron ilang beses ko bang sasabihin sainyo na tigilan niyo na ang pagpapakilala saakin sa lalaki wala kayong mahihita saakin"galit na wika niya

"Tss! Wag ka mag alala papakilala lang,di namin kayo iseset ng date dahil di ka type nun" sagot nito

"Bakit ba kasi kailangan niyo ako ipakilala diyan?atsaka akala ko ba nasa states yung kuya niya?"tanong niya dahil nabanggit na yun sakanya noon tatlo silang magkapatid na puro lalaki kaya tinuring siya ni Niro na ate naiinggit daw kasi siya kay Aaron dahil meron daw itong panangga sa mga babaeng nag hahabol sakanya kaya minsan pinakiusapan din siya ni Niro na magkunwaring pinsan niya pinagsabihan yung babaeng patay na patay dito

Gwapo kasi ang dalawa at parehas na anak mayaman mula nung naging magkaklase sila magkasundo ang kaptid niya at si Niro sa pambabae, di sila nasteady sa isang babae lang,yun din siguro ang dahilan kung bakit takot na siyang magmahal ulit sa paniniwalang lahat ng lalaki ay babaero magaling lang sa salita pero kalaunan ay wala din iiwan ka lang din na durog

"Kaya nga ka nga ipapakilala kasi umuwi na siya at siya daw yata ang katulong ni Niro sa business nila dito,yung panganay na nila ang bahala daw sa negosyo nila dun sa states" ani Aaron

"Ah, " sagot lang niya

"Punta ka ha,"

"Marami kay0?"

"Medyo, kumpleto kasi barkada eh with their partners" sagot ng kapatid at tumawa

"Eh kayo?"tan0ng niya

"Meron din, kami pa!"confident na sagot nito

"Yabang! Sige na madami pa akong gagawin masyado ka nang nakakaistorbo" aniya

"Ang sungit mo talaga!basta punta ka ha magpaganda ka,"kantiyaw ng kapatid

"Ewan ko sayo!babye!"wika niya at binaba na ang phone niya sinubukan siyang tawagan ng kapatid pero di niya ito pinansin,maya maya pa ay nagtext na lang ito

From Aaron

I was just kidding,pikon k tlga , sorry but please Niro is expecting y0u to come :)

Pagkatapos niyang basahin ang text ay nilapag niya na ang phone at nagpatuloy sa ginagawa niya bahala na mamaya pag maaga siyang matatapos pupunta siya pero pag ginabi siya matutulog na lang siya.

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon