istorbo

8K 184 1
                                    

Naalimpungatan siya ng magring ang phone niya kinapa niya ang side table niya

"Hello,"aniya na halatang kagigising

"I knew it!tinulugan mo nanaman ako" sagot ng kapatid niya saka lang niya naalala ang birthday ni Niro

"Aaron, sori napagod ako atsaka may meeting si Papa kanina na di napuntahan kaya ako ang pumunta"paliwanag niya

"Humabol ka na lang, maaga pa naman" pangungulit ng kapatid

"I'm tired,bawi na lang ako PROMISE" aniya na pinagdiinan ang word na iyon

"Really, PROMISE huh!"sagot din ng kapatid na katulad niya pinagdiinan ang salitang iyon alam kasi nito na pinapanindigan niya ang pangako niya kaya madalang niya iyon bitiwan

"Oo nga, sige na pakisabi na lang kay Niro happy birthday" aniya at binaba na ang phone niya

AARON'S POV

Napabuntong hininga siya pagkatapos makipag usap sa kakamal

"Bro,tulog na si Ara"aniya kay Niro

"Tsk!pano na to hirap pa naman si kuya na palabasin sa lungga,ngayon nga kung di ko lang birthday di to sisipot eh" anang kaibigan na nanghihinayang din

Tahimik siyang nag iisip, gusto lang naman kasi nilang magkaibigan na mapakilala ang mga kapatid nila

"Boss, shot ulit?"tanong ng bartender niya agad naman siyang napatayo at ngumiti

"Thankyou"aniya sa bartender

"Alam ko na Bro kung pano ko mapapasunod ang kapatid ko" nakangiti niyang wika

"Pano?"kunot noong tanong ng kaibigan

Pero imbes na sagutin niya ang kaibigan ay tinawag niya ang bartender at nagpakuha ng iinumin nila

ARA'S POV

Nagising siya ulit nang magring ang phone niya

"Aaron please I'm---------"

"He's drunk, I was trying to ask him your'e home address so I can just drop him but I don't understand what he's saying,tapos heto pa at gusto niya magdrive, I don't think he can drive" wika ng lalaki sa kabilang linya kaya kahit inaantok pa ay napabangon siya

"What?! Shit, I'm coming"aniya at mabilis na tumayo kinuha ang susi ng kotse niya

Mabuti na lang at alas dos na ng madaling araw kaya di na traffic kaya mabilis niyang narating ang bar kung saan naroon ang kapatid

Dirediretcho siyang pumasok at di alintana ang mga mga taong napapalingon sakanya,

"Boss mo?"tanong niya agad sa bartender
mabilis namang tinuro nito ang parking lot sa likod,

Mabilis ang hakbang niya papunta sa parking lot, agad naman niyang nakita ang dalawang nakaupo sa sahig habang nag uusap at nagtatawanan halatang lasing na

Mabilis niya itong nilapitan at pinagbabatukan

"Aray!"sabay na wika ng dalawa at tinignan siya namumungay na ang mga mata ng dalawa sa kalasingan

"Hintayin niyo ako diyan kukunin ko yung kotse ko"aniya at tumalikod di na niya napansin ang lalaki sa bandang unahan na nakamasid sakanya

Pagbalik niya ay inanalalayan niya patayo ang kapatid,nang maayos ang kapatid ay inalalayan niya si Niro pero may lalaking lumapit sakanya

"Miss, ak-------

"Ikaw ba yung tumawag??tanong niya sa lalaki

"Oo, anyway ako na bahala kay Niro"wika nito

"No, ako na salamat ihahatid ko na lang siya"

"Pero Mis------"

"Ate sakany------"

"Niro ihahatid na kita kung ayaw mong bugbugin kita" aniya

Kaya walang nagawa si Niro kundi sundin ito

Mabilis niyang minaneho ang kotse papunta sa bahay nila Niro

Pagdating nila sa tapat ng gate ay tinawag niya ang guard ng bahay nila Niro para tulungan siya di niya napansin ang lalaking kanina pa nakasunod sakanila

Pagpasok nila ay sinalubong sila ng ina ni Niro

"Naku, Hija, pasensya na sa abala mukhang naistorbo pa ang tulog mo"wika ng Ginang at ngumiti ito sakanya habang nakatitig sakanya kaya kunot noo siyang tinignan ang sarili saka lang niya napansin ang suot niyang padyama lang at tshirt ni wala nga siyang su0t na bra buti na lang at mahaba ang buhok niya kay adi masyadong halata

"Nicholas, bakit di mo na lang sinabay ang kapatid mo pauwi?"tanong ng Ginang na nakatingin sa likod niya kaya napalingon siya,nanlaki ang mata niya

"Ikaw?kapatid ka niya?"gulat na tanong niya

"Don't blame me, I was trying to tell you but you refused to listen"sagot nito

"Tsk! Kahit na!pwede mo pa ring sabihin ng direkta"aniya

"Ayokong mabugbog ang kapatid ko on the day of his birthday"sagot ulit nito

Pero imbes na sagutin niya ito ay sinamaan niya ito ng tingin

"Ah Hija pasensya ka na sa anak ko"singit ng Ginang nang nagkakasagutan na sila

"Ate Ara, meet my brother Nicholas"wika ni Niro na di nila namalayang nakaupo na ito sa couch

Tinignan niya lang ng matalim si Niro

"Sige po Tita,tuloy na po ako "aniyang ngumiti sa ina nila Niro

"Sige Hija, salamat pasensya na talaga sa istorbo anak ha"wika nito,mula kasi nung naging malapit din siya kay Niro ay naging malapit na din siya sa magulang nito pero ni minsan ay di pa niya nameet ang mga kuya ni Niro dahil nasa states ito at pag umuuwi sila ay naitataong wala naman siya o kaya ay di talaga siya pumupunta sa party dahil wala talaga siyang kahilig hilig sa mga ganon

Pagkatapos niya magpaalam ay mabilis na siyang naglakad palabas at tinungo ang kotse niya

NICK'S POV

"Ma, matagal niyo na bang kilala yun?"tanong niya sa ina

"Yeah!kakambal siya ni Aaron, dati ko na siyang binabanggit sayo, wala ka bang maalala?"tanong ng ina,

"Hindi,"tipid na sagot niya

"Anyway akyat na po ako goodmorning Ma sweetdreams"aniya at hinagkan ang ina sa noo

"Kuya, maganda siya no?"wika ng kapatid suray suray na sumunod sakanya

"Tsss, nagagandahan ka pala bakit di mo niligawan?"aniya

"Di pwede,Ate namin ni Aaron yun, saka mahirap paibigin yun!"aniya at ngumiti ng makahulugan

"Tsk!pag ang lalaki mayaman iibigin nun"aniya at tinalikuran ang kapatid

"Ibahin mo siya Kuya, ayaw niya sa mayaman!" Sagot ng kapatid at pumasok na ito sa kwarto nito sasagot pa sana siya pero sinara na ng kapatid ang pintuan nito umiling nalang siyang pumasok sa kwarto niya

ARA'S POV

Pagdating niya sa bahay ay ginising niya ang kapatid

"Aaron, wake up!were home?"aniya at tinapik ang kapatid

Nang tumayo ang kapatid ay tinalikuran na niya ito at naunang pumasok

"Bru,did you meet him?"tanong ng kambal niya kaya napahinto siya at nilingon ang kapatid na susuray suray sa paglalakad

"Sino?"tanong niya

"Si Kuya Nick,"sagot ng kapatid

"Yeah,and still not interested" aniya tumalikod na

"Tsss! Thanks bru!"wika ng kapatid

Inirapan niya lang ito at pumasok sa kwarto niya

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon