retrograde amnesia

6K 129 3
                                    

ARA'S POV

Pagbalik niya ay dumiretso siya sa bahay ng pinsan niya,si Ethan ang pinagsumbungan niya ng lahat,pero nagulat siya sa nalaman mula sa pinsan,buti pa pala ang pinsan niya updated sa nangyayari sa kasintahan samantalang siya walang kaalam alam

"Bakit ngayon mo lang sinabi saakin?"umiiyak na tanong niya

"Sorry, pero ayokong dagdagan pa ang bigat na nararamdaman mo,sinubukan kong sabihin pero di ko alam kung paano uumpisahan"wika ng pinsan

"Anong gagawin ko Ethan"tanong niyang basang basang ng luha ang mukha niya feeling niya daig niya pa ang bata sa itsura niya ngayon

"Ara, si Nick lang ang may amnesia,ikaw wala kung di ka niya maalala eh di magpakilala ka"sagot naman ng pinsan

"Narinig ko kung pano niyang ipagsigawan na si Carrie ang kailangan niya,"aniya

"Ikaw?di mo ba kailangan si Nick?"tanong pinsan

"Kailangan syempre! pero bahala na, sa ngayon kailangan pa ako ni Lola, saka na ako magmamakaawa kay Nick mapasaakin lang siya ulit"nakayukong pahayag niya

Kung alam niya lang na ganon ang sitwasyon ngayon di siya agad umalis agad,di nya rin masisisi ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil siya lang din naman ang iniisip nila,pero naiinis siya sa sarili,

"Bakit ganon ba ang ginawa mo noon? did you beg him to love you?"makahulugang tanong ng pinsan

"Of course not!"gulat na sagot niya

"Then don't do that! Make him fall inlove with you again, umpisahan mo ulit kung paano kayong nag umpisa bilang simpleng Ara at Nick, after all isang taon lang naman na nangyari sa buhay niya ang di niya maalala,malas mo lang kasi kasama ka sa isang taon na yun na di niya maalala"litanya ng pinsan

"Eh di pati ikaw di ka niya kilala?"tanong niya

"Siguro,"tipid na sagot ng pinsan

"Ano ang gagawin ko?"pabulong na tanong niya sa sarili,pero narinig ng pinsan niya

"Go take a bath, Lola is waiting"wika ng pinsan kaya tumayo na siya at sinunod ang utos nito

Magdadalawang buwan na sila ng Lola niya at naawa na siya sa Lola niya, ilang beses na rin nakiusap sakanya ang Lola niya na umuwi na sila dahil napapagod na siya,

Even Ethan told her to agree with what her Lola wants, nagtalo pa sila ng pinsan pero pinaliwanag nito na mas lalong nahihrapan ang Lola nila lalo pa at matanda na rin ito

Tinawagan niya ang Papa niya, at napagkasunduan na rin nilang tatlo na pumayag na lang sa gusto ng Lola niya,

Sa pag uwi nila ay gamit pa rin nila ang private plane nila Nick, kasama pa sa sumundo sakanila ay si Niro,

"Ano man ang mangyari tawagan mo ako agad ha"wika ni Ethan saka siya niyakap nito

"Sige, salamat pakisabi na din sa mga pinsan natin salamat ha"aniya, habang naroon kasi sila ay may mga pinsan din silang dumalaw sa Lola niya

Tinanguan naman siya ng pinsan saka ito lumapit sa Lola niya at hinagkan ito sa noo magkapatid kasi ang Lola niya at Lola ni Ethan kaya ganon ito kalapit sa Lola niya











Pagdating nila ay dumiretso sila sa bahay nila,kumuha sila ng dalawang private nurse para magbantay sa Lola niya may Private doctor din na nagchecheck sa Lola niya everyday

Siya naman ay paminsan minsan pumupunta sa office para kunin at iuwi ang mga papers na dapat niyang pirmahan ayaw niyang iwan ng matagal ang Lola niya

"Ara, isang linggo na ako dito,bakit hindi napunta dito si Nick? May problema ba kayo?"tanong ng Lola niya habang nasa garden sila kaharap niya ang laptop niya ang Lola niya naman ay nakaupo sa tumba tumbang upuan nito

Bahagya siyang natigilan sa tanong ng Lola niya, sinubukan niyang puntahan si Nick minsan sa bahay nila pero di niya nagawang bumaba ng sasakyan niya di niya kasi alam kung paanong harapin ito,natatakot siyang baka ipagtabuyan lang siya ng kasintahan,

"Ara,pag may problema kayo ayusin niyo ha pag usapan niyo ng mabuti"anang Lola niya

Tumayo siya saka umupo sa tabi ng Lola niya

"La, what if one day I woke up, then suddenly he'll just say he doesn't love me anymore?should I fight for my love for him? Or accept the fact and do nothing?"tanong niya sa Lola niya

"Depende"tipid na sagot ng Lola niya

"Depende?panong depende?"naguguluhang tanong niya

"May pagmamahalan na dapat ipaglaban,pero meron din na kahit mahal mo mas okay na bumitaw ka na lang"anang Lola niya

"Depende din sayo, kung ipaglalaban mo yung pagmamahal mo para kahit matalo ka man atleast wala kang pagsisihan sa bandang huli kasi may ginawa ka, or you live the rest of your life asking of what if's because you did nothing"dugtong pa ng Lola niya

Napangiti na lang siya sa sagot ng Lola niya

"Lola talaga dami niyo alam"aniya saka niya hinagkan ito sa noo at bumalik sa harap ng laptop niya

"Matagal ka pa ba diyan?"tanong ulit nito

"Bakit po?may kailangan kayo?"tanong niya

"Lumabas ka nga din naman, ako yung may sakit at may taning ang buhay pero mas maputla ka pa saakin,"sagot ng Lola niya

"Lola talaga,"umiiling niyang wika

"Puntahan mo si Nick, papuntahin mo siya dito"utos nito

Di siya agad nakapagsalita, Paano niya papupuntahin ang binata sa bahay nila kung di naman siya kilala nito

"Ara!"untag ng Lola niya

"O----opo, susubukan ko po bukas"sagot niya pard di na mangulit ang Lola niya



Nang makatulog na ang Lola niya ng gabing yun ay nagbihis siya,kailangan niyang makausap ang kapatid kaya pupuntahan niya ito,isa pa gusto din niyang yayain itong uminom,pangpalalakas ng loob

Pagdating niya sa bar ng kapatid ay hinanap niya ito ang sabi ng bartender ay lumabas lang daw ito sandali pero babalik din daw kaya umupo siya sa isang sulok saka kumuha ng wine











NICK'S POV

Hawak hawak niya ang singsing na may nakaukit na "ARA" two days pagkatapos niyang magkamalay sa hospital ay tinanong niya ang Mama niya kung sino ba si Ara,

Ayaw niyang maniwala sa sagot ng ina niya dahil ang alam niya kay Carrie lang iikot ang mundo niya,pero nang ikuwento sakanya ng kapatid na si Niro ang lahat maraming naging tanong ang isip niya, it's like there's something to Ara that she can't explain,

Pero mas nangingibabaw para sakanya ang makita si Carrie pero binawalan siya ng mga pinsan,kinuwento sakanya lahat ang nangyari bago siya maaksidente, kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang mga pinsan kaya mula nang naging okay na ang pakiramdam niya ay mas nag focus siya sa negosyo nila kaya madalas kasama niya ang kapatid na si Niro

"Kuya, gusto mo bang makita si Ate Ara?"untag ng kapatid saka ito tumingin sa hawak niyang singsing

"Tss. . . . .why should I?she didn't even bother herself to visit me"aniya

"Di ba alam mo naman yung sagot kung bakit, pupuntahan ko si Aaron gusto mong sumama?"tanong ng kapatid

Wala naman siyang gagawin kaya sumama na lang siya sa kapatid

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon